Chapter 2

2475 Words
Cinderella's POV "Cinderella!" Pasigaw na tawag sakin ni bruhilda—este ni Miss Alexandrea. Kakatapos ko palang sa pagluluto ng umagahan at eto naman ako ngayon at tumatakbo papunta sa kwarto ni Andrea. Pagkapasok ko sa loob ay ang nagkalat na mga damit ang nakita ko. Si Alexandrea ay nakatalikod sakin at sa cabinet niya siya nakaharap, tumitilapon ang mga damit niya at tila may hinahanap. Siya kaya itapon ko? "Ano po iyon Miss Alexandrea?" Medyo may pagkasarkasmohan na tanong ko. Ang panget niya, hindi bagay ang Pangalan niya sakanya. Ewan ko kung saan nagmana ang babaeng toh, may istura naman si Madame Auring—este Aurora, doon nga nagmana si Sir Alexandrei. Siguro panget ang tatay nila at doon nagmana si Andrea. Hinarap ako ni Alexandrea na galit na galit ang mukha—lalo siyang pumanget. Para siyang handang pumatay ng tao dahil sa nakayukom niyang kamao at sa kilay niyang halos wala ng pagitan. "Where is my uniform?!" Halos mamula na ang mukha niya, para siyang bulok na kamatis. Kaya pala nagkalat ang mga damit niya, hinahanap pala ang uniporme. Mamaya ko nalang siguro toh lilinisin. Lumapit ako sa kanya pero dumiretso ako sa cabinet niya. Sinara ko yun para makita niya ang uniform niyang nakasabit sa handle ng cabinet. Panget na nga bulag pa. Inabot ko sakanya yun pero akala ko hindi na siya magagalit. Mas lalo siyang nagalit! "Ba't diyan mo nilagay?!" Sigaw niya. Nakita ko sa pinto ang nakasilip na si Drei, mukha siyang chismosong bakla dahil mata lang ang nakasilip, kung hindi lang makapal ang buhok niya siguro hindi ko siya makikita. "Para po makita mo agad" simpleng sagot ko, halatang nainis siya sa sagot kong yon pero lumambot naman ang itsura niya nang marinig nanaman namin ang mahiwagang tunog ng takong ni Madame. "What stupid quarrel is this?" Sabi ni Madame ng may accent ulit. Sino nanaman nagpapasok ng baboy na may accent dito sa bahay? "Mommy!" Lumapit siya sa nanay niya at parang lintang kumapit sa braso nito, umaarte pa siyang parang naiiyak at tinuturo pa ako. Putulin ko daliri mo gusto mo? Bored siyang tiningnan ni Madame Auring pero nang sakin bumaling si Madame ay ang mataray niyang mata ang ginamit. "Explain Cinderella" Gusto kong hampasin ng upuan si Alexandrea dahil mapapagalitan nanaman ako ni Madame eh, upuan lang kasi di ko mabubuhat ang cabinet. Ang arte-arte talaga ng bruhildang toh, ni hindi ko nga siya hinawakan. "Si An—Miss Alexandrea po kasi hinahanap yung uniform niya. Pero hindi niya po nakita agad kaya nagalit siya, eh nakasabit lang naman sa cabinet" tumigil muna ako para huminga ng konti. Nakakakaba. Galit kong tiningnan si Andrea, hindi ko napigilan ang sarili kong mapagsalitaan siya. "Ba't di mo nalang hinanap? Nanlalabo na siguro mata mo—" "ENOUGH!" buong lakas na sigaw ni Madame na alam kong rinig sa buong bahay. Parehas kaming tatlo nina Sir Drei, Andrea at ako na napatakip sa tenga namin dahil sa lakas ng sigaw. Parang nagka-lindol. "One more time Cinderella. One more time that you say those filty words to my daughter, you will find yourself sleeping outside!" Galit niyang sigaw sakin bago lumakad paalis at padabog na sinara ang pinto. Sana di magalit ang pinto. Hindi ko na namalayan ang sariling napahawak sa dibdib at tila ginulat ng multo. Mukha kasing multo ang mag-ina. Si Alexandrea naman ay parang nagulat din pero may gana pang mang-asar, nakalabas ang dila niya at ang daliri ay pumoporma ng L. Loser.. Hilahin ko kaya dila neto at nang hindi maka-dada. Bago ko pa man mahila ang dila ng bruha ay bumukas nanaman ang pinto pero ngayon ay si Drei naman ang pumasok. Seryosong seryoso ang itsura siya tulad ng nanay niya. "Enough, mala-late na tayo" may diin niyang saad bago isara ang pinto. Umirap lang si Alexandrea pagkasara ng pinto, lumabas sana eyeballs niya. "Hear that loser? No one likes you here, walang papanig sayo. Katulong ka lang dito at hinding hindi ka namin ituturing na pamilya. Intiendes?!" Mataray niyang sabi bago lumakad palapit at hablutin ang uniform at lumabas na din. Naiwan akong mag-isa sa kwarto ni Miss Alexandrea, feel kong umiyak pero parang sawa na din ako. Oo na. Paulit-ulit? Sawa na akong marinig yan. Alam kong hindi nila ako ituturing na pamilya dahil hindi ko naman sila kadugo. Ni 0.01% hindi match and DNA. Katulong lang talaga ako dito. Kahit na anak ako ni Papa. Noong namatay ang Mama ko ay nagpakasal si Papa kay Madame Aurora, nang lumipat si Madame samin ay kasama na niya sila Drei at Andrea, mas matanda sila sakin kaya ginagalang ko sila noon. Mabait naman si Madame sakin noon, naglalaro din kami nung dalawa na parang magkapatid kami. Pero lahat ng bait nila naglaho nang mabalitaan kong namatay sa car accident si Papa. Simula noon si Madame na ang nag-manage ng lahat ng business ni Papa, sakanya na din lahat ng kayamanan niya. Walang natira sakin. Mas masahol pa sa pagiging katulong ang dinanas ko, parang naging alipin na ako. "Ano ba yan self, sanay ka na diba? Ba't naiyak ka?" Tanong ko sa sarili, hinayaan kong tumulo yung luha ko na tig-isa isa nalang. Out of stock na. Kahit pa punasan ko yan, walang mangyayari, hindi naman mawawala yung sakit. Kaya hayaan nalang. "Cinderella! Bumaba ka na! Mala-late na kami!" Sigaw ni Sir Alexandrei siguro mula sa baba. Isang luha nalang at lalarga na ako. Agad naman tumulo ang luhang yun kaya patakbo kong tinungo at hagdan. Pagkababa ko ay nandoon silang tatlo at naka-pandekwatrong naka-upo sa sofa. Missing-in-action ang bag ko na alam kong nilagay ko lang sa sofa. Naglinga-linga ako sa paligid para makita at ayun yung bag ko naka-baliktad malapit sa tv. Kawawang bag, nadadamay sa pagiging alipin ko. Mukhang nahalata naman nila ang pagtingin ko sa bag ko ng may lungkot. Pano ba naman? Yung inosenteng bag dinamay. "Anything that is yours doesn't deserve to be put here, people sit here not that bag of yours" panibagong ikot ng mata ang natanggap ko mula kay Andrea. Malungkot na yumuko nalang ako bago pulutin ang bag ko at binuksan ang pinto. Hindi muna ako lumabas dahil kailangang mauna ang mga boss. Nang makalabas na ang dalawa ay akmang lalabas na din ako pero pinigilan ako ni Madame sa pamamagitan ng paghila sa buhok ko. A-aray!!! Masakit Madame! Hindi ko nagawang ilabas sa bibig ko ang gusto kong sabihin, bawal yun. Madaming rules sakin si Madame na dapat kong sundin kung ayaw kong lumayas. "What is it Madame?" Inosenteng kong tanong, nakayuko lang ako dahil ayaw kong ipakita ang mukha kong maiyak-iyak na. Isa pa yong bawal. "Behave" simpleng utos niya, tumango ako at tumalikod naman siya. Umalis na siya at signal na yun na dapat umalis na din ako. Habang naglalakad palabas ay napahawak ako sa buhok ko, madalas gawin yun ni Madame kapag may iuutos o ihahabilin siya sakin. Minsan lang din magsalita si Madame, pero kapag nagsalita yan parang maiiyak na ako na ewan. Basta nakakatakot. Minsan feel kong tumakas lang sa mental tong si Madame. Pagkalapit sa kotse ay agad akong pumasok sa driver's seat. Oo, ako ang nagda-drive sakanila, dise-siyete pa nga lang ako eh. Non natakot ako na baka mahuli ako, pero may utak pala tong si Madame, napeke niya ang mga dokumento. Kaya ayun, tinuruan lang ako ng pagmamaneho then done charan! Driver na ako ng magkapatid. Ako nalang daw para masiguro ni Madame Auring na safe ang anak niya. Kung alam lang niyang trip ko minsan ibangga ang kotse. Pinilit ako ni Madame na mag-aral araw gabi para maging scholar ako sa school nila Miss Andrea. Ewan ko ba kay Madame kung bakit ayaw niyang mag-hire nalang ng driver. Soooooo cheeeeaaaap. Kahiya naman sakanila. Mayaman sila pero walang driver, ako pa ang napagdiskitahan. Sinimulan ko ng paandarin ang makina at nag-drive na, baka kasi dumada nanaman si Alexandrea. Habang nasa byahe ay tahimik lang na nanonood sa lumalampas na mga bahay at puno si Sir, si Miss naman ay panay tawa habang nakaharap sa cellphone niya, parang may ka-text siya dahil nagpipipindot din siya. Sabi ng instinct ko may jowa na si Andrea. Hindi ko na sila pinansin, itinuon ko nalang ang paningin sa pagda-drive. Tiningnan ko ang oras na halos ikasigaw ko na. 7:43! Binilisan ko pa ang takbo pero nag-ingat ingat din. Kapag may nabangga kami at nagalusan ang kotse baka ako ang galusan ni Madame. Malapit lapit na kami sa school kaya binagalan ko, pumasok kami sa parking lot na mga tent lang. Tinigil ko na ang makina ng kotse at kinuha ang bag ko sa katabing upuan at sinukbit sa likod ko. Lumabas na ako para pagbuksan naman sila. Unang lumabas si Sir Drei, nakasalamin nanaman siya at ang kapal ng buhok niya na nakasuklay pataas. Typical nerd. Si Miss Alexandrea naman ang sumunod pero nakatutok parin ang mata niya sa cellphone na hawak, siya naman ay mukhang malanding bruhilda na panget na tipaklong tapos feelingera pa si gurl. Sa isip ko lang naman siya nilalait. May pangiti-ngiti pa siya, masyadong halata na kinikilig siya eh. Sarap isumbong, pero baka sumuporta lang si Madame sa jowabells neto. Sinara ko na ang pinto at sinundan si Drei para maabutan siya. Nang mapansin niya ako sa likod niya ay siya na ang kusang lumingon at lumapit sakin. Pansin ko lang, masyadong ma-effort si Sir these days, yiee, tigilan mo ang isip mo Cinderella dahil magiging bruhilda ka rin. "What?" Pasinghal niyang tanong, napangiwi naman ako dahil sa inakto niya. Sunod siya sa yapak ng kapatid niyang maarte! Tumigil ako sa harap niya at kinuha ang kamay niya. Shems, yung kamay niya grabe! Parang.. parang.. Parang humawak ako ng bato sa tigas! Ang kapal ng kalyo! Singkapal ng mukha ng palakang feelingera! Ngumiwi ulit ako dahil sa kamay niya, ganito ba kapag laging may hawak na bola?! Todo laro toh pag nasa bahay lang, pero hindi naman siya kasali sa mga naglalaro, may pagka-feelingero din kasi. Di ko na pinatagal ang pagkakahawak ko sa kamay niya, nilapag ko nalang ang susi sa palad at pilit na pinahawakan yun. "Ikaw na magtago" sa halip na tumango ay inirapan pa ako ni Sir. Sarap SIRain ng mukha niya. Nagpauna na akong maglakad at kumaway sa school guard, ngumiti naman siya at kumaway pabalik. "Gud morning miss byutipul" hirap sa page-english na bati ni kuya. Siya lang kaibigan ko dito, palibhasa mga rich kid ang nagaaral dito. "Kumain ka na kuya?" Umiling si Kuya Robert, hinawakan niya ang tiyan niya at ngumiti. Ngiting nagsasabi na 'ok lang ako'. Naaawa din ako kay kuya, siya lang ang tanging guard, tapos ang duty niya ay 3:00 a.m. to 11:00 p.m. Kung pwede lang ihagis sa kalawakan ang mga gumawa ng schedule niya, edi ginawa ko na. Kinuha ko mula sa bag ko ang baunan ko at nakangiting binigay yun sakanya. Taka niya itong tiningnan pero pilit kong inabot yun, tinanggap naman niya. Kahit magutom ako, basta makakain si kuya, ok lang. Pinasok muna niya sa shoulder bag niya ang baunan bago yakapin ako ng mahigpit. Alam kong na-touch siya sa kabaitan ko. Mabait ako eh! Brutal ng lang mag-isip. Pinapasok na niya ako dahil baka ma-late ako. Terror pa naman ang teacher sa first subject. Si Miss Ines, sengkwenta na dalaga parin. Hindi pwedeng mapagalitan ako ni Miss Ines, scholar lang ako dito kaya dapat mabait ako at hindi dapat ma-late. Mabibilis ang mga hakbang na naglalakad ako papuntang room ko. Napadaan pa ako sa canteen kung saan nandon si Miss Alexandrea na nakikipag-chika sa mga kaibigan niya. Dumaan din ako sa library kung nasaan laging tumatambay si Sir Alexandrei, mag-isa lang siya doon at nagbabasa. Sa kalagitnaan ng paglalakad ay naalala kong hindi pala ako dumadaan sa library kapag papasok sa room, lumampas na ako! Mabilis parin akong naglakad pabalik sa dinadaanan ko papuntang room. Bawal tumakbo dito, ti-ticketan ka ng SSG officers na lumilibot sa school, at kapag sampu na ang ticket mo ay deretso guidance office ka. Ang sosyal talaga. Nakarating na ako sa harap ng classroom, sliding glass ang bintana kaya makikita ang mga students sa loob, sumilip muna ako doon dahil baka nandito na pala si Miss Ines. Nang masigurong wala pa siya ay punihit ko na pabukas ang pinto. Bumungad sakin ang mga students na nag-iingay, may nagchi-chikahan, may mga naglalandian, may mga natutulog, may mga nakaharap sa cellphone at ang iba ay nakatunganga lang. Dere-deretso akong laglakad hanggang sa likod, doon kasi ang upuan ko. As always ay walang nakakapansin sakin, nobody lang naman ako. Pagka-upo ko palang ay biglang tumigil sa ginagawa ang lahat at pare-parehas kaming napatingin sa speaker na nakasabit sa kisame. "Students of Royal Academy, please proceed to the oval." Saad ng babae, si Mrs. Cathrina siguro yun. Siya yung secretary ni Mrs. Johnson, yung principal namin. Nagsitayuan ang lahat ng kaklase ko pati ako. Gumawa kami ng linya bago lumabas at tumungo sa oval. Yung oval ay open space sa likod ng school, doon minsan tumatambay ang mga students, minsan doon ginaganap ang mga malalaking events na kailangan lahat ng students pumunta, parang ngayon. Hindi ako informed na may event ngayon. Meron nga ba? Pagkadating ng class namin doon ay marami na ding students doon na nakapila by class and gender. Sa kaliwa ang babae at sa kanan ang babae. Tumabi kami sa class na tinuro samin ni Miss Ines. Oh! Andito pala ang Ines. Inayos namin ang linya at tinutok ang atensyon sa may mini stage. "Good morning students" bati ng principal. Bumati din kami at agad na tumahimik. Kahit ang butiki ay walang maririnig sa sobrang tahimik. Si Mrs. Johnson lang dumadaldal sa harap, syempre dapat attentive ang scholar na toh, kaya kahit ang boring ay nakikinig ako. Malay natin mamigay ng libreng kotse. "So students. Kaya pinapunta ko kayo dito—" "Mrs. Johnson, please. Just please, introduce me already. It's so hot here" isang lalaki na nakasuot ng uniform ng Royal Academy ang umakyat sa stage habang pinapaypayan ang sarili. Di ko feel ang init, pero nang dumating ka daig ko pa ang ice cream na naging juice. Mas hot pa sya sa sun! Halos lahat ng students na babae at mga feeling babae ay pabulong na tumitili! Pati ako napangiti, parang gustong lumupasay ng kaluluwa ko. Shet! Ang gwapo! Gusto kong sumigaw at tumili. For the first time in my life ngayon lang ako kinilig ng ganito, wala pa siyang ginagawa niyan ah! Pero bawal. Kailangan sumunod ako sa rules. Lagi naman eh, di ko magawang sumuway. Rules are rules.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD