NAGISING si Jeany nang maramdamang may humahalik sa kaniyang mga labi. Napaungol siya at naramdaman ang paglalim ng halik ni Nicolo. Dahan-dahang naglandas ang kamay ng binata sa kaniyang likod. Marahan siyang dumilat. Nagulat ito na tila hindi inaasahang magigising siya. Unti-unting gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Nicolo. Masuyo nitong hinaplos ang kaniyang pisngi. "I'm sorry kung nagising kita. I just miss you so much. At gusto ko lang gawin ang isa sa mga bagay na matagal ko ng gustong gawin sa'yo pero hindi puwede." Sinimangutan ito ni Jeany. "So, mas gusto mong halikan ako ng tulog?" Tumawa si Nicolo. "Hindi naman sa gan'on. Gusto ko lang malaman kung ano ang feeling na hinahalikan ka habang tulog. Gustong-gusto ko iyong gawin noon sa resthouse nang magising ako na nakaunan ka sa