Chapter 9 "UMUWI ka na." Humakbang ako paatras para isara ang pinto ngunit hinarang niya ito. "Ganito ka ba tumanggap ng bisita? How grateful of you, my lady. Pagkatapos mo akong p*****n ng tawag kagabi at hindi pinatulog, palalayasin mo ako ngayon?" panunumbat niya. Bagama't mahinahon ang kanyang boses ay nakakunot naman ang kanyang noo. "Ngayon kasalanan ko pa kung hindi ka nakatulog? Hawak ko ba ang mga mata mo? Umalis ka na. Sinisira mo ang umaga ako." Bumuwelo ako at buong lakas siyang itinulak. Hindi niya yata napaghandaan iyon kaya't bumulagta siya sa sahig. "The fu—s**t!" Nakita ko ang pagdaing niya at napahimas pa sa kanyang balakang. Napangiwi ako at agad na tinalaban ng konsensya. Anong ginawa ko? "S—sorry. H—hindi ko sinasadya. Ikaw kasi." Nakagat ko ang ibabang labi