~Lui~
"Parang tanga naman to, tawa ng tawa!" Ang mahina kong sabi habang nanghahaba ang nguso kong nakatingin sa kan'ya.
Maluha-luha na ito sa kakatawa habang namumula ang buong mukha.
Di niya ako sini-seryoso!
Yong ngisi niya sa'kin nakaka-asar!
"Oh my God... You're really funny! I never laugh like this in mylife, ngayon pa lang.." Ang sabi nito sa pagitan ng pabuga-buga nito ng tawa...
E, di wow! Congrats naman atleast napatawa kita ng sobra-sobra!
Umirap ako sa hangin!
Pailing-iling ito habang hinihilot ang sintido!
Akala naman niya talaga e, nagbibiro ako!
Seryoso ako no!
Hmm pwes! Di kita titigilan hanggat di ka nagiging kumbinsido!
"Seryoso ako, ilakad mo'ko sa kapatid mo." Ang hirit ko pa. Pero tinignan lamang niya ako na parang di makapaniwala..
Yong itsura niya na parang natatawa naman!
Nakaka-inis na talaga! Di na siya nakakatuwa!
Pakiramdam ko, tingin niya sa akin e, clown!
Yong ngisi niya hindi mawala-wala tapos mapapabuga ng tawa at iiling ulit.
Pero syempre diterminado ako, ngayon pa! E, parang close na nga kami ni Kuya!
Di grab the chance na! Papayag din to siguro, need ko lang galingan para ma-impress siya!
"Seryoso ka ba talaga?" Kunot ang noo pero pigil na naman ang ngisi niya..
Sumimangot na ako!
"Oo nga! Promise!" Ang may inis ko nang sabi.
Ang kulit lang talaga e!
Tumikhim siya at medyo napaseryoso.
Siguro dahil nakita niyang naiinis na ako..
"Gusto mo talaga ilakad kita?" Grabe naman itong si Kuya pogi, ang kulit!
Ang pogi nga pero paulit-ulit parang may Alzheimer na agad! Trenta pa lang yan ha?!
"Kung ayaw mo kong ilakad, itakbo mo na lang ako para mas mabilis!" Nakabusangot ko nang sabi.. Ang kulit kase!
Isang dipa na ata ang nguso ko sa kakabusangot!
Pero tang*na na naman talaga, humagalpak ulit ito ng tawa!
Wala na ata akong pag-asa! Araw niya ata ngayon!
Masayang-masaya siya!
Nagmumukha lang akong tanga sa harapan niya!
Kaya dinampot ko na ang tasa ko at inisang lagok ang natitirang tsokolate rôon.
Malamig-lamig na pala, pero masarap pa rin.
Kung tatawanan lang niya ako ng tatawanan at di siseryosohin ay mas mabuti pang tapusin ko na lang ang paglilinis ko.
Tumayo na ako dala ang baso ko.
Tapos na rin naman siyang kumain e!
Tapos tawa siya ng tawa na parang sira!
Sige ka. Kabagan ka d'yan talaga!
"Oh, saan ka pupunta?" Ang mangha nitong tanong sa'kin pagtayo ko. Seryoso? Naluha talaga siya sa kakatawa?
Napahawi ang likod ng palad nito sa kan'yang mata. Mamula-mula pa rin ang kanyang mukha!
"Marami pa akong lilinisin, kung tatawanan mo lang ako d'yan, e, mag-lilinis na lang ako para maaga akong matapos." Ang himutok ko habang nakasimangot!
Natigilan siya saglit, saka napakamot siyang muli sa batok.
"Maupo ka na muna. Sige. Susubukan kong makinig." Malumanay nitong sabi. Tumikhim pilit na pinaseryoso ang mukha..
Tingin ko nga pinipigilan lang niyang tumawang muli e!
Pero kahit paano, nakahinga ako ng maayos.
Nakakita ako ng pag-asa! Agad, naupo ulit ako!
Dapat ma-impress ko muna itong si Kuya pogi para kapag nagkausap sila ng kapatid niya, at mai-kwento ako ay makukuha ko agad ang interes nong kapatid niya! Gano'n na nga!
Ganyan nga ang gagawin ko!
"Kung gusto mo talaga ang kapatid ko, kailangan ako muna ang kikilala sa'yo." Parang naunahan na ata ako.. Kikilalanin daw muna ako!
" Syempre, mahirap na! Gusto ko naman protektahan ang kapatid ko di ba, bilang Kuya?" Ang pinaseryosong anito.
Napaatras ang lêeg ko! Namilog ang mga mata ko. Grabe naman! Okay lang naman na kilalanin muna ako ni Kuya pogi. Hindi ako againts d'yan!
Karapatan niya yon! Pero yong way ng pagkakasabi niya akala mo naman isa akong masamang tao talaga at hindi katiwa-tiwala!
"Grabe naman.. Syempre mahirap na? Gusto ko lang protektahan ang kapatid ko bilang Kuya! Wow! Whatta words Kuya pogi!" Sarkastiko kong buska! Nakita kong napakagat labi siya!
Ay ang buwesit! Ang gwapo niya talaga!
Kaya kahit feeling ko hindi pa rin niya ako sini-seryoso ay hindi na ako umangal pa!
Pero di ko talaga siya titigilan! Kung di ko man ito mapapayag ngayon, e di siguro sa ibang araw!
Basta, di ko siya tatantanan! Hanggang sa mapapayag ko siya!
"Parang sinabi mong hindi talaga ako katiwa-tiwala a!" Nakita ko ang pag-angat ng isang sulok ng labi niya.
"Hindi naman. Pero naniniguro lang." Ang pigil ngisi nitong sabi..
"Anong nagustuhan mo sa kapatid ko e, hindi mo pa nga nakikita ng personal?" Ang nakakunot nitong tanong.. Ngunit, naroon pa rin ang bakas ng ngisi sa kan'yang mukha!
Hindi na ako nag-isip pa! Honesty the best policy nga di ba?
Saka malay natin, baka mag-plus point ako kay Kuya pogi! Kapag naging honest talaga ako sa kinaya.
At puro positive lagi ang sabihin nito sa kapatid niya tungkol sa'kin..
"Sa totoo lang, ikaw naman talaga 'yong gusto ko e! Ikaw sana ang target ko!" Ang panimula ko. Nakita ko siyang natigilan.
Nalusaw yong ngisi niya at medyo napatitig siya sa'kin.. Walang hiya naman o!
Huwag ka naman tumitig ng ganyan!
Kumakalabog na naman ang dibdib ko e!
Wala naman masama siguro kong tuluyan na akong aamin sa kan'ya. Parang di naman ata nito sini-seryoso ang mga sinasabi ko!
Kaya okay lang yan!
Huminga ako ng malalim.
"Pero alam ko naman na di ako papasa sa'yo e. Kase ako, daig ko pa ang 3 in one na kape!" Nakanguso kong sabi. Swabe sa panlasa!
Aromang nakaka-adik!
Napakunot noo siya. Mukhang naguluhan sa sinabi ko. Hindi niya nakuha ang pagkahulugan ko!
Ngunit hindi ito nagsalita at hinayaan lamang ako.. Kaya kinuha ko ang pagkakataon at nagpatuloy.
Tumikhim pa ako..
"Mahilig ka nga kase sa matapang na kape di ba?! Tignan mo nga ni hindi ka man lang naglagay ng asukal kahit konte! Ang pait ng panlasa mo sa buhay Kuya!" Ang patutsada ko sa kan'ya. Napasandal siya sa kan'yang upuan..
Tuwid niya akong tinignan.. Medyo nagsalubong pa ang kilay niya!
Kinakabahan ako bigla walang hiya!
Napalunok akong muli!
"Sobrang gusto kita! Ang gwapo mo kase! Pero alam kong hindi nga ako papasa sa panlasa mo kaya-- alam ko naman na kasing edad mo ang mga tipo mo! Kung sa kape, yong matatapang ang timpla! Kaya, kapatid mo na lang ang ipo-pursue ko!" Ang napalabing himutok ko. Sa'kin naman 'di importante ang agwat ng edad!
Naniniwala kase akong, kung lumandi na ang puso mo sa isang tao, di mo naman na maiisip pa ang agwat ng edad nyo di ba?
Para sa akin lang yon ha? Ang inaalala ko lang ay kung anong paniniwala nitong si Kuya!
"Magkaiba ang tao sa kape, Lui.." Ang mahinang anito. Sumang-ayon ng
lihim ang isip ko..
Huminga ito ng malalim saka dinampot din nito ang tasa ng kape nitong sa hula ko'y malamig na rin.
Hindi na nito nagawang inumin lahat sa kakatawa kanina.
Binaggit na naman n'ya ang pangalan ko.
Parang hinalukay naman muli ang tiyan ko!
Laging gano'n ang nararamdaman ko sa tuwing lalabas sa bibig niya ang pangalan ko.
Parang may kakaibang lambing kase sa tono nito sa tuwing lalabas ang pangalan ko sa labi niya!
Napalunok ako.. Klinaro ko ang isip kong nalulunod sa buong presensya niya.
Sa kapatid ang focus ko di ba?
So, tapon muna ang kilig-kilig para kay Kuya!
Focus muna tayo sa pang-inkonomiya!
Pero yong bibig ko wala rin talagang pakisama!
"Kung sana pasok lang ako sa panlasa mo! Kahit malayo pa agwat ng edad natin, jojowain talaga kita!" Ang nakangisi kong turan sa kan'ya.
Nakita ko nang mapalunok siya...
Kasunod ang pamumula muli ng tainga niya!
Sabi nila kapag namula ang tainga, ibig sabihin apektado siya!
"A-ang b-bata-bata mo pa para s-sa'kin.." Bakit nabubulol ata siya ngayon?
Apektado nga ba siya? May epekto rin ako sa kan'ya? Natuwa ako ng lihim..
" Sa'kin, wala naman problema sa edad e.. Ano naman kung malayo agwat natin? Bata pa ako? Swerte mo! Bata na, maganda pa!" Kindat kong tukso sa kan'ya..
Natameme na talaga siya! Ewan pero biglang nagbubunyi ang dibdib ko!
Sunod-sunod ang paglunok niya.
Panay galaw ng Adams apple niya!
Kasunod ang paggalaw rin ng panga niya.
"Kung baga sa kape, dinaig ko pa nga ang 3 in one para sa'yo! Kase, 4 in one ako e! Kapag naging tayo, may Jowa ka na! may anak ka pa, kapatid at may pamangkin ka pa!" Ang walang bara at gatol kong turan sa kanya.
Kakambal ng malawak na ngisi sa labi ko at kindat sa kan'ya.
Bigla siyang nasamid sa tinura ko!
Napaubo siya ng sunod-sunod.
"E-excuse me," ang hirap niyang sabi. Tumayo ito at nagmamadaling tinungo ang lavabo.
Totoong nasamid talaga ito. Sunod-sunod ang malakas niyang pag-ubo.
Nakasunod lamang ang mga mata ko sa kan'ya.. Habang kagat ang ibabang labi ko..
Hanggang hindi na ako nakatiis pa at lumapit na ako sa kan'ya.
Hinagod ng palad ko ang likod niya!
Bigla ang naging paglingon niya sa'kin!
Medyo lumayo siya sa'kin. Para bang napaso?.
Pinunas ang likod ng palad niya sa kanyang bibig!
"Sa lahat ng biro mo, yon ang hindi nakakatawa.." Ang seryosong anito.
"Lahat na lang kase ng sinasabi ko e, biro lamang sa'yo , seryoso nga kase ako! Ayaw maniwala! Tinatawanan mo lang ako!" Ang reklamo kong sabi.. Nakatingin lang din siya sa'kin..
Hindi nakakilos. Parang binato ng spell ng isang diwata at hindi na nakagalaw!
Sobrang lakas ng t***k ng puso ko!
Hindi niya ata nagustuhan ang nalaman na siya talaga ang una sanang target ko!
Tumalikod na ako sa kan'ya at muling tinungo ang lamesa. Ililigpit ko nalang ang pinagkainan niya..
"Lui... Gusto mo bang makipagkasundo sa'kin?" Ang tanong nitong iyon ang agad na nagpalingon sa'kin. Nawe-weird-dohan na napataas ang kilay ko sa kan'ya!
Ano daw? Makipagkasundo? Tinignan ko kung seryoso nga siya!
Oo nga.. Seryoso ang mukha at mga mata niya..
Huminga siya ng malalim.
"Irereto kita sa kapatid ko, sa isang kundisyon? " Napalunok siya ng sunod-sunod.. Mas naging seryoso ang mukha nya base, sa matiim na pagkakapinid ng mga labi niya...
Kung ano man ang kondisyon na iyan kakayanin ko!
"Anong kondisyon iyon?" Hindi ko maiwasan ang excitement sa boses ko..
Kahit ano pa atang kondisyon na yan ay makakaya ko!
"Dito ka na pagtratrabaho sa isla ko, at hindi ka na pwedeng pumunta sa Isla Magno. " Ang walang emosyon nitong sabi.. Gumalaw pa nga ang panga nito pagkabanggit sa pangalan ng kabilang isla..
A/N: unedited pa! Pasensya na kung medyo BITIN at sabaw. medyo pagod at puyat kase tayo! Don't mind the errors review ko yan bukas!