Chapter 14 MALALAMAN mo lang talaga ang halaga ng isang tao kapag sumuko na siyang lumaban para sa 'yo. Tila sinampal ako ng katotohanang iyon. Sid fought a hard fight. Malas nga lang niya dahil isang tanga ang ipinaglaban niya. I can't blame him if he's intentionally avoiding me. Lahat ng mga sinabi ko noon sa kanya ay parang mga panang tumalbok at bumalik sa 'kin. Tila dinudurog ako nang pinung-pino. Ganito pala ang pakiramdam nang binabalewala ka ng taong mahalaga sa 'yo. Nakakangilo sa puso. Iyong pakiramdam na gusto ko siyang takbuhin at yakapin pero hindi ko magawa. Naduduwag ako dahil wala akong karapatan. Isa pa, ako mismo ang humiling sa kanya noon na lumayo. I just can't take everything back in a snap. I was hit by his cold stares badly. Malamig ang kanyang mga mata ngunit par