Kinabukasan maagang gumising ang ilaw ng tahanan ng mga Mckevin upang personal na
maghanda para sa almusal ng pamilya nila. Kapag linggo ay siya mismo ang naghahanda dahil wala
siyang pasok at pupunta sila ng simbahan saka dadalo sila ng welcome party ni Marga. Ang bunsong anak ng mga kaibigan nilang sina Roy at Sheryl. Pababa na sana siya sa hagdan, nasa last step na siya nang bigla siyang mapasigaw kaya't ura-uradang sumunod ang kaniyang asawa na si Bryan.
"Amang mahabagin! Dios ko naman!" napaantadang sambit ni Bryan nang napagtanto ang dahilan kung bakit napasigaw ng kaniyang asawa.
"Ate, ano po---" pati katulong nila ay nagulat din pero agad ding napangiti nang nakita dalawa sa carpet. Samantalang tinakpan naman ng Ginang ang ang bibig.
"MJ, Grace, wake up!" Panggigising ni Bryan sa dalawa pero ayaw magising ng dalawa.
Ah! The two of them was drunked last light! Sa amoy at kalat na lamang sa tabi nila ay halatang nag-inuman sila. Kung ano na naman siguro ang naisip ng dalawa at nakaalala na namang uminum. Hindi naman sila lasenggo dahil nabibilang lamang sa daliri niya kung magkayayaan sila. Sabagay ay mas mainam na iyon kaysa sa labas naman mag-inuman. Nakakatakot na ang mga karahasang lumalaganap sa sambayanan.
"Ako na, Kuya, ang manggigising sa kanila." Pagpresenta ng katulong kaya nagbigay-daan ang mag-asawa.
Napailing lamang sila saka iginala ang paningin sa kalat ng dalawa. Pati baril ng anak nila ay nakasukbit pa rin sa bewang nito. Halatang hindi na nila nakayanan ang espirito ng alak.
Lumapit ang katulong sa mga ito.
"Sunog! Sunog! Sunog! Tulungan niyo po ako! S-sunog!"
"Asaan ang sunog? What happen?" Napalikwas ang dalaga sabay hablot sa baril ng binatang
bumalikwas na rin upang alamin kung nasaan ang sukog. Subalit agad din silang umayos dahil pinagloloko sila ng katulong.
Tatawa-tawa naman ang mag asawa dahil sa itsura ng dalawa. Sabagay, ano pa nga ba ang bago sa mga ito. Parang pinagdikit na saging. Daig pa ang closeness ng mga ito sa kani-kanilang kambal.
"Morning po, Tita Donna, Tito Bryan." Magalang na pagbati ni Grace sa mga magulang ng best friend niyang kapwa niya tinalo ng alak.
"Magandang umaga rin sa iyo, Iha. Ano na naman ang okasyun ninyong dalawa? Aba'y mamaya ay hinahanap ka na naman ng Mommy mo," sagot
ng Ginang at hindi nga naglipat minuto ay tumunog ang land line nila na agad sinagot ng katulong na nambulabog sa kanila
"Mckevin's residence, good morning. Opo, Ma'am, nandito po si Ma'am Grace. Sige po, Ma'am
sasabihin ko po. Bye po," dinig nilang sagot ng katulong sa kausap. Hindi man nito sabihin kung sino ang kausap ay alam na nilang ang ina ng dalaga
"Iyan na nga ba ang sinasabi ko, anak. Hinahanap ka na ng Mommy mo." Baling ni Bryan sa dalagang animo'y nasukol sa krimen.
Samantalang si MJ ay nahilatang muli sa sofa at akmang ipagpatuloy ang naudlot na pagtulog pero sinumpong ng kapilyahan ang dalaga. Agad siyang bumunot ng buhok niya at ikiniliti sa ilong nito kaya naman ay bahing ito ng bahing.
"Loko-loko kayong dalawa. Get up now guys. It's time to clean uo yourselves as well as the sala---"
Hindi na natapos ng Ginoo ang sinasabi dahil tumakbo na si Grace patungo sa kuwarto ni MJ saka ito nginisian.
"Bleeeeh! Ako ang mauna, dibale may damit naman ako riyan. Babussshh," wika pa nito at tuluyang nang pumasok sa kuwarto ng binata.
Napailing naman ang mag-asawa saka muling pinagmasdan ang anak nila. Parang kailan lang naman ang nakaraan, noong mga babies pa sila subalit heto dalaga at binata na ang dalawa.
After sometimes...
Pauwi na sana si Mang Tonyo nang napansing parang tao sa talahiban na malapit sa kanilang bahay. Nilapitan niya ito at halos manginig siya sa nakita. Isang bangkay ng babae at halos hindi ito makilala dahil sa dami ng paso sa katawan at kung hindi siya nagkakamali biktima ito ng panggagahasa. Agad siyang nagtawag ng barangay officials para makuha ito at maiuwi.
Then...
"Hello, puwedi po bang makausap si Sir Marc Joseph Mckevin?" tanong ni Mang Tonyo sa nakasagot sa kaniya.
"Sorry po, Sir, pero linggo po at wala po si Sir MJ. Ano po ba ang kailangan o ipagbilin ninyo sa kaniya?" tanong ni agent Alferos na tauhan ni Mckevin.
"May bangkay po akong natagpuan sa may talahiban at si Sir MJ po ang kakilala ko. Kaya ko po siya tinatanong upang maisurender sa kaniya ang bangkay. Hindi ko po kilala pakisabi na lang po," muli ay sagot ni Mang Tonyo.
Sa narinig naman ni Alferos ay napamura siya.
"Puta! Hindi na nagsasawa ang mga
kriminal. Pakigay n'yo po address at mapuntahan namin. Tatawagan na lang po namin si Sir. Pakibantayan po dahil parating kami. Bye." Agad din niyang isinulat ang address bago nagpaalam sa kausap. Ilang taon na siya sa serbisyo subalit hindi pa rin niya maunawaan kung bakit nanginginig pa rin ang kalamnan niya sa tuwing may itinatawag na krimen.
Samantalang kinakabahan na ni Aling Nena dahil umaga na at mataas na ang sikat ng araw pero
wala pa rin si Annaliza. Dancer ito pero ipinangako nito na iyon lamang hindi nakikipagtable at hindi sumasama sa labas. Nasa ganoon siyang pag-iisip nang biglang nahulog ang portrait ng kaniyang anak na mag-isa at nakapose pa ito. Kaya't mas lalo pa siyang kinabahan dahil dito.
Then...
"Tao po. Tao po. Tao po..." Pangangampag ni Alferos sa harap ng bahay na animo'y nasusunog dahil sa lakas at pagmamadali.
"Sandali lang, naandiyan na," sagot ng nasa loob ng bahay. Sa boses pa lamang nito ay halatang matanda at hirap itong maglakad palabas ng bahay upang pagbuksan siya.
"Magandang umaga, Sir. Ano ba maipaglilingkod ko?" magalang na tanong ni Aling Nena sa mga
unipormadong NBI.
"Magandang umaga din po, Misis. Dito po ba ang bahay ni Aling Nena Mendez?" tanong ni agent Alferos sa matanda. Sa tantiya niya ay mayroon itong sakit.
"Bakit? Ano po kailangam ninyo? Ako po ang hinahanap ninyo," anito.
"Ah, Aling Nena, maari po bang sumama ka sa amin sa morge? Huwag ka po sanang mabibigla dahil nandoon po anak mo. May isang resedenti pong nakakita sa bangkay niya sa talahiban. Tara
na po," deretsahang pahayag ni Agent Alferos.
Bakit pa siya magsisinungaling samantalang iyon naman talaga ang nangyari? Ginagawa lang naman niya ang kaniyang trabaho. At wala siyang balak lukuhin ang kahit sinuman sa mga tao.
Naestatwa naman ang matanda dahil sa narinig. Naisip niyang kaya pala walang Annaliza na umuwi dahil pumanaw na ito. Wala na ang taong tanging pamilya niya. Ang kanyang anak. Ang kumakayod para sa kanilang dalawa. Ganoon pa man ay tahimik siyang sumama sa mga ito sa morge. Isang palahaw nang isang inang nawalan ng anak ang umalingawngaw sa morge nang nasilayan ni Aling Nena ang bangkay ng kaniyang anak. At mas lalo pa siyang naghinagpis nang nakita ang kalunos-lunos nitong itsura. Ang anak niyang nagsasakripisyo para sa kanilang ina.
"Tahan na po, Misis. Hintayin natin si Boss dahil parating na raw siya." Hindi nakatiis si Agent Alferos ay dinamayan niya ang may edad na Ginang.
"Bakit ikaw pa anak? Wala naman tayong kasalanan sa mga tao kundi ang pagiging mahirap natin! Dios ko, paano na ako ngayon? Wala na ang anak kong wala namang ginawa kundi ang naghanap-buhay para may ikabuhay kaming mag-ina!" panaghoy pa nito. At iyon naman ang nadatnan nina MJ at Grace.
Nasa kalagitnaan sila ng welcome party ni Marga subalit nakatanggap sila ng report kaya't nagpaalam na lamang sila sa mag-asawang Calvin at kani-kanilang magulang na mauuna na dahil may pupuntahan sila. Dumiretso na lamang sila sa morge kung saan ideneretso ang bangkay na natagpuan ng isang residente.
Agad na namang hinila ni Grace ang nakatabing sa mukha ng kaawa-awang biktima. Ngunit ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang napagsino ang wala ng buhay na biktima ng karahasan.
"Annaliza!" ang tanging namutawi sa labi niya.
"Sh*t! What a f*cking sh*t!" napamura naman ng mahina si MJ nang nakita ang kalunos-lunos nitong hitsura.
"F*ck! 'Tang'ina, MJ! P*tang*na nila. Bakit? Bakit may mga taong ganyan? Hayop sila, MJ! Hindi na sila naawa sa taong matapos nilang wasakin ang p********e ay pinaso-paso pa nila ang buo nitong katawan. F*ck, MJ!" panaghoy ni Grace nnag nakita ang patay na babaeng biktima ng rape. Halos hindi makilala ang babae dahil sa dami paso sa katawan nito. Halatang ginawang ashtray ng mga walang kaluluwa. Halos hindi na nga niya ito magawang tingnan.
Niyakap naman ito ni MJ upang payapain. Nararamdaman niyang galit nito dahil babae rin ito pero hindi niya alam kong paanu ito payapain kaya't niyakap na lamang niya ito at bahagya niya itong hinahaplos-haplos sa likuran.
Samantalang nakamasid lamang ang mga kasamahan nila. Walang gustong magsalita dahil nauunawaan nila ang damdamin nito bilang isang babae.
"Tahan na, Grace. Sa tagal ba natin sa
ganitong trabaho hindi ka pa sanay?" ilang sandali ay saad niya rito.
Pero wala siyang nakuhang sagot dito. Kaya't sumenyas siya sa mga kasamahan na sila muna ang bahala sa bangkay at lalabas muna sila ng dalaga. Tumango naman sila kaya't inakay na niya ang dalagang naghihinagpis palabas ng morge. Subalit hindi rin sila nagtagal sa labas. Dahil makaraan ng ilang sandali ay muli silang bumalik sa loob. Naisipan nilang sila na lamang ang bahala sa lahat pati gastusin ng matanda. Dito nila gagamitin ang perang napanalunan nila kahapon sa car racing. Hindi rin nila iyon mauubos sa isang taon kagaya nang biruan nilang allowance sa isang taon.
"Huwag ka pong mag-alala, Nanay Nena. Dahil bibigyan natin ng hustisiya ang sinapit ng anak mo. Huwag mo pong isipin ang gastusin dahil kami na rin po ang bahala. Pagkatapos po nang libing ni Annaliza ay magpapagamot ka para sa kaligtasan mo. Dadalhin ka po namin sa orphanage kung
papayag ka after po ng lahat." Naluluhang yumakap ni Grace sa Nanay nang yumaong si Annaliza.
Samantala...
"Guibert, nakita mo ba ang cellphone ko kagabi sa sasakyan mo?" tanong ni Daniel sa kaibigan gamit ang land line nila.
"Wala naman, Pare. Pero subukan kong halughugin sa sasakyan mamaya," tugon ng nasa kabilang linya.
"Sh*t, Pare, nag-aalala tuloy ako. Paano kung sh*t talaga alam mo na iyon, Pare." Hindi na niya naipagkaila ang pag-aalala sa boses
Napagdesisyonan naman kasi nilang mag-night club nang matapos ang laban nila sa Grand Pix Car Race. Subalit hindi pa roon magtatapos ang gabi nila. Dahil natapos silang uminum sa LUNINGNING NIGHT CLUB ay pumunta pa sila sa tagpuan nilang
magkakaibigan kung trip nilang humithit ng droga. Oo, gumagamit silang magkakaibigan ng ipinagbabawal na at heto nawawala ang cellphone niya kung saan nakasave ang lahat ng kontak ng mga dealer nilang magkakaibigan. Wala siyang pakialam sa cellphone dahil kaya niya itong palitan pero nandoon lahat sa cellphone niya ang mga taong kakailanganin nila.
"Pareng Daniel, nandiyan ka pa ba? Aba'y natahimik ka ah?" pukaw ni Guibert sa kausap sa telepono.
"Putcha, Pare. Hindi ko maiwasang kabahan eh. Iyong cellphone ko, Pare. Alam mo na, pero nandiyan ba ang numero nila Boss?" balik-tanong nito.
"Oo, 'Tol, nandito lahat. Paano na iyan? Paano kung doon sa lugar na pinangyarihan ng alam muna nahulog iyon, puta!" napamura na ring tugon ni Guilbert. Parang magkaharap lamang sila kung nag-usap samantalang sa linya naman.
"Iyon na nga, Pare. Nasobrahan yata natin ang... Puweding magkita-kita tayo pero kung may time kayo nina Pareng Nemar at Pareng Denver ay dito na sa bahay. Dito na tayo mag-usap-usap. Ako na lang ang tatawag kay Clifford," muli ay wika ni
Daniel.
"Sige, Pare, mas maigi na iyong nag-iingat. Alam muna 'Tol. Habang lihim pa ito ay pananatilihin nating lihim," muli ay sagot ni Guilbert saka nagpaalam na at tinawagan ang dalawa nilang kaibigan. Ganoon din si Daniel tinawagan niya ang isa nilang buddy na si Clifford.
Few hours later...
" MAGANDANG UMGA PO SA ATING LAHAT. HETO PO ANG NAGBABAGANG BALITA SA ORAS NA ITO. ISA NA NAMAN PONG BIKTIMA NG KARAHASAN
ANG NATAGPUANG PATAY SA TALAHIBAN SA BARANGAY DI MATANAO SITIO DI MAKITA.
AYON PO SA IMBISTIGASYON NG MGA ALAGAD NG BATAS SA PANGUNGUNA NI SIR MARC JOSEPH MCKEVIN AY GINAHASA UMANO ANG BIKTIMA
AT PINAHIRAPAN. HETO PO ANG NATURANG BANGKAY, PUNONG-PUNO PO NG PASO ANG BUONG KATAWAN. AT MAY ILANG BUBOG PO NG BOTE NA NAKUHA SA BANDANG PUWET NG BIKTIMA AT SA KASELAN NITO. NAPAG-ALAMAN PO AYON SA IMBISTIGASYON NA ISANG ANAK MAHIRAP ANG
BIKTIMA AT NAPILITANG PUMASOK BILANG MANANAYAW NG LUNINGNING NIGHT CLUB
PARA MABUHAY SILANG MAG-INA. DAHIL ANG INA NITO AY MAY SAKIT KAYA'T ANG BIKTIMA ANG KUMAKAYOD PARA SA KANILANG DALAWA. NAPAG ALAMAN PO NATIN NA ANG BIKTIMA AY WALANG IBA KUNDI SI ANNALIZA MENDEZ. HETO PO ANG ATING PANAYAM SA ISANG OPISYAL SA NBI AT SIYA MISMO ANG NAKAHAWAK SA NATURANG KASO.
"SIR MCKEVIN, ANO PO ANG MASASABI MO SA PANGYAYARING ITO?"
"FOR NOW WALA PA AKONG MASASABI AT SANA IGALANG N'YO ITO. WALA PA AKONG MASASABI DAHIL AYON SA PAUNANG INBISTIGASYON
NAMIN NG GRUPO KO AY ANG MGA PASO SA KATAWAN NG BIKTIMA AY HINDI GALING SA SIGARILYO KUNDI PASO GALING SA MGA BALOT
NG MARIJUANANG HINITHIT NG MGA SUSPEK. ALAM PO NATING LAHAT NA TALAMAK NA PO SA
BUONG BANSA ABG KARAHASAN PERO NAIS KO PA RIN PONG PAALALAHANAN ANG LAHAT MAG-INGAT PO TAYONG LAHAT LALO NA PO SA MGA KABABAIHAN PARA HINDI MAHALINTULAD SA
BIKTIMANG NAKIKITA NINYO SA SCREEN NG MGA TELIBISYON NINYO. NAKIKIUSAP AKO SA
INYO MGA KABABAYAN, PLEASE MAKIPAGTULUNGAN PO KAYO SA AMING MGA ALAGAD NG BATAS PARA SA PEACE AND ORDER
NG ATING BANSA. IYON LAMANG PO. MARAMING SALAMAT."
"MARAMING SALAMAT PO, OFFICER MCKEVIN, SA
PAKIKIPAGPANAYAM MO SA AMIN."
HUMARAP ANG REPORTER SA KARAMIHAN.
"LEKSIYON PO SANA SA ATING LAHAT ANG ISA NA NAMAN PONG KARAHASAN NA ITO . WALA
PONG MAY GUSTO NA MAPAHAMAK KAYA MAG-INGAT PO TAYO AT KUNG MAY NALALAMAN PO
KAYO TUNGKOL SA PANGYAYARING ITO AY TUMAWAG LAMANG PO KAYO SA MGA NAKIKITA N'YONG NUMERO SA SCREEN NG MGA TELIVISIONS
NINYO O SA KINAUUKULAN PARA SA IKALULUTAS NG KASO.
ITO PO SI JESSEY WENG CASTAÑEDA NAG-UULAT. MAGANDANG HAPON PO SA ATING
LAHAT."
Ang nilalaman ng balita sa umagang iyon. Umagang-umaga subalit raped case ang laman ng balita. Nakakasuka man dahil puro karahasan ang napapanood at nakikitang balita ngunit mas nakakasuka ang katotohanang ang bansa ay punong-puno pa rin ng kaguluhan. Ang bansang Pilipinas na naghahangad ng kapayapaan subalit mas naglipana ang mga salot sa lipunan.
ITUTULOY