OLIVIA PAULINE AFTER the shotgun wedding that we've had, ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Tulala akong nakaupo sa aking kinauupuan sa harap ng mesa. Maraming pagkain ngunit dadalawa lang kami ni Tyler sa hapag-kainan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil sa totoo lang ay hindi ko pa naplano ang mga susunod na hakbang ko. Kasal na ako, pero hindi ako sure kung tama ba iyon, or kung legit ba ang kasal naming dalawa. "Hey, please eat now. Marami pa tayong pupuntahan." Napansin niya ang pagiging tahimik ko kaya't hinawakan niya ang aking kanang kamay. "O-okay." Nauutal kong wika bago ko hawakan ang kubyertos. MATAPOS naming kumain ng pananghalian ay agad na niya akong sinabihan na sumunod sa kanya. Bumalik kami sa kanyang sasakyan at pagkaandar niyon ay umalis na kami