Nakita kong kabado ang lalaking driver. Dahil napansin ko agad ang kamay nitong nanginginig din. “Napag-utusan lang kami, Ms,” kadabong sabi nito. “Sino?!” mariing tanong ko. “Si H-hepe. Kailangan ko lang ng pera para sa aking anak kaya, sinunggaban ko agad ang offer nito. Maawa ka sa akin. H-Huwag mo akong papatayin.” Hindi ako nagsalita. Ngunit kinuha ko ang aking cellphone. Upang magpadala ng mensahe kay Bob. Para ipakuha rito ang motor niya sa lugar na pinag-iwana ko. Hanggang sa itago ko ulit ang aking cellphone. At bumaling sa driver. “Kung wala kang gagawin na ikakabigla ko. Nakakatiyak akong mabubuhay ka. Huwag mo lang akong gugulatin, dahil may paglalagay ka sa akin!” “Sa-Salamat po, Ms. Pangako, ihahatid kita ng maayos sa lumang building na kung saan naroroon si Hepe. Sa