OLIVIA PAULINE PUMASOK kami sa isang conference hall ng Casa Esperanza. Walang katao-tao sa lugar at kahit na ganito ay makikita pa rin na maintained ang mga amenities and other facilities nito. Hawak ni Tyler ang kamay ko habang papasok kami sa lugar. Malaki ang conference hall na ito na sa palagay ko ay madalas ding pinagdadausan ng kanilang mga pagsasalu-salo o kaya naman ay mga importanteng events. Now is different. Mahalaga ito kung tutuusin ngunit kaming dalawa lamang ang nandito ni Tyler. "Sinong magkakasal sa atin?" I asked in curiosity. "Just wait okay? Ikakasal ka rin sa akin, huwag kang excited," mayroong kaunting kapilyuhan sa gilid ng kanyang labi nang sabihin niya ito. I remained silent until dumating ang isang lalaki na mayroong hawak na folder. I think I saw him some