[Miyukie's P.O.V.] Nagising ako dahil sa ingay na narinig ko mula sa labas ng kwarto ko. Araw ng sabado ngayon kung kaya't hindi ko kailangang gumising na maaga. Sinipat ko ang alarm clock ko at nakita kong pasado alas otso ng umaga. Bumangon ako dahil kailangan ko ng ipagluto ng pagkain si John Axle. Nagtapis lang ako ng towel upang magsilbing pantakip sa katawan ko. Tuwing matutulog ako nakagawian ko ng hindi nagsusuot ng bra ang sabi kasi sa'kin noon ni Nanay alisin daw ang bra kapag natutulog para hindi magkasakit. Kaya ngayon hindi na ako sanay matulog kung hindi ko aalisin ang bra ko. Nakasuot ako ng maikling short at itim na sando upang maaliwas ang tuloy ko. Gulo-gulo pa ang buhok ko at wala pa akong toothbrush. Binitbit ko na rin ang sabon, shampoo at toothbruash, toothpaste ko d