~Lui~
Agad niyang dinukot ang wallet niya at humugot roon ng lilibohing papel.
Napanganga na lamang ako at hindi naka-kilos.
Kahit pa nga nang i-abot nito ang pera ay hindi pa rin ako nakagalaw.
Nakatingin lamang ako sa kan'ya. Kinuha nito ang kamay ko, at nilagay sa palad ko ang pera.
“Keep the change.” Ang mahina ngunit seryoso nitong sabi.
Napalunok ako nang tila saglit na pumirmi ang mga mata nito sa akin.
Parang may kung anong pumintig sa dibdib ko.
Bakit ako nakakaramdam ng ganito?
Parang may kung anong bumubumba sa loob ng dibdib ko.
Ang lakas ng kabog nito. Papihit na siya dala ang baldi ng isda.
Nang mahimasmasan naman ako!
“S-salamat po, kuya…” Ang mahina at alanganin kong sabi.
Buti nga at nagawa ko pa iyong sabihin.
Akala ko nganga na lamang ako hanggang sa maka-alis sila!
Saglit pa nga siyang napahinto ngunit hindi na naman niya ako nilingon.
'Ni hindi rin siya umimik. Bahagya lamang niyang ginalaw ang ulo sa gilid.
Matagal na silang naka-alis sa harapan namin pero nakatanaw pa rin ako sa dereksyon na tinungo nila.
"Lui, kilala mo ba ‘yon si Kuya pogi ?’’ Ang manghang tanong sa’kin ni Jeylai.
Napatingin lamang ako sa kan'ya at marahang umiling.
"'Yon ang bagong may-ari ng isla Monteverde. Si Noah Olivarez.” Ang singit ni Ivo sa amin.
Nanlalaki ang mga mata ni Jeylai na napatingin sa kan'ya. Kahit ako nga ay lihim na namangha.
Ang bata pa niya ha!
"Ah! Isa siya sa mga naririnig ko sa mga pinsan ko! Wow! Ang gwapo nga niya sa personal!
Isang grupo daw ‘yan sila ng mga magkakaibigan. Pawang mga mayayaman at makikisig na negosyante!'' Ang palatak na kwento ni Jeylai. Pumitik pa ang daliri nito sa ere habang namimilog parin ang mga mata!
Napabuga ng marahas na paghinga si Ivo.
Nakita ko ang tila pagtiim ng mga bagang niya. Galit ba siya?
“Tama! Pero iwasan n'yo sila. Hindi n'yo pa sila lubusang kilala. Mga taga Maynila ang mga 'yan, baka mapahamak kayo.” Anang isa sa mga kaibigan ni seniorito Ivo.
“Balita pa naman na mahihilig sa mga dalaginding ang mga magkakaibigan na ‘yan.” Ang pasegunda pa ng isa. Napatango-tango naman ang dalawa na sumang-ayon sa sinabing iyon ng kanilang kasama.
“Ilang taon na ba siya?” Ang wala sa sariling tanong ko. Nasa dagat pa rin ang tingin ko.
“Early 30s?” Ang agad na sagot ni Ivo. Napatingin ako sa kan'ya.
"Mga babaero kaya wala pang mga asawa." He shook his head and tsked.
Hindi na ako umimik.
“Ay 30 na? Sayang matanda na nga besh!” Ang dinig kong ani Jeylai.
Para sa akin hindi naman siya mukhang matanda. Akala ko nga nasa 20's pa lamang siya!
Pero sayang nga kung 30 na siya!
Pero malay natin baka may kapatid di ba? ‘Tas kasing g’wapo rin niya?
Napakagat ako sa ibabang labi. Noah Olivarez… Ang ulit kong banggit sa isip ko!
My future kuya in law! Pero paano kung nag-iisang anak?
Uso na naman ngayon ang laki ng agwat! Carry na ‘yan!
Hindi na naman ngayon basihan ang edad sa dalawang nagmamaha--
Wait! Teka lang!
Naipilig ko ang ulo! Bakit ba biglang-biglang pumasok ang idiyang iyon sa utak ko?
Lui, magtigil ka! Katorse ka pa lamang po! Huwag muna landi!
Isa pa sa katulad ng lalakeng 'yon? Mukhang malabo kang magustuhan!
Pero may kung anong tuksong kumakalabit sa sulok ng utak ko..
Siguro kung makakapangasawa ako ng mayaman at mapera, 'yong tulad niya?
Baka sakaling mahalin na rin ako ni Nanay.
Tama!
Kase hindi na ako mauubusan ng perang ibibigay sa kan'ya!
Akitin ko kaya siya?
"Layuan n'yo sila, hindi n'yo pa sila lubusang kilala. Balita pa naman na mahihilig sa mga dalaginding ang mga magkakaibigan na ‘yan.." Iwan ko pero ang mga salitang 'yon mula sa kaibigan ni Ivo ang umiikot sa utak ko.
Napatingin ako sa palad ko kung saan hawak ko nang mahigpit ang perang binigay niya.
Magkikita pa tayo Noah! Kung hindi man kita magiging kuya, pwes para sa ekonomiya, magiging jowa kita!
“Lui halika na!” Bigla akong nahimasmasan sa tawag ni Jeylai.
Nang makakuha ako ng pagkakataon ay naisipan kong bilangin ang perang binayad nito.
Napamaang ako nang bilangin ko ang perang binayad niya ay saktong sampong libo!
Napakalaki naman. Bakit niya ako binigyan ng ganito kalaking halaga?
Nagtataka man ay ibayong tuwa naman ang aking nadama!
Hindi ko ibibigay lahat ito kay Nanay. Itatabi ko ang iba!
Para kapag wala akong kita o di kaya'y matumal sa mga susunod na araw ang binta, ay mayroon akong reserba at pangtapal.
May iaabot ako kay Nanay...
Makapag-pahinga man lang ako sa pananakit niya.
Kahit ilang araw lang.
Napangiti ako ng matamis...
“Magkano ang binayad sa’yo ni Kuya pogi?” Ang paanas na tanong sa akin ni Jeylai. Napakagat ako sa ibabang labi.
Napangisi ako. Pasimple kong nilapit ang mukha, malapit sa tainga niya.
"Sampong libo.." Ang paanas ko ring sagot. Nanlaki ang mga mata niya tinitigan ako.
Tulad ko, parang hindi rin ito makapaniwala.
Tinignan ko siya nang may babala! Nasa malapit lamang sila Ivo sa amin.
Nakahinto kami malapit sa isang tindahan.
Bumili ang mga ito ng soft drinks na maiinom. Bumili rin sila ng isang case ng alak.
Mukhang mapapalaban muli si Tatay!
****
"Kung ganito nang ganito ba naman ang e-intriga mong kita sa akin araw-araw ay talagang magkakasundo tayo.." Ang ngisi ni Nanay habang nakatingin sa dalawang libong
ini-abot ko sa kan'ya.
Tipid akong napangiti..
Hindi man lamang niya ako tinapunan ng tingin. Sa perang ini-abot ko mas nakalaan ang atensyon niya.
Napalunok ako.. Nag-aalangan akong ibuka ang bibig.
Pero ito na siguro ang tamang pagkakataon..
Maganda ang ngiti ni Nanay e..
Ngayon na siguro ang tamang pagkakataon para subukan kong muling sabihin, ang nais kong sabihin noon pa..
Baka payagan na ako ni Nanay..
"Nay, gusto ko po talagang mag-aral. Baka naman po pwede na akong pumasok sa susunod na-- " Agad akong napahinto. Napalunok ako nang makita ko ang muling pagbalasik at pagbabagong timpla ni Nanay nang marinig na naman muli sa akin ang kagustuhan kong bumalik sa pag-aaral..
Elementarya lamang ang tinapos ko. At gusto kong makatapos kahit na hanggang high school lamang. Pero ayaw na akong papasukin ni Nanay sa eskwela..
Sila ate na muna raw ang magtatapos bago ako.
Kailangan ko muna raw tumulong sa kanila mula sa paghahanap buhay..
Pero sa pamilyang ito ako lang naman madalas ang kumikita..
Tumatanggap ng labahan at linis si Nanay sa Isla Magno.
Ngunit kulang pa iyon at hindi sapat sa tuwing sinusumpong siya sa kan'yang bisyo.
Mahilig itong makipagsugal. May pagkakataon na halos araw-araw itong naka-upo sa mesa ng saklaan!
At kapag talo, ako ang pinag-iinitan!
Kesyo ako ang malas sa buhay nila!
Ako ang may dala ng sumpa!
"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi ka na mag-aaral?" Singhal agad nito sa akin.
" Pasalamat ka nga't nakapagtapos ka pa ng elementarya!" Bubuka pa lamang ang bibig ko para mangatwiran pero umurong din ang dila ko bigla. Nang yamot niya akong tinitigan na may halong babala!
Naniningkit na naman ang mga mata niya, kung ipagpipilitan ko ay baka lumagapak na naman sa mukha ko ang kamay niya..
"Kung mabibigyan mo ako ng malaking -malaking pera? Sige. Baka payagan kita! 'Yon ay kung mabibigyan mo ako!" Ang nang-uuyam ang ngisi nitong tinalikuran ako..
Nag-umpisang mag-init ang sulok ng mga mata ko.. Gumaspang din ang lalamunan ko sa pag-pipigil ng emosyon..
Wala na talaga akong pag-asa!
Sinundan ko na lang siya ng tingin papalayo.
Alam ko na kung saan ang tungo nito!
Siguradong ilang oras lamang ay uuwi itong lusaw na sa sugal ang naibigay kong dalawang libo..
Pumatak ang luha ko.. Naninikip na naman ang dibdib ko sa sama ng loob..
Ganitong mga pagkakataon madalas kong maramdaman na ibang tao talaga ang turing nila sa akin..
Si ate Mary nga, umungot ng cellphone pero binilhan agad ni Nanay..
Sa kabisira ito nag-aaral. Elementarya lamang kase ang meron ang Isla Mabato..
"I-ikaw bang bata ka! S-sino ba sa mga anak ko ang n-napupusuhan mo't b-balik ka ng balik d-dito?" Ang dinig kong bulol at bangingi nang boses ng Tatay ko..
Narinig ko pa ang medyo malakas na hiyawan at asaran mula sa gilid ng aming bahay kung saan naman nakapwesto ang mesa ng mga nag-iinuman ngayon..
"K-kanino kila Mary at Malta ang n-napupusuhan mo?" Hinawi ko ang butil ng luha sa magkabilang pisngi ko.
Hindi ko namalayan na pumatak na naman ang luha ko. Huminga ako ng malalim..
"Naku Tatay Royet, wala ho sa nabanggit n'yo ang sinisinta nitong kaibigan namin!" Ang dinig kong biro ng isa.
"'Yong bunso daw ang tinitibok ng puso niya!" Ang pasegunda ng isa..
"Bunso? E, si Mary nga 'yon!" Natigilan ako..Heto na naman si Tatay .. Wala pang Isang oras ata ng mag-umpisa silang mag inuman pero may tama na ata!
"Hindi ho mang Royet. 'Yong bunso n'yo pong si Lui!" Ang sansala ng isa pa..
Ilang sandaling patlang ang namagitan..
"Hindi pwede 'yan si Lui dahil hindi ko siya anak.. Baka lalong magalit sa akin ang magulang niyan--"
"Tay! Tama na nga ho 'yan! Magpahinga na ho kayo't marami na naman ata kayong nainom!" Isa pa itong si Tatay. Dumagdag pa siya sa sama ng loob ko e!
Papikit-pikit na ang mga matang napatingin siya sa akin..
"P-patawarin m-mo ako L-lui..." Ang mahina at bulol nitong sabi. Nag-init na naman ang mga mata ko.
Ayaw kong marinig na ang iba pa nitong sasabihin.
Natatakot ako...
Natatakot akong marinig pa ang iba niyang sasabihin!
Baka marinig ko na lang na pinamigay ako ng sarili kong mga magulang!
Mas masakit 'yon! Pakiramdam ko wala na talagang nagmamahal na sa akin!