CHAPTER 11

2103 Words
Sa narinig mula kay Jinky ay para akong pinagbagsakan ng langit at lupa, tila pa nagpantig ang dalawang tainga ko dahilan para maang ko itong lingunin mula sa pagitan ng leeg at balikat ko kung saan ngiting-ngiti ito. Hindi mapapatawaran ang kasiyahan ni Jinky na para bang sa wakas— sa tinagal nang paghihintay niya ay nagawa rin nitong buksan ang puso para kay Andrew. Kaya niya marahil tinanong kung gusto ko pa ba si Drew. So, iyon pala ang dahilan. Malamang ay hinihintay lang ako nito, kahit papaano ay naroon pa rin ang salitang respeto para sa akin at bilang kaibigan niya ay inalala nito ang mararamdaman ko. Nang makuha niyang ayos lang sa akin, o iyong sagot na gusto nitong marinig ay saka siya nagdesisyong sagutin si Andrew. Ngayon ay hindi ko malaman kung bakit parang gusto kong bawiin iyong sinabi ko kanina. Ngunit ang sabi nga nila; ang pagsisisi ay palaging nasa huli. Wala sa sarili nang makagat ko ang pang-ibabang labi para sa pinipigilan kong emosyon. Hindi ko pa nga mawari kung ano ang una kong mararamdaman. Pinaghalong gulat, tuwa, sama ng loob, pagkamangha at inggit ang lumulukob sa katawang lupa ko. Halu-halo na iyon na para bang gusto ko na lang din ang sumabog. Iyong hindi naman dapat— but I felt betrayed. Para akong sinampal ng isang libong katao sa katotohanang iyon, gaano man din ako nasasaktan ay wala akong nagawa kung 'di ang tahimik na pagmasdan ang mukha ng naturingan kong bestfriend. Ang babaeng umintindi sa akin simula umpisa at sa taong hindi ako iniwan through my ups and down. Siya lang iyong hindi nagdalawang-isip na kaibiganin ako, bagkus ay mas itinuring pa niya akong pamilya nito. "Narinig mo ako, hindi ba?" untag nito kay Andrew na katulad ko ay nananatili ring walang imik. "Kasi hindi ko na uulitin." Mahinang humagikhik si Jinky, kitang-kita ko pa ang bawat pagningning ng dalawang mata nito. Nagsasayaw doon ang walang kapantay niyang kasiyahan. Kalaunan nang unti-unti ay pumorma ang isang maliit na ngiti sa labi ko. "Co—congrats!" utal kong banggit, pasalamat na lang ako na hindi niya napansin kung gaano kapait ang nararamdaman ko sa sobrang paninitig nito kay Andrew. Rason naman din iyon para balingan ko si Drew, naabutan ko ang pagkurap-kurap nito habang maang na nakatingin kay Jinky. Bilang matagal nang nakakakilala sa kaniya, wala akong makitang emosyon sa mga mata nito. Hindi ko lang alam kung bakit, kung dahil ba masyado itong nagulat o may iba pang rason. Hindi ba dapat ay hindi na siya magugulat pa? It was his dream, Jinky is her dream. At ngayon na nangyari na— his dream came true. Matagal na niyang gusto si Jinky, noon pa man ay ramdam ko na iyon. Naunang magkatrabaho ang dalawa, kaya ang naabutan ko na lang din ay ang pagiging close nila sa isa't-isa na animo'y matagal na rin silang magkakilala. Noong mga araw na iyon ay grabe pa iyong paghahabol ko kay Andrew, nagbabakasakali na maibalik ko pa iyong dati. Paraan ko na lang din na sabihing crush ko siya upang itago ang nakaraan namin kay Jinky. Ayokong sabihin dahil ayokong kamuhian ako ni Jinky knowing na ako iyong babaeng tinutukoy ni Andrew mula sa nakaraan niya. Ako iyong babae na niloko siya at pinagpalit sa mayamang lalaki, kaya sa mata niya— isa akong masama at malanding babae. Ayokong mangyari iyon na hanggang ngayon ay pilit ko pa ring itinatago kay Jinky. Nasasaktan lang ako para sa sarili ko, kasi wala akong pagpipilian. I'm torn between Andrew and Jinky, since pareho silang malapit sa buhay ko. Huminga ako nang malalim, sa samu't-saring emosyong nararamdaman ko ay hindi ko na napigilan ang lumuha dahilan para mabalik ako sa reyalidad. Bago pa man din iyon masamain ng dalawa ay malakas akong natawa. Kasabay nang maagap kong pagpunas sa nabasa kong pisngi. Halos magkasabay naman na napalingon sa akin sina Andrew at Jinky na parehong nangungunot ang noo, marahil ay iniisip nilang nababaliw na ako. "Huy, grabe! Naiyak ako sa sobrang kilig ko sa inyo, fan na fan niyo na ako!" pahayag ko habang pilit pa ring ikinakalma ang sarili. "Akala ko kung napaano ka na," ani Jinky, kalaunan nang matawa rin ito. Samantala ay mabilis ko namang nilingon si Andrew. "Ano na, Drew? Sinagot ka na ng kaibigan ko, baka pwede mo nang sagutin itong pagkain namin." Muli ay kumurap-kurap ito nang animo'y magising ang diwa nito. Ang atensyon niyang kanina lang ay na kay Jinky, dahan-dahan ay ibinaling nito sa akin na naging mitsa para mabilis pa sa kidlat na nag-iwas ako ng tingin. "Huwag kang umiyak, sis. Huwag mo akong gayahin," sambit ko nang mapansin ang pagkislap ng mata nito para sa pinipigilang luha. "Tandaan mo, pangit lang ang umiiyak." "Grabe ka naman..." usal nito, kapagkuwan ay niyakap ako. "Pero thank you, sis. Don't worry— sasagutin ka rin ni fafa Marvin." "Sana nga, sis..." Hindi na ako umaasa. In the first place, nauna ko na ring binitawan si Marvin dahil alam ko sa sarili ko na wala rin naman akong puwang sa puso nito. Alam niya kung sino ang para sa kaniya at hindi ako iyon. Kung may tao man din ang para sa akin, si Annalisa iyon. Siya ang tadhana ko, siya ang nakatadhanang magpapasaya sa akin at siya iyong hindi ako iiwan. Si Annalisa iyong makakasama ko hanggang sa pagtanda ko. Sa kaniya ko mararamdaman iyong pagmamahal, suporta at pag-aalaga na kahit hanggang sa huling hininga ko ay damang-dama ko pa rin. Marahil nga ay ito talaga ang nakasaad na magiging kapalaran ko. But it's fine with me, it's okay with me. Kahit ano man din gawin kong pamimilit sa kanila na mahalin ako ay walang magtatangka. Suminghot ako, hindi rin nagtagal nang humiwalay ako kay Jinky habang nangingiti sa kawalan. Hinarap ko ulit si Andrew. "Huwag mong sasaktan ang kaibigan ko, ah? Kung 'di ako ay ako talaga ang makakabangga mo, tatawag ako ng mga mafia at ipapabugbog kita." Umawang ang labi nito, ilang sandali pa nang mapabuntong hininga siya. Isang tipid na ngiti ang iginawad nito sa amin, partikular kay Jinky na hanggang ngayon ay naghihintay pa rin sa reaksyon niya. "Thank you," mahinang saad niya ngunit sapat na upang makaabot pa sa pandinig namin. Sapat na rin para mas lalong manuot sa puso ko ang sakit ngunit katumbas nito ay ang malawak kong pagngiti. Lumipas ang ilang minuto, hindi ko alam kung paano ako nakawala sa kanilang dalawa, basta ay natagpuan ko na lang ang sarili na naglalakad pabalik ng department. Sa totoo lang ay gusto ko lang talaga ang makahinga, pakiramdam ko kasi ay mauubusan ako ng hangin sa sobrang pagpipigil ko sa mga emosyong gustong kumawala sa akin. So far, kaya ko pa naman iyong kontrolin. Ayokong makita nila na masyado akong naiinggit, but honestly, masaya talaga ako para kay Jinky. At para rin kay Andrew, masaya ako na nakita at nahanap na niya iyong babae na masasabi nitong hindi siya iiwan. Nang makabalik ako sa station ko ay para bang pagod na pagod ako gayong kumain lang naman ako. Padarag na naupo ako sa swivel chair at mas piniling abalahin ang sarili sa computer at sa tambak kong trabaho. Hindi ko na napansin ang presensya ni Jinky, kung nasaan man din sila ni Andrew ay hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin at ayoko na ring isipin pa. Baka sinulit lang nila iyong natitirang oras para sa isa't-isa. Sa buong araw na iyon ay literal na naging abala ako, para sa kinabukasan namin ni Annalisa ay naging todo kayod ako na parang hindi ako nakilalang Marites sa deparment namin na kahit may nagbabagang issue ay hindi ako nakikisali. "Huy, sis! Alam mo na ba?" Dinig kong palatak ni Jinky na itinulak pa ang sariling swivel chair papunta sa pwesto ko. "Nagkaroon pala ng affair sina Caloy at Tinay kahit may asawa silang pareho. Naku talaga—" "Malapit na pala ang oras ng uwian, tapusin ko lang ito," seryosong pahayag ko na pinuputol sa pagsasalita si Jinky. Mas itinuon ko ang atensyon sa ginagawa, mas diniinan ko pa ang pagtitipa sa keyboard para iyon at iyon na lang din ang maririnig ko. Hindi ko na namalayan si Jinky, maging ang reaksyon at pag-alis niya sa tabi ko. Hindi pa nagtagal nang mapansin kong alas singko na ng hapon, matapos kong patayin ang computer at ayusin ang cubicle ay maagap akong tumayo. Kinuha ko lang din ang bag ko bago nilapitan si Jinky na abalang inaayos ang sarili. Nakita ko pa ang pagpahid nito ng pulang lipstick sa kaniyang labi. Tipid akong ngumiti at saka pa ito mahinang tinapik sa kaniyang balikat, nagulat naman din siya nang malingunan ako nang dere-deretso akong maglakad palayo. "Hoy! Hindi mo ba ako hihintayin? Sabay tayong uuwi!" singhal nito na halos hindi magkandaugaga nang madalian niyang inayos ang gamit. Saglit akong huminto upang bigyan siya ng pansin. "Remember, may boyfriend ka na and this is your first day, kaya alam ko na memorable pa ito sa inyong dalawa. Sa gedli na lang muna ako. Enjoy, sis!" "Sandali lang naman!" maagap niyang pagpigil ngunit kinindatan ko lamang ito at hindi nagpatinag nang walang pagdadalawang-isip na tinalikuran ko siya. Somehow, I know how to act. Kaibigan lang ako ni Jinky, kahit papaano naman ay gusto kong respetuhin ang relasyon nilang dalawa ni Andrew. Mas maigi pa na umuwi na lang nang maaga para mas makasama ko si Annalisa. Nang sa gayon din ay mas magkaroon kami ng oras mag-ina. Alam ko rin kasi na may tampo sa akin ang batang iyon na bukod pa sa pangungulila niya sa kaniyang ama ay kapipiranggot lang iyong oras na naibibigay ko sa kaniya sa kadahilanang puro ako trabaho. Well, para rin naman sa kaniya iyon ngunit sa ganoong edad nito ay marahil hindi pa niya maiintindihan. Kaya pagkakataon ko na ito para bumawi sa anak ko— wait, makabili nga ng paborito niyang Jollibee. Nang makalabas ng Dela Vega Publishing House ay iyon nga ang ginawa ko, isang bucket ng fried chicken ang binili ko na tiyak kong magugustuhan ni Anna, baka maiyak iyon sa tuwa. Sa isipin iyong ay halos mapunit ang labi ko sa lawak nang pagkakangiti ko. Buhat-buhat ko pa iyon nang makababa ako sa sinakyan kong jeep, sa pagpasok pa sa eskinita ay awtomatikong nagsilingunan ang mga tsismosa sa akin. Ngunit hindi ko na iyon pinansin, mas nananabik pa ako sa amoy ng manok na nanunuot sa ilong ko. "Anna!" pagtawag ko nang buksan ko ang pinto sa bahay, pero imbes na ngiti niya ang mabungaran ko ay halos mahulas ang lahat ng emosyon sa katawan ko. Literal pa na para akong binuhusan nang malamig na tubig nang makita si Anna na nakahandusay sa sahig ng sala. Mula pa rito ay tanaw na tanaw ko ang bumubula niyang bibig, pati na rin ang pagtataas-baba ng dibdib nito. "Annalisa!" malakas pa sa tunog ng kampana ang naging sigaw kong iyon na siyang dumagundong sa kabuuan ng bahay namin. Hindi ko na naisipang lingunin ang binili kong isang bucket ng Jollibee nang wala sa huwisyo nang mabitawan ko iyon. Dali-dali at mabilis pa sa kidlat na nilapitan ko si Anna, kaagad akong lumuhod sa tabi niya at dinaluhan ito. Nanginginig man din ang mga kamay ay nagawa kong iahon ang kalahati ng katawan nito at saka pa paulit-ulit na tinatapik ang kaniyang pisngi. Hindi ko nga alam kung tama ba itong ginagawa ko. Basta ay paulit-ulit kong pinipisil ang pagitan ng bibig niya upang palabasin kung ano man ang nakain nito ngunit ganoon pa rin. Halos lumuwa pa ang dalawang mata ko nang maramdaman ko ang unti-unting pagkawala ng hininga niya. "Anna!" muli kong sigaw bago niyugyog ang kaniyang balikat. "Tulong! Mga kapitbahay! Ang anak ko! Tulong!" Hindi ko na napigilan at animo'y gripo ang parehong mata ko nang maging tuluy-tuloy sa pag-agos ang 'di mapapatawarang luha ko. Dinig na dinig ko ang paghagulhol ko sa bawat sulok ng bahay na para bang ako na lang ang naiwang tao sa mundo. "Anna! Gumising ka!" patuloy kong sambit. Hindi naglaon nang maging sunud-sunod ang pagbukas at sarado ng pinto sa likuran ko, para pa akong namingi na hindi ko magawang marinig ang ingay sa paligid. Namalayan ko na lang din na buhat-buhat na ng isang lalaki ang anak ko kung kaya ay sinundan ko naman ito nang lumabas siya. Kasama ang ilan naming kapitbahay ay itinakbo si Anna hanggang sa bungad, doon ay pinasakay ako sa isang tricycle at madaliang pinausad ng driver. Sa kawalan ko sa sarili ay hindi ko na nasundan pa ang mga sumunod na nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD