Chapter 9

5000 Words
TYPHOON SR: MALUHA-LUHA akong pinagmamasdan ang asawa kong ngayo'y nahihimbing na. Halos ayaw na nga nitong matulog sa takot na paggising ay wala na akong makagisnan nito. Salitan nga kami ng anak kong si Dos na sinusuyo itong magpahinga na dahil hindi maganda sa kanya ang magpuyat. Lalo akong kinakain ng kunsensya ko habang pinagmamasdan ko ito. Ngayon ko lang mas nabigyan pansin ang itsura nitong namumutla at nangayayat na. Bakas din sa mga kamay nito ang mga turok ng karayom sa kanyang mga ugat sa tuwing tinuturukan siya ng pampatulog kapag nagwawala ito lalo na kung hindi nila maipakita sa kanya ang anak naming bunso sa triplets. Si Dos. "Dad, magpahinga na rin po kayo." Napangiti akong umiling sa sinaad ng anak kong nakahiga na sa paanan nitong kama ng kanyang ina. Wala pang ibang may alam dito sa mansion na nandito na ako bukod sa aming apat na nandidito sa silid. Lumabas na rin ang pinsan ni Dos na isa pa lang psychiatrist doctor ni Catrione na anak ni Cathleen at Ethan, si Catriona, pero mas sanay ito sa kinalakhang pangalan na. . .Yoona. "Mauna ka na, anak, hindi ko pa maramdaman ang antok." Nilingon ko ito ng hindi na umimik at natatawa na lamang na tulog na nga ito na bahagya pang nakanganga dala na rin ng pagod. Maingat na akong tumayo at inayos ito sa pagkakahigang nakalaylay pa ang mga binti sa sahig at 'di na nga nakapagbihis ng kanyang uniporme. Maluha-luha kong marahang hinaplos ito sa pisngi na matamang tinititigan ang maamo niyang mukhang nahihimbing. KANINANG madaling araw na nakauwi ako galing sa bayan kasama si Troy na kanang kamay ko sa nayon ay nagulat akong makitang dalawang Bagyo ang nabungaran kong nahihimbing sa silid naming mag-ama sa nayon. Napapakurap-kurap pa ako dahil baka naduduling o namamalik-mata akong nandidito ang isa sa anak namin ni Catrione pero hindi! Napahaplos ako sa pisngi nito at 'di ko mapigilang mapahagulhol na totoong nandidito nga ito sa tahanan namin! Sa takot kong baka mapahamak ito sa mga maaaring matuklasan sa nayon ay kaagad din akong lumabas ng bahay at sa jeep ko na lang na pinarada ko sa sakahan namin natulog. Hindi ako mapakali sa kaisipang nandidito sa nayon ang pulis kong anak! Natatakot ako sa kapakanan nito kapag nalaman ng mga nandiditong may pulis sa bahay namin ni Bagyo! Kahit na hindi naman kami nangdadamay ng mga alagad ng batas na tapat sa tungkulin ay 'di ko pa rin maiwasang mangamba para sa kapakanan nito lalo na kay Althea na paniguradong hindi magugustuhan na nandidito ang isa sa mga anak namin ni Catrione na pulis! Nakahinga ako ng maluwag na pagbalik ko ng bahay ay si Bagyo na lamang ang naabutan ko. Siya namang pagluwas namin ng syudad ng ilan sa mga kasamahan ko para tugisin ang nakumpirma naming senador na isa ring protektor ng malalaking sindikato sa bansa. Patungo na kami sa lugar kung saan ito matutunton ng matanawan ni Troy na kanang kamay ko ang isang pulis na matiim nakasunod sa amin kaya naghiwa-hiwalay kami! Hindi ko lubos akalaing ang anak ko pala ang siyang humahabol sa akin na kinorner ako sa sinuutan kong iskinita. Inakala ko pang si Bagyo ito ng makaharap ko pero ng mapasadaan ang itsura nito ay saka ko lang nakumpirmang si Dos ito na nakabalik na rin pala ng syudad! Maging ito ay natigilan ng makilala ako at nawalan pa ng malay habang nakakapit sa akin ng mahigpit. Hindi ko naman maaatim iwanan na lang basta ang anak ko kaya binuhat ko itong isinakay sa taxi at nagpahatid sa baywalk kung saan walang masyadong taong dumaraan. Nagtatalo pa ang isip at puso ko sa dapat kong gawin pagkagising nito kung saan ako babalik. Sa nayon ba? O sa pamilya ko? Pero nang magkamalay na ito at nasabi ang totoong estado ng asawa ko'y isa lang ang naghari sa puso at isip ko. Ang balikan na. . .ang pamilya ko. Lalo na ang asawa ko. Sa loob ng dalawang dekada ko sa nayon ay nawala sa isip kong posibleng naulit sa kanya ang nakaraan ma-depressed sa muling pagkawala ko dahil nababalitaan ko namang lumalantad pa rin ito sa publiko at maayos ang kalagayan. Hindi ko na naisip na maaaring kinain na naman ito ng kanyang depression at ang kambal nitong si Cathleen ang siyang nagsu-substitute para protektahan ang imahe ng asawa ko sa publiko at 'di paghinalaan kung bakit hindi na ito lumalantad. "D-Daddy?" NAPALINGON ako sa asawa kong tinatawag akong nakatulala na pala sa anak kong nahihimbing at marahang hinahaplos sa pisngi. Maingat akong sumampa ng kama at gumapang sa kinaroroonan ng asawa kong nakangiting nakatitig sa akin. "Nandito ka nga," mahinang saad nitong napayakap sa akin at sumubsob sa dibdib ko. Panay ang halik ko sa noo nito habang magkayakap kami ng nakaharap sa isa't-isa. "Matulog ka pa, Mommy. Hindi ako aalis. Paggising mo nandidito pa rin ako, kayakap mo." Napahikbi itong napailing-iling na mas humigpit ang pagkakayakap sa akin. "Ayo'ko, kung nananaginip na naman akong nandidito ka ay mas gugustuhin ko na lamang manatiling tulog. 'Di na baleng makulong ako sa panaginip na 'to dahil dito kasama kita. Nakakausap, nakikita, nahahawakan. Ayo'kong harapin muli ang katotohanan bukas paggising ko Daddy na wala ka na. Dito na lang ako kasama mo." Tumulo ang luha ko at mas niyakap pa ito para maramdamang totoo ako. Na hindi na siya nananaginip lang na kasa-kasama na nila ako dito. Saglit lang ay kusa na rin itong tumahan at napapasinok pa na mahigpit pa rin akong yakap. Napasilip ako dito at nangingiti na lamang na nakaidlip din ito pero may tumutulo pa ring luha sa nakapikit niyang mga matang agad kong pinalis saka mariing humalik sa noo at mga labi nito. Nawala sa isip ko ang mga maaaring kaganapan ngayon sa nayon na kasama ko na ang pamilya ko. Lalo na ang asawa kong higit dalawang dekada ko ring pinangungulilahang muling mayakap at makasama. Mabuti na lamang at nandito si Dos na sumunod sa yapak ko at siya rin pala ang bagong may hawak sa kasong hawak ko dati. Mas madali na lamang niyang mareresolba ang kaso dahil may mga listahan naman kami ng mga nakaupo sa gobyerno na may mga gawaing illegal na siyang nagpapahirap lalo sa taong bayan. Hindi na rin mahihirapan si Bagyo na pamunuan ang nayon dahil tiwala naman ako sa kakayahan nitong ako mismo ang gumabay mula pagkabata nito. Mabuti na lang at magkasundo silang dalawa ni Dos kahit pa ba magkaiba ang kanilang ina. Malaki ang tiwala ko sa kanilang dalawa at sa kakayahan nilang mas lumakas pa sa kanilang pagsasanib-pwersa na malinis ang pamahalaan para makapagbagong buhay na rin ang mga ka-nayon ko sa oras na matapos namin ang misyon. NAPAPILIG ako ng ulo ng makarinig ng mga unfamiliar na boses sa paligid na tila masinsinang nagkakausap-usap habang nakasubsob ako sa pamilyar na amoy ng asawa ko. Maging ang comfort na hatid ng mainit at malambot nitong palad na marahang humahaplos sa pisngi ko ay parang totoo. "Mmm." Napasubsob pa ako lalo dito na ikinahagikhik nito kaya napamulat ako at bumungad sa nanlalabo kong mga mata ang pigura ng asawa kong sa panaginip ko lang malayang nakakasama. Napakusot-kusot ako ng mga mata nang makailang beses itong nag-smack-kiss sa mga labi ko na tuluyang ikinagising ng diwa ko! Napalinga ako sa paligid naming natahimik bigla at parang binuhusan ng nagyeyelong tubig na makitang nandidito ang buong pamilya ko at ni Catrione! Hindi ako makakilos at makatingin sa mga mata nilang matiim na nakatitig sa akin na katabi si Catrione sa kama! "Aheem! Umayos nga kayo, naiilang si Daddy," basag ni Dos sa katahimikan naming lahat na nagpapakiramdaman sa isa't-isa. "Daddy." Napalingon ako sa malambing pagtawag sa akin ng asawa ko. Ngumiti itong iginiya akong maupo katabi nito na nakasandal sa headboard nitong kama. Sumunod naman ako sa gusto nito at inakbayan ito nang umunan pa siya sa dibdib ko at yumakap sa tyan ko. "Dos, sa labas tayo mag-usap. Kasama siya," malamig na saad ng anak naming panganay. Sa tagal ng panahong hindi ko sila nakasama at nagkasya na lamang sa pagmasid sa kanila sa 'di kalayuan ay hindi ko na makilala kung sino si Typhus at Tyrone sa kanila dahil hanggang ngayo'y iisa pa rin naman ang mukha nila ng katabi nitong matiim lang na nakatitig sa akin. Maging ng lahat. "Ayo'ko! Dito lang ang Daddy niyo," agarang asik ni Catrione na mas humigpit ang pagkakayakap sa akin. "Mommy, kausapin lang namin siya ng masinsinan," mahinahong sagot ng nagsalita kanina pero umiling-iling lang si Catrione. "Ayo'ko sabi! Dito lang ang Daddy niyo, kausapin niyo siya dito sa harap ko," maawtoridad nitong saad. "Mommy, kausapin ko na muna ang mga bata. D'yan lang naman kami sa baba. Babalik din ako agad," pangungumbinsi kong inilingan lang nito at umayos na ng upong hinarap ako. "No, Daddy, aawayin ka lang ng Tyrone na 'yan!" duro pa nito sa anak naming nagsalita. Napalingon ako at napangiti na rin sa inasta nitong parang bata na dinuro ang anak na napaiwas ng tingin habang nagpipigil ng tawa ang lahat. "Mommy naman," mahinang alma nito kaya pinaningkitan pa ng kanilang ina. Bakas ang tuwa sa mukha ng lahat dito na matamang nakatitig sa amin ni Catrione. "Totoo naman ah, akala mo 'di ko alam inaaway mo lagi si Typhoon ko sa labas!" singhal pa nitong ikinahalakhak na ng lahat. Kakamot-kamot naman si Dos na napalayo tuloy sa tabi ng Kuya Tyrone nitong pinaniningkitan na ito. Dalawang dekada na ang nakalipas pero hindi pa rin nagbabago ang pag-uugali ni Tyrone na bakas ang kaseryosohan sa itsura, kilos at pananalita. Pero pagdating sa ina nito ay napapatiklop ang kaangasang dating. Hanggang ngayo'y si Catrione pa rin pala ang kahinaan nila. "Paanong hindi ko siya aawayin eh napakapasaway kaya ng Dos niyong 'yan," apila pa nito pero natatawa na rin. Para tuloy kaming nasa family reunion sa dami namin dito sa silid kasama ang mga pamangkin ko at mga napangasawa ng mga kapatid namin ni Catrione. Maluha-luha namang pinapanood kami nila Mommy, Daddy at Tatay na may mga kalong na babies. "Typhoon, halika dito kay Mommy," pagtawag pa nito kay Dos na kaagad sumampa ng kama at pinagitnaan namin ang ina. "Kaya asal bata 'yan eh, bini-baby niyo hanggang ngayon," maktol pa ni Tyrone na ikinatawa ng lahat. "Kaya nga naman, Mommy. Paano naman kami? Pag kami napuno, ipamigay na namin ang Dos niyong 'yan," segunda ng kamukha nitong si Typhus na nagpahalakhak ng lahat. "Oo nga, nandito naman na si Daddy eh. Hoy, Dos! Magbalot-balot ka na kaya, " sang-ayon ng isa pang anak namin na kamukha din naman ni Dos kaya nakakasigurado akong si Taylor ito. Nag-apiran pa silang tatlo na nagtatawanan. Mukha ngang kinakawawa nilang tatlo ang Dos namin dahil sa paborito ito ng ina nila sa kanilang lima. "Mommy oh, ipapamigay daw nila ako," parang batang sumbong nito sa ina na nagsumiksik sa dibdib nito. "Hayaan mo na, Daddy. Hindi natin sila isasama sa bakasyon natin." Napalingon ako dito pero kay Dos naman nakatingin na akbay na rin nito at hinahaplos sa ulo ang anak na ngiting-ngiting nakatingala sa kanya. "Ano?! Mommy naman, bakit kayo lang? Parang hindi mo kami mga anak ah. Hoy, Dos! Umalis ka nga d'yan, mahiya ka nga ang laki mo ng damulag para magsumiksik d'yan!" pag-alma ni Taylor na may paduro-duro pa kay Dos. Nakangisi pa ito sa kanila at tila iniingit pa ang mga kuya nitong malayang nakayakap sa inang nakayakap din sa kanya. "Inggit lang kayo eh. Bakit ba? Eh sa ako ang bunso ni Mommy. Palibhasa mas lamang ako sa inyong tatlo. Mas gwapo, mas matikas, mas habulin, mas magaling mas-" "Mas mahangin." Natigilan ito sa pagsabat ng ina na ikinatawa ng lahat maging ako. "Mommy," nakanguso pa itong nagmamaktol na parang bata sa pambabara ng ina. "Pero mas love ka ni Mommy. H'wag ng magtampo ang little Daddy ko, hmm?" lambing ng inang ikinaaliwalas ng mukha nito at lumapad din ang pagkakangiti. "Little Daddy?" manghang ulit nitong ikinatango-tango ng ina. "Uhm, uhm. Thank you, my little Daddy. Tinupad mo ang pangako mong ibabalik mo ang Daddy Typhoon mo sa akin. Hindi ka rin nagsasawang alagaan at aluin ang Mommy. Ipasyal mo naman kami ng Daddy mo, hmm? Isama natin si Ate Yoona at Yonyon okay?" masiglang saad nitong ikinalapit ng dalawang dalaga sa amin kasunod ang tatlong binata naming nakanguso at naupo sa paanan ng kama. "Talaga, Mommy?! Kasama kami!" bulalas ng dalaga naming kung 'di ako nagkakamali ay ito ang Marione namin. Mas nakuha ang itsura ko at namana pa rin naman ang mga biloy ko. Tumango-tango naman si Catrione na may matamis na ngiti kaya napairit pa ang mga ito at nagyakapan sa dalagang tinawag ng asawa kong Yoona na siyang doktor nito. "Daddy, payakap naman po," naluluhang baling nito sa akin na agad kong ibinuka ang mga braso ko. Tumulo ang mga luha nitong kaagad sumubsob sa dibdib ko at napahikbi na niyakap ko rin pabalik. Naluha rin ako na marahang hinahaplos ito sa buhok at panay ang halik sa ulo nito. Maging si Catrione ay hinaplos din ang prinsesa naming dalaga na. "Me too, Tito." Napangiti akong naglahad ng braso sa naluluhang pamangkin namin na nakiyakap sa amin ni Marione. Wala na akong nagawa ng maging ang tatlong binata naming nakaupo lang kanina sa paanan ay heto at nakayakap na sa amin ng ina nila. Nag-uumapaw ang saya sa puso kong yakap-yakap ang mga ito ngayon na buong akala ko'y hanggang panaginip at pangarap ko na lamang malalasap dahil sa laki ng responsibility na nakapatong sa balikat ko. Pero ngayon dahil sa pagtutulungan ng dalawang Jr ko ay nakalaya ako at nakabalik sa pamilya lalo na sa asawa ko. "Kami naman, tabi muna, kids." Natatawa ang mga itong nagsigilid sa pagsabat ni Cloudy kasama si Rainy at tatay na lumuluhang nakangiti sa amin. "Kuya, salamat at buhay ka." Kaagad din namang yumakap ang mga ito sa akin kasama si Tatay na ginantihan ko. Pinaghahalikan ko rin ang mga ito sa ulo na napapahikbing nakasubsob sa kabilang balikat ko. "Salamat, anak. Akala ko hindi na kita muling masisilayan. Salamat at nabuhay ka," lumuluhang saad ni tatay na ikinangiti ko kahit panay din ang pagtulo ng luha ko. "Salamat din po, nandidito kayong lahat para alalayan ang mag-iina ko, Tay." Napatango-tango itong hinaplos ako sa ulo at mariing humalik pa sa noo ko kasunod si Cloudy at Rainy na humalik din sa magkabilaang pisngi ko. "Welcome back, anak. Salamat at bumalik ka na. Mukhang bumabalik na rin ang Catrione namin sa pagiging masigla at masayahing katauhan nito," naluluhang baling ni Mommy Liezel na katabi si Daddy Cedric at sabay yumakap sa akin. Maging si Catrione ay nakiyakap na rin sa aming apat. "Kay Dos po kayo magpasalamat, Mom, Dad. Siya po ang humanap at nagbalik sa akin dito." Nagtawanan ang mga ito ng napatikhim si Dos sa tabi ng ina at proud na proud tinanguhan ang lahat na tila pinagyayabang ang sinaad ko lalo na sa tatlong Kuya nito kaya pinagtulungan siyang binuhat sa paanan ng kama na pinagkaisahang hinahampas-hampas ng unan sa mukha. Natatawa na lang kaming pinanood ang mga itong pinagkakaisahan si Dos na pabirong hinahampas at walang magawa dahil hawak ni Taylor at Typhus ang dalawang kamay at paa kaya malaya itong pinanggigilan ng Kuya Tyrone nito. "Hahaha! Tama na!" tumatawang pigil nito sa Kuya niya na panay ang pumiglas sa pagkakahawak sa kanya. "Magaling ka nga, 'di ba? Ipakita mo," natatawa ring saad ng Kuya Tyrone nitong nakaupo sa tyan nito. Panay ang hampas ng unan sa mukha ng bunso naming pabaling-baling ng mukha. "Anong laban ko? Tatlo kayo." "Wala ka pala eh," natatawang saad ng Kuya Taylor nitong nakahawak sa dalawang kamay nito at binatukan pa ang kapatid. Hinihingal itong sinamaan ng tingin ang tatlong Kuya na nakangisi sa kanya. Kahit mga binata na ang mga ito'y ang sarap nilang pagmasdang parang mga batang nagkakapikunan lang kagaya noon ni Typhus at Tyrone na palaging nagpapasaring sa isa't-isa. MATAPOS ang maingay at masayang pag-welcome ulit ng pamilya namin ni Catrione sa akin ay nagkaroon pa kami ng salo-salo sa mansion. Masayang-masaya ang lahat sa pagbabalik ko ng buhay at syempre. . .sa wakas ay napalabas na nila si Catrione sa silid namin na masaya na ring nakikipag kulitan sa mga anak namin. Para lang itong nagkasakit na ngayo'y magaling na. Kita na rin ang pag-aliwalas ng magandang mukha nito kahit medyo humpak pa rin ang pisngi at namumutla ang kutis. Akala ko nagbibiro lang ito sa ungot sa anak naming magbakasyon kami pero seryoso pala ito. Nag-book kaagad ang mga ito ng flight sa private airport nila at nagtungo kaming buong pamilya sa South Korea kung saan ang angkan namin. Dito pinili ni Catrione na unang bumisita para daw maiharap ko na siya sa ina kong matagal ng namahinga. Namahinga na rin pala sina Lolo at Lola na halos magkasabay lang pumanaw noong malamang wala na ako. Inatake raw sa puso si Lolo na hindi matanggap ang nangyari sa akin at ilang linggo lang ay sumunod din si Lola dala na rin ng lungkot, pangungulila at katandaan. Mag-isang anak lang si Nanay at ayaw naman tanggapin ni Tatay ang kayamanan ng pamilya ni Nanay na ipinamana sa kanya nila Lolo at mas minabuting idinonate nito sa mga charity doon ang lahat ng pinama sa kanya. Napahaplos ako sa nakaukit na pangalan ni nanay sa pribadong cemetery na kinahimlayan nito katabi si Lolo at Lola. Alijah Park. "Nay, kumusta na po kayo? Pasensiya na po kayo na ngayon lang kami nakadalaw sa inyo. Siya nga po pala ang asawa ko, si Catrione Montereal ho. Katulad niyo ni Tatay ay hindi po naging madali ang pagsasama naming sinubok ng matagal na panahon. At ngayo'y nananatiling matatag dahil buo na ulit kaming pamilya," lumuluhang pagkausap ko sa larawan nitong nakalagay sa lapida nito at hinahaplos ang nakaukit niyang pangalan. "Nay, salamat po. Hindi man tayo nagkakilala sa personal, pero laking pasalamat ko po sa inyo na isinilang niyo ang asawa ko. H'wag niyo pong alalahanin ang mag-aama niyo dito dahil iisa na po kaming pamilya. Pangangalagaan ko po ang anak at mga apo niyo sa akin. Kabilang na rin po si Tatay Moon," naluluha ring pagkausap ni Catrione dito na nakayakap ang isang kamay sa baywang ko. Tumabi na kami at binigyan oras din sina Cloudy at Charrie para makausap si Nanay at maipakilala din nito ang asawa. Sumunod naman si Rainy na kayakap ang asawang si Collins. At panghuli si Tatay na halos hindi makapag salita at napapahagulhol na lamang na hinahaplos ang larawan at pangalan ng ina namin. Maging kami ay 'di mapigilang mapaluha dahil kahit ilang dekada na ang nakalipas ay nanatiling sariwa at buo ang pagmamahal ni tatay sa ina namin. Ni hindi na nga ito nagbalak na mag-asawang muli dahil hanggang ngayo'y si nanay pa rin ang nakaukit ang pangalan sa puso at isip nito. Mukhang sa kanya namin namana ni Cloudy ang ugaling stick to one lang kung magmahal na hanggang dulo ay nag-iisang babae lang ang nananatiling nakaukit sa aming puso. Naging maingay tuloy ang sementeryo sa pagdagsa naming buong pamilya Montereal at Del Mundo. Kumpleto rin kasi ang mga kapatid ni Catrione dala ang mga asawa at anak nila kaya napakagulo pero masaya kaming lahat na magkakasamang naglibot-libot pa sa paligid. NAGLALAKAD-LAKAD kami ng asawa ko dito sa tinuluyan naming isla sa Jeju islands na magkahawak-kamay at ninanamnam ang lamig ng klima dito. Nasa cottages naman namin ang iba na nagkakatuwaan sa kani-kanilang activities. Humarap kami sa asul na dagat at niyakap ko naman ang asawa ko mula sa likuran nito na ipinatong ang baba sa balikat nito. Nakayakap din naman sa braso ko ang mga kamay nito at nakasandal sa akin habang pinagsasawa ang mga mata sa napakagandang tanawin. "Daddy, gusto ko siyang makilala." "Sino, Mommy?" "May binanggit si Dos sa akin bago ang araw na iniuwi ka niya ng mansion. May nakaharap daw siyang kamukha at kapangalan niya. Typhoon Del Mundo Jr din daw ito. Hindi naman ako magagalit na nagkaanak ka sa iba. Naiintindihan ko, ang mahalaga naman sa akin ay ang ngayon at ang kinabukasan. Nandito ka na buo na tayo. Wala na rin akong ibang kaagaw sa oras at attention mo. Kaya wala na akong maisusumbat. Sobra-sobra na nga ang ibinalik ka pa sa akin ng kapalaran." "H'wag kang mag-alala, Daddy, tanggap ko ang batang 'yon. Magaling kumilatis ang bunso natin, kaya nakatitiyak akong mabuting bata rin ang isa pang Jr mo," dagdag pa nito. Pinihit ko ito paharap sa akin at nababasa ko naman sa mga mata nito ang sinsiridad sa mga sinaad nito kaya 'di ko mapigilang maluha. Buong buhay kasi ni Bagyo ay hangad niya ang pagmamahal ng isang ina na hindi maibigay-bigay ni Althea dahil ang tanging gusto lang naman nito ay ako kaya lalo ko lamang itong kinakasuklaman. Ni hindi niya nagawang mahalin, alagaan o pahalagaan ang anak namin kahit simpleng pagbati manlang sana dito sa bawat achievement na nakamit o sa bawat kaarawan nito ay 'di magawa ng kanyang ina. Magkaibang-magkaiba talaga sila ni Catrione kahit pa ba pareho lang nila akong minahal ng sobra-sobra. "Patawad, Mommy, ang totoo niya'n. Lasing na lasing ako noon dahil nagkaroon ng kasiyahan sa nayon bilang pag-welcome nila sa akin na bago nilang pinuno. Noong panahong natangay ako ng mga teroristang buong akala ko'y salot sa lipunan natin? Nagpanggap ako noon na walang maalala sa nakaraan para makuha ang loob ng dating Suprimo ng grupo. Hanggang sa unti-unti kong naunawaan ang pinaglalaban nila at napatunayan ko mismo kung gaano karumi ang gobyernong pinaglilingkuran ko. Matatanggap mo pa rin ba siya, Mommy, kahit pa ina niya ay. . .si Althea?" Natigilan ito at nangilid ang luha. Napayuko itong napahikbi kaya tumulo din ang luha ko at kinabig itong ikinulong ko sa bisig ko. "Nagsama ba kayo doon?" mahinang tanong nito. Kumalas ako at humawak sa baba nito patingala sa akin. Ngumiti akong humalik sa noo nito at umiling na ikinaaliwalas muli ng magandang mukha nito. Pinahid ko rin ang luha nito at matamang tinitigan sa kanyang mga mata. "Minsan lang nangyari 'yon, Mommy, dala ng kalasingan ko kaya hindi ko naprotektahan ang sarili sa kanya. Si Bagyo lang ang tinanggap ko sa bahay ko dahil wala namang pakialam si Althea sa naging anak namin. Ginamit niya ang bata para makuha ang gusto na magsama kami pero hindi ako pumayag kaya nga kinamumuhian niya si Bagyo. Dahil mula pagkabata nito ay pinipilit siya ng ina na kumbinsiin akong magsama-sama kaming pamilya sa iisang bubong na mahigpit kong tinututulan. Mabuting bata si Bagyo, Mommy. Naaawa nga ako sa anak kong 'yon. Ni hindi naranasan ang kalinga ng isang ina na pinakaminimithi niya. Alam mo, isa na siyang ganap na doktor sa bayan doon at katulad ni Dos may kakulitan din naman siyang taglay. Mas upgraded nga lang ang Dos natin dahil likas na lumaki ng syudad habang si Bagyo ay sa liblib na nayon lumaki." Napalabi itong tumango-tango sa narinig. Hinaplos din ako nito sa pisngi na matamang nakatitig sa mga mata ko. "Nandito ako, kung gusto niya? Malugod ko siyang tatanggapin bilang anak ko. Ng buong puso. Gusto ko siyang makilala at iparanas din sa kanya kung paano magmahal ang isang ina. Paniguradong matatanggap din siya ng mga Kuya at Ate niya. Mas masaya sana kung naisama natin siya sa bakasyon nating 'to." Napangiti akong niyakap ito ng mahigpit at nakahinga ng maluwag. Iyon na lang kasi ang bumabagabag sa loob-loob ko na kinakatakot kong ipagtapat sa asawa ko sa pag-aalalang hindi niya ito matatanggap. Pero, nagkamali ako. Mabuti na lamang pala at nabanggit ni Dos sa kanya ang tungkol kay Bagyo. Nasasabik na rin akong makuha sa poder ko ang isa ko pang anak lalo pa't ang asawa ko na mismo ang nagpapaanyaya na kunin ito at tanggapin sa aming pamilya. "Salamat, Mommy. Salamat sa lahat-lahat ng sakripisyo, pag-unawa at pagmamahal mo sa akin." Umiling lang naman ito at tumingkayad na humalik sa mga labi ko. "Salamat din, Daddy. Tinupad mo ang pangako mo noong naghiwalay tayo na siyang pinanghawakan ko sa haba ng panahon. Alam kong buhay ka. Kaya nga kay Dos ko itinuon ang attention ko para malabanan ang pangungulila ko sa'yo. Kahit walang kasiguraduhan noon kung buhay ka pa ay pinatatag ko ang sarili dahil alam ko dito sa puso ko. Darating at darating ang araw. . . na babalik ka sa amin, sa akin." "Anong ibig mong sabihin, Mommy?" Napalabi itong pinisil ang tongki ng ilong ko. "Hindi niyo ako malilinlang, lalo ka na. Pasikreto kong pina DNA ko ang dumating na bangkay noon na suot ang uniporme, relo at wedding ring mo. Hindi nga ako nagkamali, negative ang bangkay. Hindi sa'yo. Nakumpirma kong buhay ka noong araw na nanganak ako. Alam mo, Captain Typhoon Del Mundo Sr, kahit anong galing mo, hindi mo maiisahan ang kumander mo. Alam kong dumalaw ka noon sa hospital. Dahil inaasahan ko na 'yon. Nagkunwari lang akong tulog noon kaya narinig ko ang pagkausap mo sa akin habang tulog ako. Ang pangako mong tatapusin mo lang ang misyon mo, na babalik ka rin sa tamang panahon. Kaya kahit paano ay nakampante ako. Tingin mo ba? Kung wala akong alam sa mga nangyayari? Matino pa rin ang utak ko hanggang ngayon? Minsan inaatake pa rin ako ng depression dala ng takot at pangungulila ko lalo na kung hindi ko mahagilap ang Dos natin. Sa kanilang lima kay Dos ako pinakamalapit. Hindi lang dahil siya ang bunso natin. Kundi dahil napapalagay niya ang loob ko kapag nasa tabi ko siya at para na rin kitang kasa-kasama. Sa tuwing binabanggit ko ang pangalan niya na tinatawag akong Mommy ay naiibsan nito ang pangungulila ko sa'yo. Kaya iniisip ko na lamang na siya ang substitute mo habang 'di pa tapos ang misyon mo. Kaya laking gulat ko ng magtapat siyang may naka-encounter siyang kamukha at kapangalan niya at naniwala sa salita niya ng sabihing may ipapakilala siya sa aking kamukha at kapangalan mo. Doon pa lang ay nakatitiyak akong ikaw iyon. Na ang anak mo mismo ang nakahanap sa'yo," salaysay pa nitong ikinamamangha ko. "Siguro naman this time pagbibigyan mo na ako, Daddy. Na mamuhay na lang tayo ng tahimik." Naluluha akong napatango-tangong ikinaaliwalas ng mukha nito at napayakap ng sobrang higpit sa akin. Natatawa ko naman itong niyakap at iniikot-ikot na ikinahalakhak nito. "Kahit saang lugar mo gustong manirahan, Mommy. Hindi ako aangal basta't kasama kita." "Gusto ko dito, Daddy. Malayo sa lahat. Tiwala naman akong matatapos ng mga anak natin ang misyong nasimulan mo." "Mga anak natin?" nangingiting ulit ko. "Uhm, uhm. Ang dalawang Typhoon Jr natin. Si Dos at Bagyo. Dito natin sila hintayin. Para masolo na rin natin ang isa't-isa." Napatikom ako ng bibig kaya pinaningkitan ako nito. "Hoy, Del Mundo Sr, kabisadong-kabisado ko ang paganyan-ganyan mo. Magtigil ka malapit na tayong magkaapo sa mga bata." Natatawa akong sumubsob sa balikat nito. "P'wede pa namang maihabol, Mommy Iisa lang ang Marione natin. 'Di mo ba nakikita, gusto din niya ng babaeng kapatid tulad sa mga pinsan niya." Napahalakhak ako na kumurot ito ng pinong-pino sa tagiliran ko. "Ang landi nito. H'wag mo ngang gamiting excuse ang dalaga mo." "Yieeh, mukha yatang may plano pa kayong sundan ang bunso niyo, Mom, Dad!" Napabitaw kami ni Catrione sa paghaharutan namin dito sa pampang sa biglaang pagsulpot ng mga anak naming nanunukso sa amin ng ina nila. "Tama lang 'yan, Dad. Palitan niyo nga itong bunsong 'to at nang maitapon na namin," natatawang bulalas ni Tyrone. "Speaking of itatapon." Nagkatinginan silang tatlo at nagkangisian na bumaling kay Dos na napapaatras sa kanyang mga Kuya. "Walang ganyanan, sinasabi ko sa inyo. Gagamitin ko lahat ng natutunan ko sa PMA para magulpi kayong tatlo," babala nito sa tatlong Kuya. "Mommy!" Napahalakhak kaming tatlo nila Catrione at Marione ng mapatili pa ito sa pagdakma ni Tyrone at Taylor na pinagtulungan siyang hinuli. Napaakbay naman ako sa mag-ina kong yumakap sa akin at natatawang pinapanood ang apat na ngayo'y bitbit ni Taylor sa dalawang kamay si Dos at si Typhus at Tyrone naman sa dalawang paa nito na pinagkakatuwaang isinasawsaw ang Dos namin sa malamig na tubig kaya panay ang pumiglas at tili nito! "Ang kulit ng mga supling mo, Del Mundo, kita mo na? Kinakawawa nila ang Dos ko. Kaya panay ang sumbong niya'n sa akin dahil inaapi siya ng tatlong Kuya niya," naiiling saad ng asawa ko. "Humanda ang mga 'yan pagdating ng isa pang Bagyo. Tiyak may kakampi na si Dos para ang tatlong 'yan naman ang aapihin ng dalawang Jr mo, Dad." Napalingon ako sa anak ko sa sinaad nito. "Alam niyo na rin ang tungkol kay Bagyo, anak?" Ngumiti itong tumingkayad at nag-smack-kiss pa sa mga labi kong ikinangiti ko. "Chismoso ho si Dos, Dad. Hindi po 'yan marunong maglihim. Pero kung pansin niyo, may pagkamalambot siya. Kasi kaming mga babae ng pamilya ang kinasanayan niyang ka-bonding. Lalo na ako at ang triplets ni Tita Cathleen. Kaya nga hindi na kami magtataka kung isang araw biglang maglaglag 'yan at amining. . .pusong babae siya." Namilog ang mga mata kong napabitaw sa pagkaka akbay ditong ikinahagalpak ng tawa nito maging ni Catrione. "H'wag naman! Jr ko 'yan! Hindi p'wede!" gimbal kong bulalas na lalo nilang ikinatawa. Napalingon kami sa gawi ng apat na ngayo'y nagkakahilaan na sa tubig dahil nakawala na si Dos sa mga kuya nito at nakikipaghilaan na rin. Nangingiti na lamang kaming pinanood ang apat na ngayo'y hindi yata alintana ang lamig ng panahon at nagkakatuwaan ng nagsasabuyang parang mga bata at magkakaakbay pang sinasabayang salubungin ang mga alon. "Ang saya. Walang kapantay na yaman ang gan'ton pakiramdam na buo tayo at masayang nagkukulitan lang. Dati hinihiling at pinapangarap lang namin ang gan'to, Dad. Na sana katulad ng mga pinsan namin ay nakakapag-bonding tayong buong pamilya kasama ka, at si Mommy." "Hayaan mo, anak, magmula ngayon ay susulitin natin bawat araw na magkakasama tayong buong pamilya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD