OLIVIA PAULINE NAPALUNOK na lang siya nang tingnan niya ang mga labi ko. He has this powerful look na kahit na sino ay matatameme kapag nakita siya. Malakas ang dating niya, lalung lalo na tuwing malapitan. Hindi man siya kaputian ngunit hindi naman iyon ang hadlang para mapansin siya kaagad. Mas naging asset pa nga niya ang natural niyang kulay. His thick eyebrows are fixed, iyon bang parang sinuklay. Bumagay ito sa makapal rin niyang pilik-mata na ngayon ay bumabagay rin sa kanyang mapungay na mga mata. Ang kanyang mga mata ay bilugan at expressive, para bang palaging mayroong sinasabi. Mapula rin ang manipis niyang labi. Mala-Adonis ang lahat sa kanya kaya't masasabi kong perpekto siya sa lahat ng pisikal na aspeto ng buhay. "Tyler, please leave me for a while, kung gusto mong sumam