[Miyukie’s P.O.V.] “John Axle! John Axle!” Paulit-ulit kong sigaw habang naglalakad ako sa six floor ng malaking building ng school. Ito ay ang visitor’s room kung saan dinadala ang mga galing ibang bansa na mga visitor at nag tour sa university Nakamaikling short ako at crop top na damit at kulot-kulot ang buhok at may kulureta pa ang mukha ko. Kakatapos lang kasi ng second games nila sa grupo ng ibang school at sa pangalawang pagkakataon nanalo muli sila. Ang sabi sa’kin ni John Axle ako raw ang lucky charm ng grupo dahil sa tuwing naroon ako bilang muse nila nanalo sila bagay na hindi ko pinaniniwalaan. Sikat na sila at magaling na manlalaro ng basketball at kahit wala ako bilang muse nila nakatitiyak kong mananalo sila. Inikot ko na ang kabuuan ng visitor’s room na sinasabi ni John A