Dalawang araw na lamang ay lalabas na din ako ng hospital na ito. Hindi ko pa rin makalimutan ang mukha ng babaeng humihimas sa aking pisngi ilang gabi na ang nakakaraan. Pilit kong inaaninaw ng gabing 'yon ang kaniyang mukha ngunit dahil sa gamot na itinarak sa akin ay nanlalabo lamang ang aking paningin hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng kadiliman kaya hindi ko man lamang nakilala ang babaeng 'yon. Pero ang siguradong-sigurado ako ay ang gabi-gabi kong nararamdaman ang halik niya sa aking noo at kung sino man ang babaeng 'yon ay aalamin ko. Pakiramdam ko ay may kaugnayan siya sa akin dahil aaminin kong ramdam na ramdam ko ang kaniyang pag-aalala at sa hindi ko maintindihang kadahilanan ay nagugustuhan ko ang ginagawa niyang pag-aalaga sa akin, akala ko nga nuong una ay si Roxanne