Gwen's Point of View:
"Pwede ba, Markus ay lubayan mo ako!" naiinis kong sigaw kay Markus.
Nakaupo ako dito sa harap ng aking table at abalang ginagawa ang aking trabaho bilang proofreader dito sa Villa-Escudero Publishing Company habang may isang lalaking nasa harapan ko at iniistorbo ang trabaho ko!
Mag-iisang lingo na rin ako sa kompanyang ito at masasabi kong maayos naman ang buhay ko dito. Sa una ay naging mahirap dahil nag-aadjust pa ako sa aking trabaho at sa mga kasama ko.
Maayos naman ang relasyon ko sa mga kasama ko maliban na lang sa taong nasa harapan ko!
"Ayaw mo bang nakikita ang mukha ko tuwing umaga?" nakangisi niyang tanong sa akin na kinataas ng isa kong kilay.
Tinaliman ko siya ng tingin, "Bakit ba kasi kinukulit mo ako, Markus? Pwede ba? May mga trabaho akong dapat taposin!" sigaw ko sa kanya.
Bgumisi siya sa akin, "Hindi pa ba halata,Gwen? Hindi mo ba nararamdaman na gusto kita?" sagot niya sa mga tanong ko.
"Wala akong pakialam sa sinasabi mo,Markus! Wala akong oras para sa mga ganyan kaya mas mabuti pa ay huwag ka na mag-aksaya pa ng oras sa akin dahil wala kang mapapala!" matapang kong sambit sa kanya.
Wala akong pakialam kung ano ang mararamdaman niya sa aking sinabi, wala akong pakialam kung ano man ang pagtingin niya sa akin basta ang alam ko ay wala akong oras sa kanya.
Sumimangot siya dahil sa aking sinabi, " Bakit ba ang sungit sungit mo? Noong una tayong magkita, ganyan ka na, hindi ba uso ang salitang "Pagbabago" sa iyo?" mga tanong niya sa akin.
Napapikit ako ng aking mga mata at napabuntong hininga.
Tumingin ako sa kanya ng seryoso," Huwag ka ng mag-abala pa sa akin, Markus. Ang dami pa diyang mga babae na kulitin, mas maganda at walang sabit na tulad ko. Kung hindi mo pa alam, may anak na ako at mas importante siya kaysa kung sino mang lalaki sa mundo!" pag-amin ko sa kanya. Tignan na lang nating kung hindi pa siya titigil.
"Alam kong may anak ka na pero hindi pa rin magbabago ang pagtingin ko sa iyo,Gwen!" nakangiti niyang sagot sa akin.
"Kung ganoon, ngayon pa lang ay iwasan mo na ako dahil hinding hindi kita papatulan! Kahit na anong gawin mo ay wala akong pakialam!"
Inayos niya ang kanyang pagkakatayo at humarap sa akin na nakangiti, "Alam mo ba iyong sinasabi nila na "Kapag gusto mo ang isang tao ay huwag mong hahayaan na mapalayo siya sa iyo"? Ganoon ang gagawin ko, Gwen. Kahit na ano pang sabihin mo ay hindi ako titigil kasi naniniwala ako sa kasabihan na "Ang taong matyaga, sa huli ay matitikman ang sarap ng ligaya!" nakangiti niyang sambit sa akin bago siya umalis.
Nang makaalis siya ay napahugot ako ng malalim na hininga.
Ganyan naman ang mga lalaki, magaling lang sila sa mga salita at kulang sila sa gawa. Sa una ay papakiligin ka nila at sa huli ay lolokuhin at iiwan ka lang nila. Natuto na ako sa aking nakaraan kaya hinding hindi na ako kakagat sa mga lalaking tulad niya.
Masasabi kong mahirap din pala ang trabaho ng isang proofreader tulad na lang ng mga sumusunod: Pagwawasto ng mga pagkakamali sa pagbaybay at mga pagkakamali sa gramatika, pag-edit ng teksto na isinulat ng isang bilang ng mga may-akda upang matiyak na pare-pareho ang istilo ng pagkakasulat, nagtatrabaho sa mga sistema ng paglalathala at mga database na batay sa IT, pati na rin sa pamamagitan ng internet o mula sa mga script ng papel, regular na nakikipag-ugnay sa mga may-akda at publisher sa pamamagitan ng telepono at email checking na ibinigay ng mga may-akda ang lahat ng mga kinakailangang materyales at gawaing papel, paglutas ng mga query nang direkta sa may-akda, halimbawa nito ay kapag hindi magkakapare-pareho ng estilo at teksto, mga manuskrito ng coding para sa mga tampok na disenyo, tulad ng hierarchy ng mga heading, upang turuan ang pangkat ng produksiyon, paglikha ng mga talento ng likhang sining upang detalyado ang nilalaman ng ilustrasyon, sensuring na ang mga guhit ay tama na nakalagay at tinukoy sa teksto, paggawa o nagtatrabaho sa isang lista ng istilo upang matiyak ang pagkakapareho sa pag-iipon, pag-capitalize, pag-format ng mga sanggunian, at iba pa sa pagkakaroon ng kamalayan ng mga bagong salita o parirala na darating sa tanyag na paggamit gamit ang isang pagtingin upang matiyak na naaangkop sila para sa mambabasa, pag-uusapan at paglutas ng anumang mga potensyal na mapag-iwas na mga seksyon kasama ang commissioning editor at may-akda, pagkuha ng mga artikulo mula sa mga archive at muling pagsasaayos sa loob ng mga pahayagan, paghahanda ng mga paunang pahina para sa pamagat, nilalaman at paunang salita ng isang publikasyon, pinangangasiwaan ang gawain ng mga index, type setters at taga-disenyo at marami pang iba.
Alam ko na ngayon kung gaano kahirap ang ginagawa ng aking mga editor noon sa isang writing platform kung saan ako nagsusulat noon. May mga alam naman ako pero hindi ko inakalain na ganito karami ang ginagawa nila.
Alam ko na naman na ganito kahirap ang aking magiging trabaho pero kailangan kong gawin ito para sa kinabukasan ng aking anak na si Baby Zion. Hinding hindi ako susuko!
"Halika, Gwen mag-break na muna tayo," napaangat ako ng aking ulo nang may magsalita sa akin harapan, si Joana, isa sa aking katrabaho. Kasama naman niya si Erica na nasa kanyang tabi.
"Ngumiti ako sa kanila, " Sandali at aayusin ko lang ang mga gamit ko," sabi ko sa kanya at nagsimula nang mag-ayos.
Nang matapos akong mag-ayos ay nilapitan ko sila. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa labas ng kompanya para doon magmeryenda. Medyo mahal kasi ang mga pagkain dito sa loob kaya mas pinili naming lumabas na lang. Isang oras din naman kasi break namin kaya ok lang.
"Pansin namin na palagi kang kinukulit ni Markus,ah,Gwen!" napatingin ako kay Erica nang magsalita siya.
"Hindi ko nga alam kung bakit ako pa ang napiling pagtripan ng lalaking iyon! nandyan ka naman, hindi ba?" sabi ko kay Erica.
Napansin ko naman na medyo namula siya. Alam ko naman na crush niya si Markus kaya ganyan ang naging reaksyon niya.
"Pero alam mo, Gwen, maingay, palabiro at maangas si Markus pero hindi siya nangkukulit ng mga katrabaho niya noon. Ikaw lang ang kinukulit niya," balita sa akin ni Joanna.
"Oo nga,Gwen. Halatang halata na may gusto siya sa iyo!" segunda naman ni Erica sa sinabi ni Joanna.
Napabuntong hininga ako, "Umamin na siya kanina at sinabi kong maghanap na lang siya ng iba. Wala akong oras sa mga lalaki dahil mas importante ang aking anak kaysa sa kanila," sabi ko sa kanila.
"Wow! Ang haba ng hair mo,girl! Bakit hindi mo siya bigyan ng chance? Gwapo naman si Markus,ah!" napangiwi ako sa sinabi ni Joanna sa akin.
May ipagmamalaki nga naman si Markus kung tutuosin. Sa kanyang pisikal na anyo, masasabi kong bagay siya sa mga boy next door na mga lalaki. Maangas ang kanyang dating pero nababagay naman sa kanya, ang kanyang mga mata ay nangungusap na para bang sanay na sa pakikipaglandian, dagdagan mo pa ang mala-demonyo niyang kilay at pilik-mata na nababagay sa kanya. Ang mga labi niyang mapupula na para bang palaging umiinom ng dugo. Siguro marami na iyong nahalikang mga babae.
Matangkad din siya at kahit na nakasuot siya ng damit ay halata mo ang bakat ng kanyang katawan. malinis at makinis ang kutis niya na para bang hindi siya isang empleyado, para isa pa nga siyang may-ari ng kompanya.
Nang maka order kami ng aming pagkain ay naghanap kami ng pwedeng maupuan. Swerte naman at may mga bakante pa kaya mabilis lang kaming nakaupo. Matapos kumain ay bumalik na rin kami sa loob ng kompanya para magpahinga muna bago sumabak muli sa trabaho.
Pagdating namin dito sa aming department, dumeretso ako sa aking table. Naningkit ang aking mga mata nang may makita akong nakapaton sa aking table, isang chocolate cake na may sulat pang kasama.
"Eat this, Baby if you don't, I will eat you in bed like a monster and I will make you happy!" sabi sa sulat na nagpataas ng aking kilay.
Agad kong hinanap si Markus dahil alam kong siya lang naman ang may kakayahan na magbigay sa akin ng ganito. Nang makita ko siyang papasok ay kinuha ko ang nasa lamesa at mabilis na naglakad palapit sa kanya.
Nang makalapit ako sa kanya ay ngumiti siya sa akin.
"Namiss mo ba ako at ikaw na ang lumapit sa akin?" tanong niya sa akin.
Napangiti ako ng mapait sa kanya. Ipinakita ko sa kanya ang cake na hawak ko at binuksan ito.
"Wow, bibigyan mo pa talaga ako ng cake! Bakit? Ikaw na ba ang manliligaw sa akin?"
Tinaliman ko siya ng tingin at mabilis kong isinupalpal sa kanyang mukha.
Hindi ako nagsalita matapos ko siyang supalpalin ng cake. Tinalikuran ko siya at nakita ko ang aming mga katrabaho na nakatingin sa amin. Bigla akong nakaramdam ng pagkahiya dahil sa ginawa. Alam kong mali ito pero hindi ko nakontrol ang aking sarili dahil sa inis nang mabasa ko ang notes ng cake.
Ok lang naman sana na kung cake lang ang nakita ko sa lapag ng aking table pero iyong sulat, iyong sulat ang hindi ko nagustuhan. Pakiramdam ko ay nabastos ako dahil sa sulat. Siguro kapag ibang babae ang makakatanggap ng ganoon ay magiging masaya siya o kikiligin pero hindi sa akin!
Lalayo na sana ako kay Markus nang maramdaman kong may humawak sa aking braso. napatingin ako sa kamay at lumingon. Nakita ko si Markus na may cake sa kanyang mukha. Seryoso ang mukha.
"Ano bang problema mo? Bakit mo ako sinupalpal ng cake sa mukha!" tanong niya sa akin.
"Tinatanong mo ako kung bakit? Hindi mo alam?" may galit kong tanong sa kanya.
"Magtatanong pa ba ako kung hindi ko alam?" sabi niya sa akin.
"Ok lang sana na bigyan mo ako ng cake pero sana naman ay magkaroon ka ng respeto sa sarili mo at sa akin!" sigaw ko sa kanya.
Wala akong pakialam kung ano man ang sabihin ng mga katrabaho namin basta masabi ko lang sa kanya kung ano ang nararamdaman ko.
"Ako? Nagbigay ako ng cake sa iyo?Hindi ako cheap para cake lang ang ibigay ko sa iyo, Gwen at ano ang sinasabi mo tungkol sa respeto?" mga tanong niya sa akin na pinagtaka ko.
"Iyang cake at ang iniwan mong notes diyan!'
Tinignan niya ang hawak niyang cake at nakita niya doon ang notes. Naningkit ang kanyang mga mata na halatang hindi niya nagustuhan ang kanyang nabasa.
"Sino ang nagbigay ng ganito kay Gwen!!" bigla niyang sigaw sa buong department.
Napatingin ako sa mga kasamahan ko at nakita kong nagulat sila sa sigaw ni Markus.
Ang ibig sabihin ay hindi nga siya ang nagbigay ng cake at ng notes na iyon!? Kung hindi siya, sino naman? Siya lang naman ang nangungulit sa akin sa isang lingo na pananatili ko dito!
Napatampal na lang ako ng aking nuo. Sana pala ay nagtanong muna ako para alam ko kung ano ang ginagawa ko. Mali ko rin naman kasi mas nauna ang inis ko kanina kaya hindi na ako nakapag-isip. Sa susunod ay magtatanong muna ako bago ako kikilos at baka mapahiya na naman ako!