OLIVIA PAULINE ABUT-ABOT ang kaba ko habang nakatutok sa akin ang baril mula sa kanyang upuan. Hindi ko alam kung paano ako kikilos dahil takot na takot ako sa mga oras na ito. "Umupo ka at huwag na huwag kang gagawa ng kahit na anong ikahahalata nila na ikaw si Olivia. Maliwanag?" Hinawakan niya ang kamay ko at saka ako hinila paupo. Wala akong ibang maisip kundi ang magdasal na sana ay mayroong kaguluhan na maganap upang sa ganoon ay makatakas ako at mawala ako sa kanyang paningin. Naka-itim ang lahat ng tao dito at hindi niya ako kaagad-agad na makikita kapag nawala ako. "Good evening," ito ang panimulang salita ni ninong Joshua sa harapan. Wala siyang kahit na anong maskara at kitang kita ko ang mukha niya. Namimiss ko na ang mga magulang ko at maging siya ay namimiss ko na rin sa