Chapter 12 -The best of friends -

2193 Words

Pagkarating ko ng Philippine Airport ay sinalubong ako ni Marcus at mabilis kaming sumakay ng kaniyang sasakyan at pagkalulan ko pa lamang ay tinanong ko na agad ito tungkol sa aking mga kaibigan. "Nasan sila ngayon? Ang katawan ni Isaac, nakaburol na ba siya couz?" tanong ko sa aking pinsan kahit na ba pakiramdam ko ay may malaking nakabara sa aking lalamunan at tila ba ayaw lumabas ang boses sa aking bibig. "Nasa morgue pa, ang alam ko ay inaayos na nila ang pagbuburol dito." wika n'ya at pinaandar na niya ang sasakyan. "Sa Vance hospital tayo!" utos ko at tuluyan na namang nalaglag ang aking mga luha. Gusto kong sumigaw ng ubod ng lakas upang mabawasan ang pighating aking nararamdaman ngunit hindi ko magawa, pakiramdam ko ay may malaking bikig sa aking lalamunan na hindi ko matanggal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD