~Lui~
Masarap na naglalakbay ang diwa ko sa isang pangarap.
Habang tangan ang larawan na sa hula ko'y nakababatang kapatid ni Kuya pogi!
Ang lalake sa picture ay mukhang halos kasing edad ko lamang.
Malawak ang ngiti nito sa harap ng kamera kaya litaw na litaw ang puting-puti nitong mga ngipin.
Naka polo ito ng kulay asul. At ang buhok nitong itim ay makintab at halatang naka gel.
Nakaayos iyon pataas! Sa kabuan ay talagang subrang gwapong-gwapo nito sa aking paningin.
Malaki ang pagkakahawig nila ni Kuya pogi!
Sobrang hawig pero batang-bata lamang ang lalakeng nasa larawan!
Magkadugo nga talaga sila, magkapatid! Dahil sa halos iisa ang kanilang mukha!
Napangiti ako ng sobrang tamis.. Niyakap sa tapat ng dibdib ko ang picture frame.
Saka muling tinitigan at hinalikan. Saka pinunasan ng hawak kong malinis na pamunas!
"Pogi mo talaga bf! " Ang kilig at pigil kong tili.
Nasa ganoon akong tagpo nang bigla na lamang may tumikhim ng malakas sa likod ko.
Malaki ang boses at malalim. Halos mapatalon ako sa gulat!
Pakiramdam ko nga ay nalaglag ang puso ko!
"Ay malaking t**i ng kabayo! " Ang gulat na gulat kong naibulaslas!
Sobrang kumabog ang dibdib ko at akala ko'y tuluyan na ngang lumabas ang puso ko sa dibdib ko, pagkarinig ng boses nito.
Nanlalaki ang mga mata kong napatingin kay Kuya pogi na sa kasalukuyan ay tila natulala!
Hindi ko alam kung kanina pa siya nariyan!
Narinig kaya niya ako? s**t! Baka magka-bad impression ako sa kanya at maudlot ang balak kong pakikipag-lapit at pagpapalapad papel para sa kapatid niya!
Pakiramdam ko'y nanlamig ang pakiramdam ko!
Tila tinakasan ng kulay ang buo kong mukha nang mapagtanto ko sa sarili, kung ano bang lumabas sa bibig ko!
Shit! Sa dami pa kase ng masasabi ko 'yon pa?!
Ito na talaga ang nakukuha ko sa pagsama-sama kay Arman sa pag-aalaga ng kabayo sa kabilang isla!
Isa rin kase sa nakagiliwan ko ay tumulong kay Arman sa pag-aalaga ng kabayo sa isla Magno kung wala rin lamang akong ginagawa!
Sobrang na shock ata talaga ito sa sinabi ko!
Nakabukas kase ang bibig nitong nakatingin lamang sa akin!
Grabe tuloy ang nararamdaman kong pagkapahiya ngayon!
Parang sinisilaban ang mukha ko sa sobrang init!
Ilang sandali pa ay tila mahimasmasan na rin ito sa wakas.
Napapakamot sa batok na nag-iwas ng tingin sa akin..
Napalunok ako. Namumula rin ang buo niyang mukha, pati ang tainga niya!
Natataranta ang isip ko! Panay kalabog pa ng dibdib ko!
Shit! No chooice kailangan kong lunukin ang hiya at kapalan ang mukha ko!
E, unang-una naman , plano kong siluhin ang kapatid nito!
Kaya sa natatarantang isip at nanginginig na kamay dahil sa hiyang nararamdaman ko ay hinarap ko pa rin ito.
"K-kuya pogi i-ikaw pala.." Ang kabado at medyo taranta kong sabi..
Bigla akong napapisil sa mga daliri ko dahil sa hindi mapigilang nerbyos na nararamdaman ko.
Baka bigla niya akong paalisin at ipahatid sa kabilang isla, lagot!
Wala akong kikitain sa araw na ito!
"K-kuya, p-pasensya na.. Masama po akong nagugulat pati bigbig ko nagugulat din.. good morning po..." Ang nahihiya ko pa rin sabi. Pilit ang ngiti ko sa kanya.
Ngumiti rin naman siya.. Habang napapakamot pa rin sa batok..
"G-good morning.. Pati ako nagulat rin.." Ang nakangisi na nitong sabi.
Na siyang nagpagaan ng sitwasyon sa pagitan namin.
Napalingon siya sa kusina. Saka ulit niya ako binalingan.
Isinuksok ang kamay sa bulsa ng suot niyang pants.
Napalunok ako... Napansin ko ang medyo gulo niyang buhok.
Kakagising lang niya.. Pero...
Pero mukha pa rin siyang presko at gwapong-gawpo!
Ganito ba talaga ang mayayaman?
Ang mga taga Maynila? Na kahit anong oras at ayos mukhang presko pa rin tignan?
"Nakapag-almusal ka na ba?" Nakangiti ngunit bahagyang kunot ang noo niya.
Napanganga ako! Ang gwapo niya talaga!
Ang labi niyang medyo manipis at mapula!
Ang matangos niyang ilong at ang magandang niyang mga mata!
Lalong kumunot ang noo niya! Tinitigan na niya ako..
Nahimasmasan ako at napapilig ang ulo ko. Nang mahina niyang pitikin ang noo ko!
"Natulala ka na dyan!" tumawa siya ng mahina.
"Ang gwapo mo kase talaga Kuya!" Ang nanulas sa labi ko. s**t! Nasabi ko na!
Pero totoo naman e! Natigilan siya saglit sa sinabi ko then, muli siyang tumawa!
Lumabas ang pantay-pantay at napakaputi niyang ngipin.
Ito na lang kayang Kuya ang targetin ko at huwag na 'yong kapatid?
Tutal siya naman ang nandito! Pero parang di ata ako papatusin nito!
Dahil alam kong sobrang bata ko pa! Isa pa, baka nga girlfriend niya ang isa sa babaeng kasama nila!
Sigurado yon! At kung ikukumpara ako sa mga babaeng iyon ay wala talaga akong panama!
Mula sa antas ng pamumuhay at maging sa yaman ng dibdib ako'y dukhang-dukha!
Yong dibdib ng tatlong babae parang pwet ng mga bata!
E, sa'kin? 'Pang dukha, isang dakot lang talaga!
Kaya buo na ang loob ko! Magfo-focus ako sa kapatid!
At ang unang hakbang ko? Dapat umpisahan ko na ang pagpapalad papel sa Kuya!
"Halika, sabay na tayong mag-break fast." Ang nakangiti nitong aya sa akin.
Nagpatiuna na siya sa kusina. Napasunod ako.
Nagderetso siya sa isang aparato na nakapatong lang sa island counter.
Nasa bandang likod lamang niya ako. Malapit lang sa kanya.
Pinagmamasdan ko siya! Napasinghot ako ng mahaba!
Naman! Bagong gising pero ang bango niya!
Walang hiya, parang ayaw ko na lang talaga sa kapatid, dito na lang ako sa Kuya!
May binuksan siya sa ibabaw no'n.
May kinuha siyang box sa loob ng isang cabinet.
Dumakot siya roon ng kung ano hindi ko na nakita ang itsura!
Basta iniligay niya iyon sa nakabukas na aparato. Kumuha siya ng tasa.
Pinatayo sa tapat ng tube sa baba ng aparatong iyon.
At may pinindot siyang bilog na button. Umingay ang aparato at kasunod noon ay ang pagtulo ng isang itim na likido at ang pagkalat ng amoy kape!
Namangha ako! Wow... Hightech!
"Galing naman n'yan Kuya, bumubuga ng kape!" Ang mangha kong palatak sa kanya! Nilingon niya akong naka-kagat labi. Parang nagpipigil na naman ng ngiti. Nahiya ako bigla!
Alam ko, nagiging ignorante ako sa paningin niya!
"Ngayon ka lang ba nakakita nito?" Hindi ko maramdaman ang pang-uuyam sa tanong niya.
Bagkus ay tila naging masuyo ang tono at boses niya.
Kaya hindi ko napigilan at nag-init talaga ang pisngi ko..
Pero napatango ako ng marahan sa kanya. "This is coffee maker, machine." Ang nakangiti niyang paliwanag.
"Mas gusto ko ang matapang na kape.. So, I don't buy instant coffee." Ang paliwag nito.
Hindi pa ako masyadong bihasa sa pagsasalita ng Ingles pero naintindihan ko naman ang sinabi niya.
Napatango lamang ako ng marahan. Kumuha siya ulit ng tasa.
"Anong gusto mong inumin? Gatas o, chocolate?" Ang nakangiti nitong tanong.. Kumindat pa!
Juice coloured! Makalalag panty---
Iste, makalaglag panga talaga! Huwag muna panty, masyado pang maaga!
Mag-aaral muna!
Pero kung papipiliin ako ngayon? Naku, kay Kuya talaga ako, promise!
Biglang bumilis ang pintig ng puso ko!
"Ano na? milk or chocolate?" Ang untag nito sa'kin. Bigla akong natauhan.
"C-chocolate na-- na lang Kuya." Ang nahihiya kong sabi.. "Okay, I'll make you, chocolate." Ang malawak nitong sabi. Ginulo pa ang buhok ko! Napangiti ako.. Naging masigla ang kilos ko.
Naging magaan bigla ang pakiramdam ko.
Napasunod ako sa kanya. May kinuha siyang muli sa cabinet. Isang box na naman iyon.
Chocolate ang nabasa ko sa harap ng kahon. Tinanggal niya ang tasa niyang may laman ng umuusok na kape at ipinalit ang baso ko sa tapat ng tube na iyon.
Tulad ng pag-gawa nito ng kape, ay kumuha siya ng isang pabilog na parang kapsul.
Nakangiti siyang pinakita pa iyon sa akin, kung saan ilalagay at kung ano ang pipindutin.
Aliw na aliw at manghang -mangha ako, habang nakatingin lamang sa ginagawa niya.
Maya-maya lamang, ay isang umuusok na chocolate na rin ang nasa harapan ko.
Sa tanang buhay ko parang ngayon lamang ako makaka-inom ng chocolate.
Pero kahit paano ay nakakain na ako nun. Yong binibigay sa akin ni Senyorito Ivo.
Yong isang binigay nga niya sa akin, parang pamilyar ang lasa e. Hindi ko nga lang maalala kung saan at kailan ko natikman. Pero parang sarili kong dila ang nagsasabing ito ay pamilyar!
Ewan ko, pero parang natikman ko na siya noon pa. Sinubukan ko ngang alalahanin, pero wala naman akong matandaan.
Ewan ko ba, kahit nga sa kabataan ko parang wala akong matandaan e!
Ngunit may pangyayari o, bagay na naman ang tila pamilyar sa akin!
Kapag pilit ko naman iniisip kung saan ko iyon unang nakita o, naranasan, ay sumasakit lamang ang ulo ko dahil hindi ko talaga matandaan! Sakit ng ulo na kung minsan ay sumusubra!
Nakakabiyak ng bungo talaga!
"Halika doon na tayo sa mesa," ang yaya nito sa akin. Dala na nito ang dalawang tasa.
May almusal ng hinanda kanina si Tita Babes sa kanya. Nakapag-almusal na nga rin ako e.
Sumabay ako kila Tita Babes.
"Kuya pogi, kumain na ako.. Pero gusto ko 'yong chocolate." Hindi na ako nahiya. Natakam talaga ako sa amoy ng chocolate.
"Sigurado ka?" Ang naninigurado niyang tanong.
"Maraming pagkain ang nakahanda sa mesa.. Kain ka pa kahit konte lang, nang tumaba-taba ka naman.." May pagbibiro ang tono niya. Napanguso ako. Napahimas sa tiyan ko. Busog pa talaga ako.
"Busog pa talaga ako.. Kung kakain pa ako hindi ko na maiinom ang chocolate ko." Ang nakanguso kong sabi.
Ngunit may pakiramdam ako na parang ang sarap sumabay sa kanya.
"Okay.. maupo ka na. Samahan mo na lang ako sa mesa habang iniinom mo ang tsokolate mo." Hindi ata nauubos ang ngiti niya! Hindi nawawala e!
Naupo kaming magkaharap sa mesa. Wala sa sariling nailapag ko ang hawak kong basahan at picture frame sa katabi kong upuan.
Marahan naman niyang nilapag sa harap ko ang tasa ng umuusok pang tsokolate!
Tinanggal niya ang takip ng pagkain sa mesa.
Binaliktad niya rin ang platong nakataob pa sa plate mat. May katabi ring kutsara at tinidor.
Hinanda iyon ni Tita Babes sa kanya. Speaking of Tita Babes, nagpaalam na may gagawin lang hindi na ata nakabalik! Iniwanan lamang niya ako sa loob nitong malaking bahay ni Kuya pogi.
"Ilang taon ka na Lui?" Mula sa pagtitig sa aking tasa ay napatingin ako agad sa kanya. Alam na niya ang pangalan ko?
Aah....Baka, nabanggit na ni Tita Babes! Sabi niya kanina tatawagan niya ang Boss niya at ipapaalam na may kasama na siya.
Kaya siguro parang natural na lang iyon na lumabas sa bibig ni Kuya pogi.
"14 pa lang po, Kuya." Ang mahina kong sagot. "Napaka bata mo pa pala." Ang komento nitong sa plato nakatingin at abalang hinihiwa ang longganisa nito.
"Ikaw Kuya, Ilang taon ka na?" Ang balik kong tanong. Gumuhit ata sa mukha ko ang excitement na malaman kung ilang taon na nga ba talaga siya! Napatingin siya sa akin..
"Hmmm.." Anitong ngumunguya pa. Nang malunok ang kinakain ay saka sumagot.
"30." Simple nitong sabi. Napabuka ang bibig ko sa kanya. Natawa siya ng mahina.
"Bakit ganyan ang reaksyon mo?" Ang natatawa nitong tanong..
Muli itong sumubo. Magana siyang kumain.
"Ang bata mo pa kasing tignan e! Kala ko nga, magkalapit lang ang edad natin!" Yong una kong sinabi, totoo naman talaga! Ang bata pa talaga nitong tignan! Parang malapit lang ang edad niya kay Ivo. Mas matangkad lang si Kuya pogi at mas malaki ang katawan! Pero yong huli kong sinabi, well, char lang!
Alam ko na naman kase na ang edad niya'y nasa early 30's na nga, dahil nabanggit na sa akin ni Ivo at ng mga kaibigan nito! pero syempre kunwari wala pa akong alam!
Palapad ng papel, step number one!
"Anong sekreto mo Kuya bakit sobrang bata mo pang tignan, kesa sa edad mo?" Oopz! Walang halong bola yan!
Totoong napakabata pa talaga niyang tignan! Tumawa ito ng mahina.
"Ikaw ha niloloko mo ata ako." Ang natatawa nitong sabi.
"Hindi no! Totoo yon. Pwede pa nga kitang maging Jowa e!" Ang wala sa sarili kong utas! Uminom ako sa tasa ko.
"Kung hindi lang sa edad, ikaw ang jojowain ko at hindi ang kapatid mo!" Ang pilya ko pang dadag! Malawak ang ngiti ko!
Natigilan siya. Kaya napatingin ako sa kanya. Titig na titig siya sa akin-- sa mukha ko..
Unti-unting nawala ang lawak ng pagkakangiti ko. Naging kimi..
Napatingin ako sa kanyang leeg. Gumalaw ang adam's apple niya.
Tumingin ako sa kanyang mukha. Napalunok rin ako..
"Kuya pogi, alam kong maganda ako! Pero kung matutulala ka nalang sa harapan ko ng ganyan baka lumaki na talaga ulo ko nyan!" Pinakikay kong biro. Pero ang letsing puso ko! Tumatalon ng husto!
Parang hinahalukay rin ang tiyan ko...
Parang bigla siyang natauhan! Napabuga siya ng mahinang tawa.
"Gusto mo ba talagang malaman ang sekreto ko?" Ang nakangisi na nitong tanong.
"Oo nga!" Ang sagot ko at napanguso!
"Ang sekreto ko, kaya bata pa akong tignan.... Wala akong jowa!" Ang walang gatol nitong sagot. Napaurong ang leeg ko at napakunot noo!
Wala daw siyang Jowa? Weeeh... Di nga? peksman?! Sa gwapo mong iyan?!
"Kapag walang Jowa, walang problema! Masaya ang buhay at mananatili kang bata!" Hindi ako makapaniwalang nakatingin lamang sa kanya. Hindi ako kumuntra, hindi rin ako sumang-ayon. Hindi ako nakapagbigay ng reaksyon!
"Kaya ikaw. Huwag ka munang magjo-jowa! Ang bata-bata mo pa! Boyfriend mo ba 'yong lalaking nagpapa-cute sayo kahapon?" Napaseryoso bigla ang mukha nito, pati ang tono. Kuyang-kuya ang datingan!
Ay hindi-- parang Titong-tito! Nangangaral!
Pero sa pagkain pa rin nito nakatingin. Nakita kong gumalaw ng madiin ang panga niya.
Napahinga siya ng malalim.. Animoy nakaalala siya ng isang bagay na nagpasama agad sa timpla niya! Biglang dumilim ang mukha niya e.. Bakit kaya?
Napalunok ako! Pero pinanatili ko ang masiglang mukha.
Masaya ang usapan namin kanina at wala na akong nararamdaman na pagka-ilang at hiya..
Gusto kong manatili kaming gano'n..
"Alin doon? 'yong pogi? Si senyorito, Ivo?" Hindi siya sumagot. Pero feeling ko, si Senyorito Ivo ang tinutukoy niya!
"Hindi naman niya ako nililigawan, mabait lang siya sa akin. Kaibigan ko lang siya... Magkaibigan lang kami! Yon lang kami! " Ang nakanguso kong sabi.
"Kapatid mo gusto kong maging Jowa! Sobrang pogi!" Ang masigla kong sabi..
Napapikit pa ako sa kilig.. Masigla kong binalingan ang upuan kung saan nakapatong ang picture frame.
Agad ko iyong dinampot.. Pinakita ko iyon sa kanya!
"Meet my future Jowa! Panes! Gwapo talaga!" Ang mayabang ko pang sabi.
Napabuga muli siya ng mahinang tawa at napailing-iling. Napainom siya ng kape.
At least naman nawala na 'yong dilim ng mukha niya...
A/N : Unedited bukas ko na edit. Antok na ako.