Chapter 6

1647 Words
Gwen's Point of View Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa trabaho dahil marami akong naiwan kahapon na hindi ko natapos. Hindi kasi ako nakapag-concentrate sa pag-proofreading ko dahil sa nangyari.  Palaisipan pa rin sa akin kung sino ba talaga ang nagbigay ng ganoon sa akin. Alam kong naging over acting ako sa aking naging kilos pero ayaw ko lang kasi ang nagaganon, ang nababastos kahit na sa sulat lang niya ako binastos.  Pagpasok ko sa aming department ay napansin ko kaagad ang kumpulan ng aking mga kasamaan sa trabaho. Para bang may pinag-uusapan silang tsismis. Hindi ako nag-aksaya ng oras dahil marami pa akong ihahabol na ipapasa kay Sir Tobias na mga reports. Nang marating ko ang aking table ay agad akong nag-ayos, inihanda ang aking mga gamit at nagsimula nang magtrabaho.   Napatingin pa ako sa mga kasama ko na abala pa rin sa pagkwekwentohan. Napailing na lang ako at nagsimula na sa aking gagawin.  Wala pang isang oras na nakaharap ako sa aking laptop nang biglang may isang taong tumayo sa aking harapan.  Napabuntong hininga ako at walang gana akong tumingin sa kanya.  Nakita ko ang kanyang ngiti. Napataas ao ng aking kilay nang makita kong may hawak siyang kumpol ng pulang rosas. Napasilip ako sa aming mga kasamaan. Nakita ko si Joanna at Erica na kinikilig at ang iba naman ay nakangiti lang.  "Good morning!" nakangiti niyang pagbati sa akin.  "Good morning," balik kong pagbati sa kanya para hindi ako masabihan na suplada.  Iniangat niya ang kumpol ng bulaklak at inilapit sa aking.  "Aanhin ko naman ang mga iyan?" nagtataka kong tanong sa kanya.  "Ilgay mo diyan sa table mo para gumanda naman ang araw mo. Palagi ka na lang kasing seryoso sa buhay, parang hindi ka marunong ngumiti kapag ako ang kaharap mo," sagot niya sa akin.  Napabuntong hininga na lang ako. Kinuha ko ang ibinigay niyang bulaklak. Hindi porke tinanggap ko ang ibinigay niya ay papaasahin ko na siya, ayaw ko lang siyang mapahiya dahil nag-effort pa siyang bumili ng bulaklak.  "Thank you, " sabi ko sa kanya.  Ngumiti at kumilos siya at naglakad papunta sa aking tabi at uupo na sana siya ng muli akong magsalita.  "Pwede ka nang umalis, marami pa akong gagawin," hindi siya natuloy sa pag-upo dahil sa aking sinabi.  Napasimangot naman siya at walang nagawa kundi ang magpunta sa kanyang table.  Napasunod ang aking paningin sa kanya hanggang sa makaupo at magsimula siyang magtrabaho. Ibinaling ko ang aking paningin sa bulaklak na kanyang ibinigay. Naamoy ko ang bango nito kaya napapikit ako.  Palihim akong napangiti. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil sa bango ng bulaklak na ibinigay niya.  Ipinagpatuloy ko ang aking trabaho, Kinilatis ko ng mabuti ang mga pinababasa nila sa akin, mga magazines at mga kwento na kanilang ipapublish sa aming writing platform.  Ayon sa department head namin na si Mr. Tobias, pinalawak na nila ang kompanya para sa ikakaunlad pa ng nito. Nag-iisip sila ng iba pang mga strategies at kung ano ano pa ang ginagawa nila. Ngayon ay gumawa sila ng isang application na pwedeng idownload sa apple app o sa mga andriod. Gamit ang application na ito, malaya silang makakapagsulat ng kanilang gustong isulat gaya na lang ng paggawa ng mga kwento. . Dahil dito, maraming mga baguhan na manunulat ang magkakaroon ng opportunities na maipakita ang kanilang mga talento sa pagsusulat. Ngayon ay naghahap din ang kompanya ng mga part-time editors na kung saan, sila ang naghahanap ng mga taong may angking talento sa pagsusulat. Sila ang nag-iinvite sa mga ito, sila na rin ang tumitingin sa mga ipinapasa ng mga writers bago nila ipasa sa Head Editor.  Ang ginagawa ng mga editors ngayon ay ang pag-invite sa ibang writers sa iba pang mga writing platform ngayon. Kung may makita silang mga nobela ay hihikayatin nila ang mga manunulat para magpasa ng kanilang manuscript at prepresyohan nila ang kanilang serbisyo kapag pumayag sila.  Kung noon traditional na publication hous, ang negosyo sa pag-publish ay limitado lamang sa oras ng pag-print-press, at sa mga taong dalubhasa sa industriya. Nagdagdag  ang mga tradisyunal na publisher sa pamamagitan ng pag-arte bilang isang filter, pagpapabuti ng kalidad, at pagkatapos ay pamamahagi ng mga pisikal na libro sa mga books store.  Ngayon ay iba na. Marami nang mga strategies ang naisip ng mga Publishing house ngayon. Sumusunod din sila sa pag-usbong ng technolohiya.  "Hindi ka pa ba tapos sa trabaho mo?" napatingin ako sa nagsalita, si Joanna kasama niya si Erica.  Napatingin ako sa aking laptop at kakalahati ko pa lang sa aking ginagawa. Nakita ko rin ang oras at nagulat na lang ako na tanghalina na pala! "Hindi pa pero itutuloy ko na lang mamaya, nakakaramdam na kasi ako ng gutom," sabi ko sa kanila.  Tumayo ako sa aking upuan at nag-unat ng katawa. Kalahating-oras rin akong nakaupo at nakatingin sa aking laptop dahil sa aking trabaho. Sanay na naman ako pero hindi pa rin maiwasan na mangawit ang aking katawan.  Sabay kaming tatlo na lumabas ng kompanya para mananghalian. Omorder at kumain.  "Nakakalungkot talaga ang nangyari, namimiss ko na siya sa totoo lang," biglang sambit ni Joanna habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain.  Nagtataka naman akong napatingin sa kanya.  "Kaya nga,eh. Ano kaya ang dahilan kung bakit siya nag resign?" segunda naman ni Erica.  Dahil wala akong idea sa pinag-uusapan nila, hindi ko maiwasan ang mapatanong kung ano sinasabi nila.  "Hindi mo pa ba alam, Gwen?" tanong sa akin ni Joanna.  Napabuntong hininga ako, " Tatanungin ko pa ba kung may alam ako?" balik kong tanong sa kanya.  "Hindi mo ba napansin na wala si Primo sa department natin?" tanong sa akin ni Joanna.  Napaisip ako. Hindi ko nga siya nakita ngayon.  "Hindi, bakit? Absent siya?" nagtataka kong tanong sa kanila.  Nagkatinginan silang dalawa at pagkatapos ay tumingin si Joanna sa akin.  "Ayon sa nabalitaan namin, nagresigned daw siya kahapon pero hindi kami naniniwala kasi mahal ni Primo ang kanyang trabaho sa kompanya. Halos dalawang taon na rin siyang nagtratrabaho dito kaya nakakapagtaka lang," sagot ni Joanna sa akin.  "Baka naman may dahilan si Primo kung bakit siya nagresign. Baka may nag-offer sa kanya na mas malaking oppurtunity sa kanya?" sabi ko na lang sa kanila.  Nagkibit balikat na lang silang dalawa at nagpatuloy na kami sa pagkain.  Nang matapos kaming kumain ay bumalik na kami sa aming trabaho. Pagdating namin dito ay agad kaming naghihiwalay para pumunta sa aming desk.  Nagpahinga na muna ako saglit bago ko ipagpatuloy ang anking trabaho.  Napatingin ako sa desk ni Markus at hindi pa siya dumadating. Nasaan kaya ang mokong na iyon?  Napailing na lang ako. Bakit ko ba hinahanap ang lalaking iyon eh puro abala lang naman ang hatid niya sa akin.  Ipinagpatuloy ko na lang ang aking trabaho.  Ilang oras na rin akong nakababad sa aking laptop pero hindi pa ring nagpapakita si Markus sa akin. Siguro ay may importante lang siyang ginagawa kaya wala siya o inutusan siya ni Mr. Tobias.  Matapos ang aking trabaho, kahit na hindi ko natapos ang ipinapagawa ni Mr. Tobias ay nagdesisyon na akong umuwi nang lapitan ako nina Joanna at Erica.  Sabay kaming tatlo na lumabas ng building at naghiwalay lang nang makasakay sila  ng taxi.  Naiwan naman akong nakatayo sa labas ng building habang naghihintay ng taxi. Nasa ganoong posisyon ako nang biglang may magsalita sa aking likod.  "Ihahatid na kita?" tanong niya sa akin.  Napalingon ako sa kanya at nakita ko si MArkus na nakangiti.  "Huwag na, mag tataxi na lang ako," sabi ko sa kanya.  "Hindi, hintayin mo ako dito at kukunin ko lang ang aking sasakyan," sabi niya sa akin.  Mabilis siyang tumakbo patungo sa parking area. Napailing na lang ako at pinabayaan siya.  Habang nakatayo ako, pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. Napalibot ako ng aking paningin kung mayroon bang nakatingin sa akin pero wala naman. Siguro ay imagination ko lang at dahil na rin sa pagod kaya kung ano ano na ang nararamdaman ko.  Ilang saglit pa ay pumarada ang isang lumang sasakyan sa aking harapan. Bumaba ang salamin nito at dumungaw si Markus mula sa loob.  Binuksan niya ang pinto ng kanyang sasakyan.  "Tara na!" anyaya niya sa akin pero hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan.  "Hindi na, maaabala ka pa sa paghatid mo sa akin," sabi ko na lang sa kanya.  "Hindi. Tara na! Kung ayaw mo ay magtatampo ako sa iyo!" sabi niya sa akin.  Ano naman ang pakialam ko kung magtatampo siya sa akin? Wala naman hindi ba? "Huwag na talaga, Markus. Baka may pupuntahan ka pa," sabi ko sa kanya.  Napasimangot siya dahil sa aking sinabi. Isinara niya ang pinto ng kanyang sasakyan. Napabuntong hininga na lang ako dahil tumigil din siya.  Ilang sandali pa, lumabas siya ng kanyang sasakyan at lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang aking kamay at hinila papasok sa kanyang sasakyan.  Tumanggi ako sa kanya pero wala din akong nagawa. Ewan ko ba, kaya ko naman sana siyang tanggihan pero nagpaagos ako sa kanyang gusto.  Nang magsimulang umandar ang kanyang sasakyan ay namahani ang katahimikan sa aming dalawa. Walang nagsasalita sa amin. Nakatingin siya sa daan at ako naman ay sa labas ng bintana.  "Uuwi ka na ba?" tanong niya sa akin.  "Oo, gusto ko nang makita ang anak ko," sagot ko sa kanya.  "Gusto mo na kumain muna tayo?Gutom kasi ako dahil maraming pinagawa sa akin si Mr. Montes," sabi niya sa akin.  "Hindi na, uuwi na lang ako kasi baka may anak akong naghihintay sa akin," pagtanggi ko sa kanya.  "Sige, pero sa susunod kakain tayo sa labas,ah!" pagsuko niya.  Hindi ko na lang siya sinagot at nagpatuloy na kami sa byahe.  Nang makauwi ako ay agad kong pinuntahan ang aking anak. Nasa crib siya at nakahiga. Kinuha ko siya at binuhat. Hinalikan ko ang kanyang pisngi.  "May nagpadala ng brown envelope para sa iyo, Gwen," sabi ni Manang Ellia sa akin na pinagtaka ko.  "Brown envelope?"  Ibinigay niya ang brown envelope sa akin at binuksan ko ito.  Nang mabuksan ko ito ay may mga lamang litrato ang mga ito, mga litrato ko ngayong araw! Noong papasok ako ng trabaho, kaninang lumabas kami hanggang sa kumain kaming tatlo kanina.  Meron din sulat na nakapaloob dito. Kinuha ko ito at binasa.  "Napakaganda mo talaga kahit na may anak ka na, nababaliw ako sa iyo, alam mo ba iyon?"  Nabasa ko sa sulat.  Sino naman ang magpapadala sa akin ng ganito?  Bakit parang nakakaramdam ako ng takot dahil dito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD