[Miyukie’s P.O.V] “Totoo ba itong nangyayari sa’kin Manang Ludy?” Tanong ko sa kasama kong katulog. Nagliligpit ako ng pinagkainan ng mga amo ko. Katatapos lang nilang mag-usap at kumain ng almusal. “Ilang beses mo na bang sinabi sa’kin yan Miyukie? Ang swerte mo dahil mabait ang amo natin.” Sagot ni Aling Ludy. Naghuhugas ito ng plato. Huminto ako sa pagpupunas ng lamesa. “Mag-aaral ako ng college Manang Ludy, baka hindi na nila ako pasahurin kawawa ang kapatid ko sa probinsiya.” “Isipin mo na lang scholar ka ng school na pagmamay-ari nila kahit ang totoo hindi naman. Mag-aral kang mabuti.” Tumingin ako kay Manang. “Manang paano yung sinasabi ni Madam Ally na magiging guardian ko raw ang bunso niyang anak na lalaki? Baka magalit siya sa’kin badshut na nga ako doon e.” “Badshot! Tuwi