CHAPTER 8

2274 Words
Nakakaasar talaga ang lalaking 'yon. Sabihan ba naman akong menopause? Sundutin ko kaya ang ngala-ngala niya? Napairap ako sa ere. Kung hindi ko lang din siya nautusan ngayon ay baka kanina ko pa siya pinahiran ng dugo ni Satanas. Mayamaya lang nang marinig ko ulit ang pagbukas-sarado ng pinto sa labas, saka naman may dumulas na isang plastic bag sa baba ng pintuan na siyang sinipa ni Andrew papasok sa loob ng cubicle ko. Kaagad ko iyong kinuha. Napanganga pa ako nang makitang napakarami no'n at iba-iba ang brand name. Haler, apat na araw lang akong nireregla at hindi isang buwan. Niliteral niya ba ang salitang kabuwanan? "Hoy, ba't ang dami nito?" palatak ko kay Andrew na alam kong naroon pa rin sa labas. "Hindi ko alam kung anong brand ang gamit mo... kaya binili ko na lang lahat." Dinig kong sagot niya sa mahinang boses, animo'y nahihiya rin sa ginawa niya. "Wow, yaman. Sana all." "Bayaran mo ako mamaya," pahabol niya dahilan para mapairap ako sa ere. Matapos kong kumuha ng isang pad ay mabilis ko lang inayos ang sarili. Pasalamat na lang ako na may tissue paper pang natira sa loob. Nang maging okay na ang lahat ay minabuti ko nang tumayo at saka nag-flush. Dala ang plastic bag nang mabuksan ko ang pinto. Nagulat pa ako sa presensya ni Andrew kung saan naroon siya banda sa sink at nakahilig ang kalahating katawan doon kung kaya ay mabilis pa sa kidlat na nagtama ang mga mata naming dalawa. Nakita ko ang nabuburyo niyang mukha, partikular ang walang emosyon niyang mga mata ngunit naging kibit ang balikat ko. Napanguso ako bago dumeretso sa sink upang makapaghugas ng kamay. Kung ano iyong ikinadaldal naming dalawa, ngayon ay tila nahulas ang lakas ng loob namin na hindi namin magawang makapagsalita. Sinundan lang din ako ni Andrew ng tingin at maang na pinapanood sa ginagawa. Hindi ko man din siya lingunin ay ramdam na ramdam ko ang mainit niyang paninitig sa kabuuan ko. Mula pa sa peripheral vision ko ay natanaw ko ang pagpasada niya nang mapanuring tingin sa suot ko. Mahina akong tumikhim, kapagkuwan ay isinarado ang faucet. Doon ko lang din tuluyang nilingon si Andrew. Naabutan ko ang pagbagsak ng tingin niya sa sahig, rason para mapaismid ako. Wala pa sa sarili nang ilahad ko sa harapan nito ang hawak kong plastic bag, kaya nag-angat siya ng tingin sa akin. Nakita ko ang paggitla sa noo niya habang hindi makapaniwalang pinagmamasdan ako. "Thank you," mababang boses na pahayag ko. "Kung hindi dahil sa 'yo ay baka nakulong na ako rito sa CR." "Anong gagawin ko riyan?" palatak niya at saka pa itinuro ang plastic na puno ng mga napkin. Wala sa sarili nang matawa ako. "Ibabalik ko na, isa lang naman ang kailangan ko ngayon." "Kahit sa 'yo na 'yan. Ano bang gagawin ko riyan, hindi naman nakakain 'yan." "Ay, akala ko ay nireregla ka rin," sambit ko at madaliang binawi ang kamay. Sa sinabi ko pa ay bulgar na namilog ang mga mata ni Andrew, kasabay nang pagbagsak ng panga niya sa sahig. Inis na inungasan niya ako na kulang na lang ay i-Batista niya ako, kaya mas lumakas ang pagtawa ko. "Anong bang akala mo sa akin? Bakla?" singhal niya dahilan para mapatakip ako sa magkabilaan kong tainga. "Oh, kita mo, nireregla ka na naman. Chill ka lang," ungot ko at madalian siyang nilampasan at tinalikuran. Deretso kong tinungo ang pinto, rinig ko naman ang pagsunod sa akin ni Andrew na patuloy sa kaniyang pagkayamot. Natawa na lamang ako at nailing-iling sa kawalan. Natanto ko na mas naging kumportable na kami sa ganoong sitwasyon. Iyon bang parang aso at pusa na nag-aaway kahit sa maliliit na bagay. Sa madaling salita ay wala nang pag-asa na magkaayos pa kaming dalawa. Napanguso ako, tangkang aabutin ko pa ang doorknob para buksan nang sumigaw si Drew. "Sandali!" Awtomatiko akong napatigil at maang na hinarap siya. Handa ko na rin sana siyang bugahan ng apoy nang makita ko ang mabibigat niyang mga yabag na papalapit sa akin. Kalaunan nang huminto siya sa harapan ko. Halos lumuwa ang parehong mata ko nang maging dahan-dahan sa paningin ko ang pagtanggal niya sa coat niya. Rason iyon para mapaatras ako at kamuntikan na akong tumagos sa pinto nang mapasandal ako roon. Mariin ang tinging ipinupukol sa akin ni Andrew. Samantala ay hindi ko na malaman kung paano pa ako nakahihinga gayong pakiramdam ko ay naputulan ako ng litid sa leeg. Teka, ano bang ginagawa niya? "Ho—hoy," utal kong sambit ngunit nagpatuloy ito sa kaniyang ginagawa. "Huwag, Andrew! Hindi pwede 'to! Pag-isipan mo muna 'to! Please, 'wag!" Kalaunan nang tuluyan niyang mahubad ang coat niya kung kaya ay bumalandra sa akin ang mga muscles niya sa dibdib na bumabakat sa suot niyang white polo. Lalo lang din umawang ang labi ko nang dumukwang siya palapit sa gawi ko. Kaagad akong napapikit. Halos ilubog ko pa ang sarili sa kinasasandalan ko para lang ilayo ang mukha ko kay Andrew. Mayamaya lang nang biglang sumampal sa mukha ko ang inihagis niyang coat. Wala sa huwisyo nang mapamulagat ako. Nabungaran ko pa ang pangungunot ng kaniyang noo at nagtatakang nakatingin sa akin na akala mo ay nadedemonyo, o 'di kaya ay sinasapian ng masamang espiritu. Napipilan ko siyang tinapunan ng tingin bago nagbaba ng atensyon sa coat niyang hawak-hawak ko na ngayon. Bulgar na nagsalubong ang dalawang kilay ko at muling nag-angat ng tingin kay Drew na nananatiling nakatayo sa harap ko. "Alam mo, Elsa, iba na talaga 'yang itinatakbo ng utak mo. Ang halay mo," palatak niya na para bang naisulto ko siya dahil sa mga sinabi at naging reaction ko kanina. "Eh, ano ba kasing ginagawa mo? Ano bang gagawin ko rito sa coat mo?" maang kong pagtatanong habang ibinabalandra pa sa iyon sa harapan niya. "Kung bakit ba naman kasi sa dinami-rami ng susuotin mo ay nagputi ka pang palda?" singhal niya sa mukha ko na dinaig pa ang kapitbahay namin na minsang hindi ko nabigyan ng ulam. "Oh, bakit? Ano bang masama? Pati damit ko ay pinakikialaman mo na ngayon? As far as I remember, wala kang pakialam sa akin," maanhang kong palatak, nagulat na lang ulit ako nang hablutin niya sa akin ang coat niya. Kapagkuwan ay walang kahirap-hirap na hinatak ako. Akala ko pang itutuloy niya ang paghalik sa akin ay kaagad akong napapikit ngunit napamulagat na lang ako nang ipatalikod niya ako kung saan kaharap ko na ngayon ang pinto ng banyo. Oh, my God! Huwag nitong sabihing dog style ang nais niya? Nanlaki ang mga mata ko. Kulang na lang din ay mapanawan ako ng ulirat, lalo nang maramdaman ko ang isang kamay ni Andrew na hinawakan ang balakang ko. "Andrew, ano ba?!" "Stay still," angil niya nang amba akong lalayo ngunit mas humigpit lang ang pagkakakapit niya sa baywang ko. "Kung alam mong rereglahin ka, sana ay nag-black outfit ka na lang. Ayan at may mapa na ng Pilipinas sa likod mo." "Mapa? You mean, may tagos ako?" gulantang na bulalas ko at saka pa napatukod sa pinto. "Ano ba sa tingin mo ang gagawin ko sa 'yo? Talaga bang iniisip mo na pagnanasaan kita, Elsa? Grabe ka na. Magsimba ka rin minsan." Namalayan ko na lang din na si Andrew na ang nagtali sa dalawang sleeve ng kaniyang coat sa harapan ko bilang pantakip sa likod ko. Umawang ang labi ko sa sobrang gulat. Nang sa tingin niya ay okay na ay doon lang din niya ako pinakawalan. Doon lang din ako nakahinga nang maluwang, tila ba iyong kinikimkim kong hangin sa dibdib ko ay doon ko lang pinakawalan. Nang tuluyan akong bitawan ni Andrew ay kamuntikan pa akong matumba nang mawalan ako ng balanse. Sa nagdaang segundo ay wala akong naging imik. Masyado pa akong nagugulat sa mga nangyayari. Hindi rin ako sanay sa pakiramdam na akala mo ay katapusan na ng mundo kung magrigodon ang puso ko. Wala iyong paawat sa malakas nitong pagkabog. Paulit-ulit iyong tumitibok sa paraang baliw. Kalaunan nang makagat ko ang pang-ibabang labi ko upang pakalmahin ang sarili. Sakto pang bumukas ang pinto mula sa labas. Rason iyon para tumama sa noo ko ang pinto, kaya wala sa sarili nang mapaatras ako. Mabuti at maagap na hinawakan ni Andrew ang noo ko. Inis na nilingon ko ang walang hiyang nagtulak ng pinto at nakita ang isang babaeng pumasok. "CR ito ng mga babae, bakit may lalaki?" mapanuyang banggit nito at saka pa nilingon si Andrew na mabilis akong hinila palabas. Hindi ko na narinig ang mga sumunod nitong sinabi dahil sa bilis maglakad ni Andrew. Kamuntik-muntikan pa akong matalisod sa kamamadali niya. Hindi rin naman nagtagal nang bitawan niya ako. "Dumeretso ka na sa conference room, wala ng tao roon. Dito na lang din kita hintayin," anang Andrew na humarap sa kabilang gawi. Huminga ako nang malalim, saka sinunod ang sinabi niya. Naging doble ang paglalakad ko kung kaya ay mabilis ko ring narating ang conference room. Tama nga si Andrew at wala ng tao roon. Ibig sabihin lang ay natapos na ang meeting nina Sir Melvin. Tinungo ko ang kaninang pwesto ko at madalian na inayos ang mga gamit ko, kapagkuwan ay hinablot ang bag ko. Nang matapos ay maagap din akong lumabas, pero hindi pa man ako tuluyang nakalalabas ng pinto nang pumasok sa loob si Marvin. Natigilan ako at muling napaatras upang bigyan ng daan si Marvin. Isang ngiti ang iginawad niya sa akin bago deretsong lumapit sa table kung saan kinuha niya ang attache case na kanina lang ay pinadala sa akin ni Andrew. Kaagad din siyang natapos. Sa pananatili ko pa sa pwesto ko ay muli kaming nagkaharap nang lumapit siya sa akin. Sa tangkad niya ay tiningala ko siya, muli itong ngumiti at saka pa itinulak ang pinto para buksan. "Tititigan mo na lang ba ako buong maghapon?" mapang-asar na banggit niya dahilan para mabalik ako sa reyalidad. Doon lang ako natauhan at nabalik sa huwisyo. Maagap akomg lumabas ng conference room. Sumunod din naman siya sa akin. Sa deretsong paglalakad niya ay ako naman ang nakasunod sa kaniya na pilit siyang hinahabol. "Siya nga pala..." pukaw ko sa atensyon niya, dagli lang niya akong nilingon mula sa pagitan ng kaniyang leeg at balikat. "Hmm?" "Hindi ko na nakikita si Cheryl," untag ko, nagtataka lang ako na hindi ko pa nakikita si Cheryl nitong mga nagdaang araw. "Bakit mo siya hinahanap?" "Curious lang. Hindi ba ay ikakasal na kayo?" Nakita ko ang pagkibot ng labi ni Marvin, hindi siya umimik at nananatiling nakatingin sa dinaraanan namin. Kung saan man din siya papunta ay hindi ko alam. Basta ay sinusundan ko lang ito. Kung ikakasal man din si Marvin, literal na wala na akong pag-asa sa kaniya. Tanging paghanga na lang din ang magagawa ko. Iyon bang hanggang tingin na lang sa malayo, kasi wala na akong pagpipilian pa. Nakakalungkot na madaling naputol ang pag-asa ko kay Marvin, ni hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon. Akala ko ay kaya ko siyang mahalin. Nagbabakasali kasi ako na baka pwedeng siya na lang. Ngunit isang pagkakamali na inasahan ko iyon dahil hanggang ngayon ay iisang tao pa rin ang nilalaman ng puso ko. Napahinga ako nang malalim. Mayamaya lang nang mapahinto ako sa paglalakad. Hinayaan ko na lang din na malayo sa akin si Marvin, katulad kung paano ko pakawalan ang papausbong ko sanang pagmamahal sa kaniya. Gusto kong magkaroon ng peace of mind; ayokong magaya kay Cheryl. Hindi yata napansin ni Marvin ang presensya ko kung kaya ay dere-deretso lang siyang naglalakad hanggang sa unti-unti na siyang nawawala sa paningin ko. Kasunod nito ay ang pagtabi sa akin ni Andrew habang pilit ding tinatanaw ang tinitingnan ko. "Gusto mo si Marvin, hindi ba?" takang pagtatanong niya sa nang-aakusa ring himig. Pareho lang kaming nakahinto at nakatayo sa gitna ng hallway. Tila pa kami lang ang tao roon at hindi ko magawang pagtuunan ng pansin ang ibang bagay. Naging kibit din ang balikat ko bilang sagot kay Andrew. "May chance sana na mahalin ko siya, pero ayoko namang maging kontrabida sa buhay niya kung mas pinili niyang pakasalan si Cheryl," wala sa sariling banggit ko. Isa pa, sino ba ako sa buhay ni Marvin para hangarin siya? Kung hindi lang din naman nila ako empleyado ay hindi ko sila makikilala. Kahit man din na magkalapit kami ay malayong-malayo naman ang mundong ginagalawan naming dalawa. Walang-wala ako kumpara kay Cheryl at kung ano man din ang balak at gusto niya, desisyon na niya iyon. Wala akong dapat na maging opinyon kasi hindi naman niya kailangan. So, yeah, moving on is the best thing to do. Tingin ko rin naman ay parang hindi ko pa kayang bigyan ng chance ang sarili na pumasok sa isang relasyon. Higit sampung taon na rin kasi noong huli kong relasyon, kaya parang naninibago pa ako. Unless na lang kung sa kaparehong tao pa rin ako magmamahal. Nilingon ko si Andrew, doon ay naabutan ko ang paninitig niya sa akin dahilan para mabilis na nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Imbes na mag-iwas ay natagpuan kong pareho kaming nagsusukatan ng tingin. "May chance rin sana na magkabalikan tayo kung maaga ka lang dumating, Elsa," pahayag niya sa mababang boses. "Gusto kitang intindihin. Gusto kong tanggapin lahat ng paliwanag mo, pero masyado akong nabulag ng galit ko sa 'yo." Umimpis ang labi ko, kalaunan nang magbaba ako ng tingin. Ilang beses din akong tumango bilang respeto sa sinabi niya bago muling nag-angat ng tingin sa kaniya at saka mapait na napangiti sa kawalan. "Okay lang kung hindi mo ako mapatawad. Mas naiintindihan ko iyong nararamdaman mo. Pasensya na talaga."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD