OLIVIA PAULINE "IT'S either mamamatay ka sa bangin na iyan na tadtad ng bala sa katawan o pakakasalan mo ako." Halos hindi ko kumurap nang sabihin niya ito sa akin. Wala akong ibang maisip kundi ang purpose ng pagsabi niya nito. Talaga bang iyong dalawa lang ang options na mayroon ako? Dahil kung oo, ay wala nga talaga akong choice kundi ang magpakasal sa kanya. "Do I have more options?" "No more. So, answer me right now, Olivia," mababa pa rin ang boses niya at nakakatakot ang paraan ng kanyang titig sa akin. Tumikhim ako bago ako suminok. Hindi ko alam kung paano ako gagalaw sa posisyon ko ngayon dahil sa napakalimitado ng gagalawan kong espasyo. Isang maling galaw ay mahuhulog na ako sa matarik na bangin na nasa likuran ko. Takot na takot ako sa maaaring maganap ngayon. Maaari n