CHAPTER 9

2284 Words
Ganap na alas tres ng hapon nang pauuwiin din kami ni Sir Melvon, since maagang natapos ang trabaho namin doon. Nauna na rin siyang bumalik sa pub house, samantala ay naiwan naman si Marvin dito. Hindi ko na rin siya inabalang hanapin pa at tuluyan ko na itong hinayaan. Magkasabay na bumaba kami ni Andrew mula sa opisina ni Sir Melvin hanggang sa makalabas kami ng Dela Vega International Airport. Maang ko itong nilingon nang maging dere-deretso ang paglalakad niya patungo sa parking space ng airport. Sa dahan-dahan kong mga hakbang ay naging malayo na ang agwat naming dalawa. Tila ba ninanamnam ko ang natitirang oras sa araw na iyon na magkasama kaming dalawa. He's been good to me today. Kahit pa ilang beses niya akong binara ay mas nangingibabaw pa rin sa utak ko iyong kabutihang ginawa niya para sa akin. Hindi tuloy mapigilan na umalpas ang masayang ngiti sa labi ko habang maigi ko siyang pinagmamasdan sa malayo. Pamula sa paghahanap niya sa akin kanina nang mawala ako, sa pagbili niya ng napkin, sa pagpapahiram ng coat. Siguro ay hindi rin niya napapansing may mga pagkakataon na bumabait siya sa akin. Hindi niya nakikita iyong mumunting kilos niya na nagpapalundag sa puso ko. Pakiramdam ko pa ay nagbalik ako sa nakaraan kung saan iyong mga panahon na pinahahalagahan pa niya ako. Iyong tipong may pakialam pa siya sa akin. Minsan ay hindi ko talaga maipaliwanag ang takbo ng tadhana, ang gulo; sobrang komplikado. Ilang ulit ko nang sinabi na okay lang sa akin kahit hindi na ako. Kahit hindi na ako ang mahal niya at piliin niya ngunit bakit may parte pa rin sa akin na naghahangad? Na alam kong darating din iyong araw na hinihintay ko. Ewan ko, mas naiintindihan ko ang hinanakit ni Andrew, pero hindi ko naman magawang maintindihan ang sarili ko. Masyado pa akong naguguluhan, o mas madaling sabihin na nalilito. Pinagtataksilan ako ng puso ko. Naiipit ako sa dalawang taong naging malapit sa buhay ko— si Andrew at Jinky. Gusto kong isaalang-ala ang pagkakaibigan namin ni Jinky, pero gusto ko ring ipaglaban ang kasiyahan ko at natitirang pagmamahal kay Andrew ngunit sa tuwing maiisip ko naman na kasiyahan nila ang isa't-isa ay naduduwag ako. Literal na nababahag ang buntot ko at nawawalan ako ng lakas ng loob na lumaban. Para bang mas matimbang pa iyong awa ko sa kanila. Naisip ko rin na kung sakali na bumalik sa akin si Andrew, magiging masaya nga ba siya sa akin? Ganoon din si Jinky. Malulungkot siya, ang malalas ay magagalit siya sa akin at ayokong mangyari iyon. Mapait akong napangiti sa kawalan. Kasunod pa nito ay ang unti-unting pagbagsak ng ulan dahilan para mapatingala ako sa kalangitan. Kung gaano kaaliwalas kanina ang langit ay siya namang dilim ngayon, tila ba hindi lang iyon simpleng ambon lang. Kalaunan nang mapanguso ako, animo'y ang langit mismo ang umiiyak para sa akin, para sa nararamdaman ko kasi ayokong umiyak. Alam ng langit na wala akong luhang iiiyak, wala akong oras para umiyak at magmukmok kung kaya ay ito na lang ang nagdaramdam para sa akin. How funny it was, iyong tipong lahat sa paligid ko ay puro problema ngunit nagagawa ko pa ring ngumiti. Walang puwang sa akin ang kalungkutan na nagagawa ko pang tumawa kahit ang sakit-sakit na. Kulang na lang ay bigyan ako ng award sa pagiging masochist. Hindi na rin ako magtataka kung magkaroon man ako ng sarili kong rebulto sa Luneta Park. Kung ano ring ikinatigas ng puso ni Andrew ay ganoon din katibay ang puso ko. Marahil ay ganoon nga yata ang nangyayari when you expect too much when it comes to love. Sabi nga ng karamihan— too much will lead us to death. "Elsa!" sigaw ni Andrew mula sa malayo dahilan para mabalik ako sa reyalidad. Wala sa sarili nang mapamulagat ako at ilang beses na kumurap-kurap upang mas gisingin ang diwa. Kaagad ko itong nilingon at saka ko napanood ang pagtakbo niya palapit sa kinaroroonan ko. Mabilis niyang nasakop ang espasyong nakapagitan sa amin ngunit ganoon na lamang mag-slow motion ang paligid ko. Bawat paglapat ng sapatos niya sa lupa ay kitang-kita ko, kasabay nang pagdampi ng tubig-ulan sa kabuuan niya. Maging ang pag-alon ng kaniyang buhok gawa nang malakas na hangin ay hindi nakaligtas sa paningin ko. Dinaig pa niya ang nasa isang pelikula, mayroon siyang sariling effect sa mga mata ko Nang tuluyan siyang makalapit sa akin ay maagap na hinablot niya ang braso ko, rason para magulantang ang mundo ko. Napatigalgal ako nang hatakin niya ang kamay ko. Mabuti at nagawa kong masundan ang mabilis niyang pagtakbo. Mayamaya lang nang biglang bumuhos ang mas malakas na ulan. Bago pa man din ako mabasa ay mabilis pa sa alas kwatrong nabuksan niya ang pinto sa back's seat ng kotse niya. Kaagad naman siyang sumunod sa loob na halos madaganan pa niya ako. "Andrew!" bulyaw ko rito ngunit panay lang ang siksik niya sa sarili, kaya wala rin akong nagawa kung 'di ang umusog sa dulo. Kalaunan nang maisarado niya ang pinto sa gilid niya. Maigi rin niyang pinagpagan ang buhok niyang nabasa at ilang beses na iniling-iling ang ulo dahilan para magtalsikan sa pagmumukha ko ang tubig-ulan. Mas umusog pa ako sa kabilang gilid ng back's seat, isiniksik ang sarili sa bintana. Inis na tinapunan ko siya ng tingin. Iang sandali pa nang mag-angat siya ng tingin sa akin. Bumungad sa paningin ko ang nanggagalaiti niyang mukha. Nagmukha lang itong halimaw na mangangain ng buhay. Ganoon pa man ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang labis na pag-aalala sa parehong mata niya. Gaano man nito pagtakpan ang nararamdaman ay hindi nagsisinungaling ang mga mata. "Kung hindi ka ba naman natutulala sa kawalan, hindi sana ako nabasa! Alam mo nang umuulan! Mas pinili mo pang tumunganga sa gitna ng daan!" palatak niya sa naiinis na boses habang bulgar na umiigting ang kaniyang panga. Nang makita pa ang paninitig ko sa kaniya ay mabilis pa sa kidlat na nag-iwas siya ng tingin. Minabuti rin niyang lumipat ng pwesto at dumukwang sa harapan kung saan padabog siyang naupo sa driver's seat. Maang ko siyang sinundan ng tingin doon. Nagtagpo pa ang mga mata namin nang magawi ang atensyon niya sa rear view mirror. Huminga ako nang malalim bago isinandal ang likod sa kinauupuan ko. "Bakit kailangan mo akong balikan?" takang pagtatanong ko sa katotohanang iyon. In the first place, kung galit siya sa akin ay hindi na siya mag-aabalang puntahan ako para lang hatakin. Pangalawa, kung ayaw niyang mabasa ay nauna na sana siyang sumakay ng kotse at hinayaan na lang ako. Nakilala kong matalino si Andrew, katulad ni Annalisa na nagmana sa kaniya ngunit hindi ko makuha iyong logic niya ngayon. Pakiramdam ko ay ipinagduduldulan lang niya ako para mas mag-asam sa isang bagay. Hindi ko na alam kung sino iyong susundin ko— iyong utak ko ba na nagsasabing tama lang itong ginagawa ko, o ang puso ko na naghahangad ng kaligayahan at kapayapaan. Hindi ko na alam, masyadong nakababaliw. "Hindi mo na dapat ako binalikan, kaya ko naman ang maglakad mag-isa," segunda ko nang wala siyang maging imik. "Hindi kasi kita kayang iwan mag-isa roon. Hindi ako katulad mo, Elsa," pahayag ni Andrew na naging mitsa upang hatawin ng ilang kutsilyo ang puso ko. "Hindi kita pwedeng iwan na lang basta-basta rito. Ako ang nagdala sa 'yo rito, responsibilidad kita. Obligado kitang ihatid sa bahay ninyo at maiuwi nang maayos." Napalunok ako, saka pa bulgar na nakagat ang pang-ibabang labi. Sa lakas ng epekto ng sinabi niya ay hindi na ako umimik pa, tila ba maging ang bibig ko ay itinahi at hindi ko magawang makapagsalita. Mabuti at tumigil din si Andrew. Narinig ko ang marahas niyang pagbuntong hininga. Hinayaan na rin niya ako na naroon sa likod. Mayamaya lang nang buksan niya ang engine ng sasakyan at kaagad na pinausad paalis. Naging limitado ang paghinga ko sa mga nakalipas na oras na para bang ayokong iparamdam kay Andrew ang presensya ko. Sa nakahilig kong katawan ay madali ko lang din tiningala ang kalangitan. Tanaw na tanaw ko roon ang pagbuhos ng ulan na siyang pumapatak sa labas ng bintana. Mukhang wala yatang balak na tumigil ang ulan. Mabuti at nakapaglaba na ako kahapon at natuyo na iyon kagabi, kaya naitupi ko na rin. May bagyo kaya? Bagyong Jinky? Gusto ko pang isipin na si Jinky ang dahilan ng pag-ulan ngayon. Iyon ang tanda na ayaw niyang magkasama kami ni Andrew dahil malamang ay pag-isipan niya ako ng masama. Iniisip niyang inaagaw ko sa kaniya si Andrew. Pero syempre joke lang, alam ko naman na may tiwala sa akin ang babaeng 'yon. Walang rason para pag-awayan namin ang isang lalaki. Naging kibit ang balikat ko, kapagkuwan ay napahinga nang malalim. Ilang minuto pa ang nagdaan nang mapansin kong bumagal ang pagmamaneho ni Andrew, saka ko napansing naroon na kami hindi kalayuan mula sa lugar namin. Wala sa sariling umahon ako sa kinasasadlakan ko. Nanlaki pa ang mga mata ko nang matanaw ang malaking baha sa harapan namin ni Andrew. Ilang kanto pa naman bago namin marating ang lugar na tinitirahan ko, pero mukhang malabo rin yatang makadadaan ang kotse ni Andrew para tawirin ang baha. Imbes ay inihinto niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada dahilan para lumipat ang atensyon ko kay Andrew. Nakita ko ang pagtanaw niya sa akin kung kaya ay nilingon ko ang labas. Malakas pa rin ang ulan. Sayang lang din at wala akong dalang payong. Hindi ko alam na sobrang malas ko pala ngayong araw. Ang dami kong nakalimutang mahahalagang bagay. Natawa pa ako sa sarili ko nang matanto kong masyado akong excited na pumasok sa trabaho. "Salamat, dito na lang siguro ako," kalaunan ay pahayag ko, tangka pang bubuksan ko ang pinto sa gilid ko nang pigilan ako ni Andrew. "Dito ka na lang muna. Hintayin mong tumila ang ulan bago ka lumabas. Baka magkasakit ka," aniya sa mababang boses. Nang harapin ko pa siya ay napansin ko ang paninitig niya sa kawalan. Mahigpit niyang hawak sa magkabilaang kamay ang manibela ng kotse habang ilang ulit na pinaglalaruan niya ang kaniyang labi. "Bakit ba ang bait mo ngayon? Nakakapanibago ka, Andrew. Hindi ako sanay," banggit ko at literal na hindi na nakayanang pigilan ang sariling bibig. Sa sinabi ko ay natawa si Andrew. "Mabait naman talaga ako 'di ba?" Isang beses niya akong sinipat ng tingin, pero kaagad din siyang nag-iwas. Napaismid ako at saka pa muling isinandal ang sarili sa headrest ng back's seat. Kapagkuwan ay pinili kong makipagtitigan sa windshield, partikular sa kawalan. "Wala lang, nakaka-miss lang din iyong panahon na nakakasama kita ng ganito— iyong payapa na parang tayong dalawa lang ang natitira sa mundo. It's been ten years, Elsa. Ang dami nang nagbago, pero hindi ko naman itatangging nami-miss ko iyong dati, nami-miss ko iyong mga panahon na kasama kita," mahabang lintanya ni Andrew dahilan para kumibot ang labi ko para pigilan ang labi na huwag mapangiti. "Na-miss mo ako?" pang-uudyo ko, siya namang baling niya sa akin mula sa rear view mirror ng kotse. "Iyong pinagsamahan lang natin, Elsa. Kasi alam mo 'yon? Nakakapanghinayang. Ang laking sayang no'ng panahon na inilaan natin sa isa't-isa. Bandang huli ay iiwan mo rin pala ako sa ere." Iyong pag-amba ko sanang ngumiti ay tuluyan nang nalusaw. Napalitan iyon ng pinagsamang lungkot pagkadismaya. "Hanggang ngayon pa rin ba ay hindi mo matanggap iyong naging paliwanag ko?" maang kong pagtatanong sa mahinahong boses, iniiwasan na huwag tumaas ang tensyon sa paligid naming dalawa. "Kagaya ng sinabi ko kanina, gusto kitang intindihin. Gustung-gusto kong lunukin lahat ng paliwanag mo. Kahit masakit ay gusto pa rin kitang unawain, kasi sa totoo lang ay hindi biro iyong sakit na iniwan mo sa akin na kung akala mo ay ganoon lang kababaw... nagkakamali ka, Elsa. Mas masakit pa dahil wala naman tayong naging break up, kaya hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin iyong hinanakit sa puso ko." Umawang ang labi ko, kaagad din akong nag-iwas ng tingin nang hindi ko rin makayanan ang nagbabadyang emosyon sa dalawang mata ni Andrew. Pinili kong makipagtitigan sa mga kamay kong pinaglalaro ko mula sa hita ko. "I'm sorry," buntong hininga ko. Hindi ko mawari kung ilang ulit na akong nag-sorry, pero hindi ako magsasawang magsabi ng sorry dahil aminado akong pagkakamali ko ang lahat. Hindi kasalanan ni Andrew, o kahit sino, kung bakit kasing tigas ng bato ang puso niya. "Sorry kung hindi pa rin mawala-wala sa puso mo iyong sakit. Sorry kung hanggang ngayon ay hindi mo pa rin ako napapatawad," dagdag ko nang manatili itong tahimik. Ako ang rason sa lahat ng pasakit ni Andrew— ako ang may kagagawan, kaya marapat lang na sa akin ibaling ang sisi. "Hindi ko alam kung may saysay pa ba ang paghingi ko ng sorry sa 'yo. Hindi ko rin alam kung hanggang saan pa iyong pag-intindi ko sa 'yo. Alam mo 'yon, gustuhin ko mang i-pursue ka pa at mahalin, ayaw mo naman na. So, okay lang—" "Hindi sa ayaw ko, Elsa," sabat ni Andrew na pinapatigil ako sa pagsasalita ko kung kaya ay mabilis din akong napahinto. Maang na hinarap ko si Andrew kung saan tuluyan na niyang ibinigay ang atensyon sa akin. Nilingon niya ako at kunot ang noong pinagmasdan ang mukha ko. "Gusto ko, gusto ko pa ring ibalik iyong dating relasyon na mayroon tayo. Gusto ko pa ring bumalik tayo sa dati, iyong ikaw at ako lang. Tayong dalawa lang. Gustung-gusto ko, pero napapangunahan lang ako ng takot ko na baka iwan mo ulit ako. Ayoko nang masaktan na ikaw ulit ang dahilan," madamdaming pahayag niya na naging mitsa para mahabag ang puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD