BAGYO JR: LUMIPAS ang mga araw at naging maayos naman ang pamumuno ko sa nayon namin. Kaya kahit paano ay masaya akong naging maganda ang kinalabasan ng paghaharap nila Tatay at Dos kahit na ang kapalit nito ay malalayo na si Tatay sa akin. "Bay, kailan tayo luluwas ng syudad?" Napaangat ako ng mukha sa sinaad ng kaibigan ko habang nandidito kami sa clinic at hinihintay matapos ang klase ni Rosas ng sabay-sabay na kaming aakyat sa nayon. "Wala pang kumpirmasyon para sa sunod na galaw ni sen Tudiasi, bay. Bakit?" sagot ko. Napanguso naman itong pinakibot-kibot pa na tila naiinip. "Namimis ko na si poging bay eh. Saka nangako siyang pasasakayin niya ako sa susunod sa astig niyang kotse eh," anito. Napangiwi akong pinaningkitan itong napangiwi din ang ngiti. "Para kang bata. Paano ka