PAKIRAMDAM ni Britney ay mas lalong naging matulin ang mga araw na lumipas, simula no’ng magkita sila ng kanyang Kuya Timothy. Piniproblema rin niya ang ultimatum na ibinigay sa kanya ng kapatid. Kailangan kasi sa loob ng isang buwan ay makauwi na siya ng Mindoro at kung hindi mismong si Rudulfo ang susundo sa kanya sa Alabang. Hindi rin niya alam kung naniwala ang kuya niya sa pagpanggap nilang mag-boyfriend ni Joel. Tulad ngayong araw, wala ang amo nila. Aligaga na naman ang isipan niya kung paano resolbahin ang problema. “Mukhang malungkot ka ngayon ah? May problema ba?” tanong ni Kate. Kasalukuyan silang nasa kuwarto nila at nanonood ng paborito nilang korean drama. Pilit ang ipinakitang ngiti ni Britney kay Kate. Tila wala siyang mood makipag-usap dito. “Ang totoo kasi niyan,