Cinderella's POV
"Hoy! Gumising ka na! Nagugutom na kami!" Sigaw ng isang tinig lalaki habang niyuyugyog ako.
Si sir Alexandrei.
Gumulong lang ako palayo sakanya, pero sana di ko nalang ginawa dahil nasa dulo na pala ako ng kama kaya nahulog ako.
Sosyal noh? Katulong may kama.
Rinig ko ang malakas na pagtawa ni sir Drei.
Sige lang sir tumawa ka lang.
"Aray" mahina kong daing bago tumayo. Pinagpagan ko ang sarili dahil sa alikabok.
Hulaan niyo san ako natutulog?
Edi sa pesteng maduming garahe nila.
Tumatawa parin si sir Drei at nakaturo pa sakin ang hintuturo. Inis ko naman siyang tiningnan dahil hindi naman siya nakatingin. Kapag kasi tumingin ako sa kanila ng naiinis ay magsusumbong sila kay Madame Auring-este Aurora.
"Yan! Ayaw mo kasing gumising eh!" Natatawa paring saad niya. Ginulo pa niya ang higaan ko at tinapon ang unan ko sa kung saan. Pagkatapos ay tumawa nanaman siya na parang baliw.
Nasisiyahan talaga siya sa pang-aasar sakin.
"Magluto ka na! Gutom na kami!" Sigaw niya sakin kaya tumango nalang ako.
"Pahirap pa sa panggigising eh" mahina niyang sambit bago tumalikod at umalis. Nang masiguro kong naka-alis na nga siya at tsaka ako mag-make face at ginaya ang sinabi niya.
Salamat sa effort mong pumunta dito para gisingin ako ah.
Pwede naman silang maglagay ng speaker sa kwarto ko-which is yung garahe-tapos connected yung alarm ko doon, tapos todo ang volume para magising ko agad.
Salamat talaga sa effort mo sir.
Kung hindi lang ako nakikitira dito malamang binugbog ko na tong mga hunghang na toh.
Dapat nga ako namumuno dito eh, kasi ako ang anak ni Papa, kaso namatay siya kaya inalipin ako ng mga hinayupak na toh.
Mabilis kong inanyos ang kama ko, pati yung unan ko hinanap ko, kaso di ko makita kaya hinayaan ko nalang, wala naman daga dito.
"Hey Yaya! Where's the food na ba?!" Rinig ko ang maarteng sigaw ni Miss Alexandrea mula sa labas ng garahe.
Isa pa toh. Panget na nga pangit pa ugali. Edi siya na panget! Mas maganda kaya ako sakanya.
"Saglit lang miss!" Sigaw kong saad sakanya bago tumakbo palabas. Nakasalubong ko pa si Sir Drei na hawak-hawak ang bola at mukhang maglalaro pa lang ng basketball.
"Kumain ka na sir?" Takang tanong ko sakanya. Maglalaro siya ng walang laman ang tyan? Baka mapano siya.
Wag kang ma-issue, nag-aalala ako na baka ako sisihin ni Madame Aurora.
May istura naman si Sir Drei, buti hindi sila identical ng twin sister niyang panis ang beauty. Pero hindi ko crush si Drei ah!
"Mmm.... Medyo?"
Anong medyo? May kumain ba na medyo? Ano yun tumikim lang?
Napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya. Kalorkey minsan tong si Drei, hindi ma-gets.
"Kumain muna ako tinapay kasi di ka pa nagluluto. Now that I remember it. Go to the kitchen and cook!" Pasigaw niyang utos. Nabigla ako pero sumunod parin ako at nagmamadaling tumakbo papunta sa loob.
Nang makarating ako sa kusina ay sinuot ko agad ang apron at hairnet ko. Kapag kasi wala akong suot na ganito mag-iinarte si Alexandrea, kala mo reyna kung maka-arte.
Binilisan ko ang pagluluto dahil putak nanaman ng putak ang bunganga ni Miss Alexandrea, nakakairita ng sobra.
"Why are you so slow?!" Putak-este maarteng reklamo niya sakin. Mas binilisan ko pa ang pagluluto dahil nakakainis ang bawat salitang lumalabas sa bunganga niya. Tinodo ko pa nga ang apoy para mabilis ang pagluluto, kahit masunog ok lang.
Bawat galaw ni Andrea may halong arte, pati tono ng pananalita niya pang-maarte.
Bigyan ng Oscar award yan!
Hinain ko na sa isang plato ang mga kakainin ni Miss, gusto ko sana isalpak sa maingay na bibig ni Andrea yung mga bagong luto-na mainit pa para hindi makapagsalita kahit isang linggo lang. Ingay kasi.
Habang nagse-serve ng mga kakainin ni Andrea maarteng bungangera, may nadinig kaming tunog ng takong na naglalakad pababa. Parehas kaming natahimik ni Miss Alexandrea at napatingin sa taas ng hagdan kung saan galing ang tunog.
Yan na! Grand entrance na!
Ang taray talaga ng grand entrance ni Madame Aurora, mala-red carpet. Tinalo ang mga bilyonaryong naglalakad sa party.
"Cinderella? Cinderella!" May kung anong pumitik sa mismong mukha ko, napaigtad naman ako sa gulat pero agad ding umayos ng tayo nang mapagtanto na nasa harapan ko na si Madame Aurora.
Tunganga pa more.
"Y-yes Madame?" Nauutal kong tanong, nakita ko sa peripheral vision ko si Alexandria na humahagikhik.
Sosyal tayo sa part ng peripheral vision.
"Where is my son?" Tanong niya sa tono ng may accent. Yung accent ni Peppa pig, sanaol may accent. Yung alam ko lang kasi ay wotah.
Katunog ng p*tah
"Sinong son Madame?" Tanong ko pa. Gusto ko sanang sampalin si miss-este ang sarili ko dahil sa walang kwenta kong tanong.
Sino pa ba ang lalaking anak ni Madame? Maliban sa mukhang lalaki si Andrea eh hindi naman lalaki yan, si Alexandrei lang naman ang lalaki niyang anak.
Tanga!
Napataas ang isang kilay ni Madame, sobrang taas to the highest point na nasa dingding. Dejoke lang.
"So stupid" mahinang sambit ni Alexandrea, syempre may halong arte yan. Gusto ko na sanang pumulot ng hotdog at isungalngal sa bunganga niya at matahimik, kaso nandito si Madame, baka patalsikin ako sa bahay na toh.
"Call Alexandrei, tell him breakfast is ready" sambit niya ulit ng may accent. Tumango muna ako bago maglakad palabas para tawagin si Sir Drei.
Pag talaga may accent si Madame magsalita, parang kamag-anak niya yung pink na baboy na nagngangalang Peppa pig.
Natanaw ko si Drei na mag-isang naglalaro ng basketball. Malamang, matakot ka na Cinderella pag yan may kalaro, may multo!
Naninindig talaga balahibo ko kapag multo ang usapan, basta nakakatakot! Buti nalang at walang multo sa garahe!
Kinaway ko ang kamay ko para makita niya ako, busy kasi sa kaka-shoot, tsaka nakatalikod siya sakin.
Matagal bago siya lumingon sakin pero buti nalang at nagdribble siya at saktong pag-talikod niya ay nakita niya ko.
Inipit niya sa bewang at kamay niya ang bola niya habang lumalapit. Naglakad siya na akala mo model ng sapatos.
Angas natin ah! Dagdag pa yung pawis niya haha!
Malapit na siya sa kinatatayuan ko pero hindi parin siya tumitigil sa paglalakad, nakatingin lang siya sakin na nagpadagdag sa akala ko.
Mas lalong lumapit siya sakin na halos dumikit ang mga balat namin, hindi ako agad nakagalaw sa pwesto ko dahil sa kaba.
Pero dahil feelingera lang pala ako.
Hindi pala ako ang lalapitan niya, kundi yung upuan sa tabi ko, hindi pala siya nakatingin sakin kundi don.
May kinuha siya doon na puting tela-panyo.
Kala ko kung ano na, feeling ko tuloy nasa kdrama ako. Yun pala feeling lang!
"Oh? Anong problema mo?" Masungit niyang tanong sakin habang nagpupunas ng noo. Dahil sa pagpupunas niya ay nakikita ko ang kili-kili niya, na sobrang puti at walang kabuhok-buhok! Nahiya yung maitim kong kili-kili grabe!
"Pinapatawag ka ni Madame Aurora, breakfast is ready na daw" nakayuko kong sabi. Ewan kung bakit ako nahihiya.
Sa kdrama effect or sa maputing kili-kili?
Sa maputing kili-kili. Ako tong babae pero sakin tong mabuhok at maitim na kili-kili eh.
Kili-killers ang tawag dun.
"Tss" ewan kung bakit masungit toh lagi, dinaig pa ako kung meron. Parang siya yung nakasalo sa pinaulan na kasungitan eh.
Nilampasan niya ako pero bago siya maka-layo ay narinig ko ang bulong niya.
"Paasa"
Ay wow! Nahiya ako! Paasa na ngayon yung sinabihan mong kumain ka na?! Yung breakfast is ready paasa na yun!
Natampal ko nalang ang sariling noo dahil sa hiya, grabe nahiya talaga ako.
Tahimik akong sumunod sakanya papasok. Nang makapasok kami ay bunganga agad ni Andrea ang narinig ko.
"Yaya! More hotdogs please!" Bungad niya sakin nang makapunta ako sa lamesa. Hindi ba ako sumagot pa at kumuha nalang ng hotdog sa kawali na hindi ko nilagay sa plato. Dinala ko yun sa lamesa at nilapit kay Miss Alexandrea.
"Alexandrea, her name is Cinderella" suway sakanya ni Madame Aurora pero inirapan lang siya ni Andrea bruha. Napakabastos talaga ng babaitang ito sa nanay niya. Buti pa si Madame, may kabaitan din minsan.
"Cinderella, kumain ka na" baling sakin ni Madame na may halong inis, malamang dahil inirapan lang siya ng anak niya. Kung pwede nga lang tusukin mata ni Alexandrea ginawa ko na, pero baka magalit lang si Madame.
Gusto ko sana i-try yung linyahan ni Sir Drei kanina na paasa, kaso nakita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin siya sakin, kaya di ko nalang ginawa.
Umupo nalang ako sa bakanteng upuan na kaharap ni Sir Alexandrei. Hindi na siya nakatingin sakin kundi sa pagkain nalang niya. Sunod sunod pati ang pagsubo niya na akala mo mala-late na. Eh Sabado ngayon.
Baka feeling mo lang ulit yun kanina.
Tumingin ako sa likod ko dahil baka nasa likod ko lang yung tinititigan niya. Pero wala naman dapat tingnan doon dahil walang kahit anong gamit doon maliban sa-
Tangina! Yung lumang painting ng kanunu-nunuan nila!
Biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko, parang may nagkaroon ng electric fan sa mismong mukha ko dahil sa lamig.
Tanga yung aircon yun.
Tapos parang may ingay.
Yung kutsara yun.
Tapos nakakatakot.
Napaka tanga, baka kamo nandito si Madame.
Ano ba tong utak na toh? Nakikipagdebate sakin, dapat ko na bang palitan?
Ikaw yung dapat palitan bobo.
"Cinderella? Kumain ka na" utos ni Madame na nakapag-balik sakin sa huwisyo. Tumango naman ako bilang sagot at nagsimula ng kumuha ng kanin at ulam.
Walang masyadong ganap habang kumakain kami, maliban na lang sa mala-machine g*n na bibig ni Andrea na walang tigil kaka-daldal. Pati si Madame halatang naiirita na sa bunganga ng anak niya. Si Sir Alexandrei naman parang wala lang sakanya ang ingay ng kapatid.
Nangangalahati pa lang ako ng kinakain nang biglang tumayo si Drei at hinayaan ang pinagkainan.
"I'm full" saad niya bago umalis.
Malamang busog ka, inubos mo nga yung kanin eh.
Nagkibit balikat nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain.
Natapos ng kumain si bruhilda dahil diet daw siya ngayon. May diet bang dalawang plato ng kanin ang nakain?
Nasa lababo na ako at naghuhugas. Pakanta-kanta pa ako habang binabanlawan ang mga hinugasan ko, may halong sayaw pa nga eh.
"This girl is on fire~" kanta ko na halos ika-piyok ko pa. May patingala effect pa na kunwaring may concert ako. Pagkatapos kong kumanta ay nag-bow pa ako na akala mo meron talaga akong fans na pumunta sa concert ko.
Kakapatay ko palang ng gripo nang nay magbaba ng baso sa gilid ko.
Naknang! Kakatapos ko palang maghugas eh! Dapat kanina pa yan at naisabay sa paghuhugas!
Nilingon ko yung punyemas na nagpapainit ng ulo ko. Pagkalingon ko ay mukha agad ni Sir Alexandrei ang bumungad sakin, sa sobrang lapit muntikan ko nang mahalikan ang pisngi niya.
Nagkatitigan naman kami ng ilang segundo pero nahihiyang iniwas niya iyon nang mapagtanto ang pwesto namin ngayon. Nasa likod ko kasi siya.
Pansin ko ang pamumula ng mukha niya habang nakatingin siya doon sa painting na hindi kalayuan. Maliit ang mata ko habang nakatingin sakanya, pinagmamasdan ko siya at iniisip kung ano bang mali sakanya.
Humarap ako sakanya na seryoso ang mukha. Napansin naman niya yun kaya humarap din siya sa gawi ko.
It's time to know the truth!
"Sir Alexandrei" tawag ko sakanya kahit alam kong nakaharap naman siya sakin. Tumaas ang isang kilay niya pero hindi maitatago ang namumuong pawis sa noo niya.
Pawis? Naglaro ba siya?
"B-bakit?" Nauutal niyang tanong, halatang pinipilit lang niya na pagalitan ang tono.
"May dapat ka bang sabihin sakin?" Seryoso ko paring saad. Nagtaka ako sa inasta niya. Malikot kasi ang mata niya, parang may sakit sa mata-pero isa kang ang sigurado ako. May tinatago siya.
Huli ka palaka.
"Umamin ka nga sir" lumakad ako ng tatlong hakbang, sapat na para lumapit sakanya. Hindi siya umalis sa pwesto niya pero panay ang lunok niya.
"Anong d-dapat kong aminin?" Bakas ang kaba sa mukha niya. Tagatak nadin ang pawis niya na di ko alam kung saan galing.
Lumapit pa ako ng isang hakbang dahilan para lumayo siya ng konti, pero nang humakbang siya ay aksidente niyang natapakan ang buntot ni Denise-yung demonyong pusa. Tinignan ko ng masama yung pusa ni Madame na gusto ko ng ipahabol sa aso.
Hindi yun nakita ni Drei dahil nasa harap lang ang tingin niya, inalis naman niya agad ang paa nang marinig ang matinis na hiyaw ng pusa pero kasabay nun ay ang paglapit niya pa sakin.
Kdrama effect lang?!
Lumayo naman ako dahil baka kapag makita kami ng babaita ay baka gumawa ng issue yun, buti nalang at busy sila sa taas.
"Sir" tawag ko ulit ng pansin sakanya. Hindi niya ako nilingon pero nagpatuloy nalang ako ng pagsasalita.
"May third eye ka noh?" Seryoso kong tanong sakanya.
Pero sana di ko nalang ginawa.
Matinde talaga ang gag*ng toh. Aba! Wala naman akong sinabeng masama pero pinaglinis ako ng hagdan! At kung mamalasin ay kuwarenta ang palapag ng hagdan! Pang-mayaman talaga!
Pang-fairy tale ang pangalan ko. Cinderella Frost. Ewan sa nanay ko.
Pero sana.
Sana pang-fairy tale din ang buhay ko. Tulad ni Cinderella.