"YAYA Jean, puwede mo po ba akong kuwentuhan before I sleep?" paglalambing sa kaniya ni Elliana nang samahan niya ito sa kuwarto para patulugin na. "Pero nag-story telling na kanina ang Mommy Gwen mo, 'di ba?" "But I love your Rapunzel story, Yaya Jean." Yumakap pa ito sa kaniya para suyuin siya. "Please po?" "Matatanggihan ko ba naman ang favorite baby ko?" Nakangiti na pinanggigilan niya kunwari ang maliit na pisngi ng alaga. Totoong napalapit na ang loob ni Jeany kay Elliana. Wala pang isang buwan na magkasama sila pero napakagaan na ng loob niya rito. Gan'on din ang bata sa kaniya. Para itong nasasabik sa atensiyon ng isang ina. At unti-unti iyong naiintindihan ni Jeany habang tumatagal siya rito sa mansiyon. Napansin niya na mas lamang pa ang oras ni Gwen sa trabaho kaysa sa pami