ALA-SAIS ng gabi nang tuluyang lumapag ang eroplanong sinasakyan ng dalawa sa Zamboanga International Airport. Ilang sandali lang at nakihalubilo na rin sila sa mga pasahero pababa ng eroplano. Hindi maiwasan ng dalaga na makaramdam ng kaba sa kanyang dibdib. Habang palapit nang palapit ang kanilang paglabas sa airport. Estranghero sa kanya ang lugar na iyon. Ni wala siyang kaibigan, kakilala, at kapamilya roon. Ang pagmamahal at tiwala niya sa binata ang tangi niyang dala sa pag-apak sa lugar na iyon. Magkagano’n pa man nilakasan niya ang loob at pinaalis sa dibdib ang kaba. Sa kabilang banda naman masaya si Joel at muling nakabalik sa lugar nila. Excited siya na ipakita sa dalaga ang bayan nila sa Zamboanga. Isang lang ang hiling niya na sana ay hindi ito magalit sa kanya. Kapag mala