[John Axle’s P.O.V] Limang beses na siguro akong nagpabalik-balik sa silid ni Ukie nang hindi namalayan nila Mommy at Daddy. Alas-dos na ng madaling araw. Ilang oras na lang at papasok ako sa school. May praktis pa naman kami ng basketball para sa tournament namin ngunit heto ako hindi makatulog dahil sa pag-aalala sa panget at amoy putok na si Ukie. Ang taas kasi ng lagnat niya kaya naman natatakot akong malaman nila Mommy na ako ang naging dahilan kaya nagkasakit siya. Marahan kong tinapik sa balikat si Ukie upang magising ito. Nakasuot siya ng makapal na jacket ko at makapal na kumot. Nilagyan ko rin siya ng basang panyo sa sintido. “Ukie…” pabulong kong tawag sa kanya habang marahan ko siyang tinatapik. Dahan-dahan nitong iminulat ang mga mata niya at malamlam ang mga mata niyang