Chapter 12

2158 Words

DOS: NAIILING na lamang akong napapanguso. Habang tumutungga ng beer at nanonood sa mga nagkakagulong tao sa dancefloor nitong bar namin. Dahil ang makukulit kong Kuya ay binitbit si Bagyo para dalhin dito sa Bar ng maka-bonding naman daw. At ako? Heto at parang hangin sa kanila. Hindi ko alam kung nananadya ang mga itong si Bagyo lang ang kinakausap o sadyang gaya ko ay tuwang-tuwa lang din silang may isa pa kaming kapatid. "Ayos ka lang ba, Dos?" "Hmm?" Nakanguso akong nagtatakang nilingon bahagya ang katabi ko sa tanong nito. "May problema ba?" ulit nito na mas malakas ang boses. Maingay kasi dito sa pwesto dala ng mga nagkakasiyahang lasing na sa dancefloor. Idagdag pa ang malakas na tugtugin ng live band na nagpe-perform tonight. "Wala naman. Ikaw masaya ka ba?" baliktanong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD