~Lui~
"Hoy Lui! Bangon! Tanghali na nakahilata ka pa d'yan?" Naalimpungatan ako bigla sa malakas at galit na boses ni Nanay.
"Hala! Sige, gising! wala ka na namang kikitain sa maghapon sa sobrang kupad mo!" Napangiwi ako't napabilis ang kilos ko nang maramdaman ko ang pagdiin ng kuku nito sa balat ko.
Ang kurot talaga ni Nanay ay nakakagising talaga ng dugo at nakakapagpabilis ng kilos!
"Opo Nay, bibilisan na po." Ang taranta kong sabi. Dali-dali akong dumiretso sa maliit naming kusina na gawa lamang sa mga hinabing kawayan.
Nagmumog lamang ako at dala ang dalawang baldi ay agad akong sumugod sa daungan ng mga mangingisda.
s**t! Tinanghali na ako!
Sana naman ay may natira pang isda na maaangkat ko at maibinta sa bayan!
Kundi lagot na naman ako kay Nanay kapag wala akong kita sa maghapon!
Ngunit nanlumo ako nang pagdating ko sa daungan ay wala na akong nadatnan pang isda roon.
Lagot na naman ako! Anong gagawin?
"Lui!" Napalingon ako sa matinis na boses ni Jeylai. Tumatakbo ito palapit sa akin.
"B-bakit ka t-tinanghali?" Ang humahangos na tanong nito.
Malungkot ko itong tinignan.
Wala pa naman ang uwian ay natatakot na ako kung anong parusa na naman ang matatanggap ko kay Nanay.
"Medyo masama kase ang pakiramdam ko kagabi Jeylai. Tinanghali na tuloy ako ng gising.." Ang naiiyak ko nang sabi.
Napalabi ito, tila alam na nito ang kinatatakutan ko..
Sa edad kong katorse anyos ay bugbog na ang katawan ko sa trabaho.
Kailangang may mai-uwi akong pera na kinita ko maghapon kundi, paparusahan na naman ako ni Nanay.
Sabunot at sampal na naman ang aabutin ko n'yan.
'Ni hindi ko nga alam kong bakit gano'n na lang niya ako pag-initan.
Sumasaya lang naman ang mukha niya kapag medyo malaki ang perang nai-uuwi ko sa maghapong paghahanap buhay.
Pero kapag walang pera, laging masama ang timpla niya sa tuwing kaharap ako..
Minsan naiinggit ako sa dalawang ate ko.
Mahal na mahal kase sila ni Nanay 'tas ako na bunso iba ang turing niya sa akin..
Parang hindi niya ako totoong anak...
Di ba dapat ang bunso, siya 'yong mas nakakalamang sa pagmamahal at atensyon?
Siya iyong paborito ng pamilya? Siya 'yong sunod sa layaw?
Pwes, sa akin ang lahat ay kabaliktaran!
Salat sa karangyaan ang islang kinalakihan namin ni Jeylai. Maski kuryente nga ay wala kami dito sa isla.
Pawang mga naka-lampara ang mga kabahayan dito. Ibang-iba sa Isla Magno at Isla Monteverde.
Ang kalapit naming mga isla ngunit, pawang mga pribado. Mayayamang tao ang may-ari ng mga islan iyon.
Noon ngang medyo okay-okay pa si Tatay at hindi pa nalulong sa pag-iinom, ay sinama niya ako minsan sa pangingisda, at mula sa kinaroroonan namin ay natanaw ko ang napakalaking bahay.
Mula sa Isla Monteverde.
Parang sinadya iyong itayo sa pinakamataas na bahagi ng islang iyon.
Tulad ng isla Magno ay maliwanag din iyon sa gabi. Malayo lamang ito mula sa isla namin kumpara sa isla Magno na medyo malapit lamang at natatanaw.
Minsan nga, maaninag mo ang mga tao sa loob ng bahay kahit gabi.
"Buti na lang at dalawang balding isda ang naangkat ko. Segi, sayo na ang isa para pareho tayong may kita sa araw na ito! Kundi, lagot ka na naman sa Nanay mong mangkukulam!" Ang nakairap sa hangin na anito.
Napangiti ako sa sinabi niya. Mangkukulam ang tawag nito kay Nanay at ewan ko ba, kung bakit hindi man lamang ako nakakaramdam ng pagtutol sa tuwing tatawagin siyang gano'n.
Kung wala si Jeylai at Arman na siyang sumasalo sa akin kapag gipit na gipit ako'y baka hindi ko na talaga kaya pa ang manatili sa poder ng aking mga magulang.
Mahal naman ako ni Tatay, alam ko. Dahil hindi niya ako sinasaktan.
Noon ngang bata pa ako ay lagi niya akong sinasama saan man siya magpunta.
Hindi rin siya madamot sa akin. Mas lamang ako sa pagmamahal niya kumpara sa dalawa kong nakakatandang kapatid. Ngunit kailan lang ay madalas itong nagpapakalulong sa alak.
At minsan kase kapag nasosobrahan ito ng inom ay sinasabihan akong umalis na lamang sa poder nila at magpakalayo-layo dahil hindi daw niya ako anak.
Hindi ko maintindihan kung bakit niya iyon nasasabi. Nasasaktan din ako sa tuwing sasabihin niya iyon.
Parang mas masakit ata 'yon! Na, malaman mong hindi ka tunay na anak at 'ni hindi mo alam kung saan ka ba talaga nangaling!
At sa tuwing tatanungin ko siya kinabukasan, kapag nahimasmasan na siya at wala na ang espiritu ng alak sa katawan niya, ay saka naman siya iiwas.
Huwag ko na lamang daw pansinin ang mga sinabi niya at dala lamang ng kalasingan.
May pagdududa man, sarili ko na lamang din ang natatakot na alamin pa ang totoo.
Kahit na minsan sa kaibuturan ng puso ko ay parang gusto ko na ring maniwala na hindi nga nila ako tunay na anak.
Marami kase sa mga taga isla ang nagtatanong kung bakit hindi nila ako kamukha!
"Halika na Lui, baka maiwan pa tayo ni Mang Pipeto!" Ang yakag na nito sa akin na ang tinutukoy ay ang may-ari ng malaking bankang de motor na siyang naghahatid sa mga taong pumupunta ng kabisera!
Sa kabilang pangpang, kung saan sasakay ka naman sa mga naghihintay na traysikel na siyang maghahatid naman sa mismong pinaka-bayan!
Bitbit ang tag-isang baldi ay tinungo namin ang batuhan kung saan nakapwesto ang bangka ni Mang Pipeto.
"Naku po! Nakaalis na si Mang Pipeto! Bakit hindi niya tayo hinintay? Sabi ko nang mag-antay siya saglit e!" Ang nagpapadyak sa inis na ani Jeylai.
Napakagat labi ako. Sa lahat ng mga nangyayari sa akin laging nadadamay ang mga kaibigan ko.
"P-pasensya ka na Jeylai, pati ikaw nadamay tuloy ng dahil sa akin.." Ang nahihiya kong hingi ng paumanhin.
Nag-init ang mga mata ko. Si Jeylai lang din ang inaasahan sa kanila.
Marami pa itong kapatid, at dahil tinanghali na kami, hindi na ito makakapag-angat ng gulay sa kabilang pangpang para idagdag sa kanyang paninda.
"Ano ka ba! Okay lang naman kung wala na akong maabutang gulay! Medyo marami naman ang dala nating isda ngayon. Okay na to." Ang tipid na ngiti nito sa akin. Pilit din ang ngiti ko, dahil nahihiya talaga ako.
Naupo muna kami sa batuhan. Sa susunod ay talagang aagahan ko na!
Kainis! Isang oras ang biyahe namin gamit ang bangkang de motor at kalahating oras naman ang sa traysikel papuntang mismong bayan. Anong oras na kaming makakaubos ng paninda niyan!
Ilang minuto na rin kaming naghihintay roon.
Napahaba ang leeg ko!
Nang makarinig kami ng ungong ng bangka. Kakaibang ugong iyon, malakas.
Hindi iyon ang bangka ni Mang Pipeto.
Kilala na namin ang tunog ng bangka niya sa madalas na pagsakay na namin roon.
Palakas ng palakas pa ang tunog! Hanggang sa matanaw na namin ito at mukhang sa dereksyon namin papunta.!
Napatayo kami ni Jeylai. Narinig pa namin ang hiyawan at tilian ng mga lulan no'n.
Tatlong kalalakihan at tatlong kababaihan ang sakay ng napaka-gandang bangka na iyon--
Ito ba 'yong sinasabi ni tatay na motor boat, yong Bavaria? Parang maliit siyang yate!
Ang ganda nga!
Ang sabi nila ay mayayaman lamang at talagang may pera ang nakakabili no'n!
Mula sa mabilis na takbo ay bumagal iyon papalapit sa amin. At tuluyang huminto mula sa aming tapat.
Nagkatinginan kami saglit ni Jeylai. Ang tatlong babae ay wala kang itulak kabigin sa sobrang gaganda!
Parang mga modelo!
Ang gwa-gwapo rin ng tatlong lalake. Lalo na yong pinaka-matangkad sa kanila!
Ewan ko ba pero, parang pamilyar siya sa akin! Nakita ko na ba siya?
Pinilig ko ang aking ulo!
Parang biglang nanakit ang sintido ko.
"Mga Nene saan ba kami makakabili rito ng mga sariwang isda? " Ang tanong no'ng pinakamatangkad sa kanila.
Nakangiti siya! Lalo siyang gumwapo!
Siya ang pinaka-gwapo sa kanilang tatlo sa paningin ko!
"Naku! Ang swerte niyo kuya pogi! Dahil naabutan n'yo pa kami! Kami na lang ang natira nitong kaibigan ko! Lahat ng nag-aangkat naka-alis na papuntang bayan para magtinda!" Ang masiglang sagot ni Jeylai rito.
"Bakit kase kailangan n'yo pang bumili ng isda e, pwede n'yo naman kainin ang mga isda namin!" Ang dinig namin anang isa sa mga babaeng nakasuot lamang ng panty at bra!
Kasunod ng hagikhikan ng dalawa pang babae at ang ngisihan ng dalawang lalake.
"Kapag wala talaga kaming nabili, talagang isda mo ang makakain ko mamaya." Ang anang isang lalake sa babae at kumindat pa. Lalong napahagikhik ang mga ito.
May isda naman pala ang mga babaeng kasama nila, bakit naghahanap pa sila ng ibang mabibili?
Namula ang mga pisngi ko at napaiwas ng tingin nang makita kong hinapit no'ng isang lalake 'yong isang babae at pinisil-pisil ang pisngi ng pang-upo nito!
Nakapanty lamang at naka-bra ang tatlong babae!
Ganito daw ang mga mayayaman kapag naliligo sa dagat!
Naka-panty lamang daw at bra!
Ang se-sexy nila pero ewan ko, at nahihiya akong tumingin sa kanila!
Bakat pa kase yong u***g ng dede nila. Wala sa sariling napatingin ako sa dibdib ko.
Naghagikhikan na naman sila kaya napa-angat ang ulo ko.
Nakatingin sa akin 'yong pinaka-matangkad na lalake. Parang kanina pa ako pinagmamasdan.
Lalo akong namula! Nakita kaya niya o napansin ang pagtitig ko sa mga babae at ang pagsipat ko sa sarili kong dibdib?
Shit! Nakakahiya!
"May isda naman pala sila Ate, Kuya. Bakit pa kayo naghahanap ng isda?" Ang tanong na iyon ni Jeylai ang nagpatuwid sa diwa ko..
Oo nga! 'Yon din ang umiikot na tanong sa utak ko.
Napakagat sa ibabang labi ang lalaki. Parang pinipigilan nito ang isang pilyong ngisi.
Napalunok ako...
Lalo siyang naging gwapo sa paningin ko!
Sino kaya sila? Napatingin ako kung saan dereksyon sila galing.
Sa isla Monteverde! Taga doon kaya sila? Sabi nila sa bali-balita ay mag-asawang matanda ang may-ari nun.
A, siguro may apo siya dito sa grupo? Parang si Ivo, ang apo ng may-ari sa isla Magno!
"Gusto sana namin yong malalaki at sariwang isda pang-ihaw," ang naka-ngiting sagot ng lalake na sa akin nakatingin.
"Bakit po maliliit po ba ang isda nila ate at bilasa na kaya--" Napahinto ako sa pagsasalita nang sabay-sabay na pumihit ng malakas na tawa ang tatlong lalake.
'Yong babaeng yakap ng isa ay kumalas pa at hinampas sa dibdib 'yong lalakeng kayakap niya kanina.
Siya 'yong pinaka-mukhang bata sa kanilang tatlo.
"Bilasa na ba 'yan babe, patingin nga?" Ang anito sa pagitan pa rin ng pagtawa!
"Klient! Stop it! Hindi nakakatuwa!" Sabay-sabay nang napasimangot ang tatlong babae at napahalukipkip.
Napakagat labi ako! May masama ba akong nasabi?
"Sige, bilhin na namin ang mga isda n'yo." Ang pukaw sa'min ng matangkad na lalake pero hindi pa rin mawala sa labi nito ang pilyong ngiti!
" Noah ano ba, parang Tito ka nang mga yan!" Ang tonong pang-aasar ng isa!
'Na kinahalakhak na naman nila!
"Gago! 'Yong isdang paninda nila ang tinutukoy ko!" Ang nakangising anito.
Ewan ko nang tumingin siyang muli sa akin ay parang hinalukay ang loob ng tiyan ko.
Napayuko ako...
Napabaling ako kay Jeylai..
Nagkatinginan kami 'uli.
Naguguluhan kami pareho sa mga kaharap namin!
Parang may sariling linguwahe ang mga ito na hindi namin maintindihan.
Hindi namin masundan!
"Lui! Jeylai!" Sabay kaming napalingon sa dereksyon ng boses ni Arman.
Humahangos itong tumatakbo palapit sa amin.
Napatingin ito saglit sa mga taong laman ng motorboat na nasa harapan namin.
"Hinahanap ka ni Idol," anitong sa akin nakatingin saka napatingin sa kanyang likuran.
Napaawang ang labi ko nang makita si Senyorito Ivo. May mga kasama rin ito.
Siguro 'yong mga kaibigan din niya na kasa-kasama niyang nagbabakasyon sa isla.
Nakasunod lamang din sila kay Arman!
Apo siya ng may-ari ng isla Magno.
"H-huwag na daw kayong tumuloy sa bayan bibilhin na daw ni Idol ang mga paninda n'yo." Ang humahangos pa rin na sabi nito.
"Nope! bibilhin ko lahat ng paninda nila." Napatingin naman kami sa matangkad na lalaking kausap namin kanina.
Nakababa na pala ito ng motorboat nila at sinisipat na ang dalawang baldi naming panindang isda.
"Hi Lui.." Napalingon kami kila Ivo na ngayon ay nakalapit na.
May tatlo itong kasama, ang isa'y nakilala ko na noon at ang dalawa naman, ay 'yon ko pa lamang nakita na sa tingin ko'y kasing edad lamang din niya.
"Kaya pala panay balik rito ni Ivo may magandang Sirena ang nakatira sa islang ito." Ang nakakalokong anang isa sa kanila. Bahagya naman siyang siniko ng isa pa.
Sinong Sirena naman kaya ang tinutukoy nila? Ako ba? bakit sa akin sila nakatingin e, hindi naman ako maganda?
Kalauna'y napatingin sila sa motorboat na nasa harapan namin at sa mga sakay nito.
Kunot noong napatingin si Ivo sa lalaking sinisipat ang baldi ng isdang paninda namin.
"Lui, bibilhin ko na lahat ng paninda n'yo ni Jeylai." Ang masuyong anito. Matamis ang ngiti nito sa akin.
May kung anong sumikdo sa puso ko!
Nakahinga ako ng maluwag! Hulog sila ng langit! Hindi na kami kailangan pang pumunta ng bayan at bumiyahe ng isa't kalahating oras!
Tumikhim ng malakas ang lalaking kausap namin kanina kaya sa kanya napabaling ang tingin naming lahat.
"Nauna na kami pare, bibilhin ko lahat ng paninda nila!" Salubong ang kilay na anito. Napalunok ako lalo na nang sa akin siya tumingin.
Lumunok ako ng ilang ulit para tanggalin ang batong nakabara sa lalamunan ko.
Bakit parang dumilim ang mukha niya?
"Kuya mas maigi hati na lang po kayo. Sa inyo na lang po 'yong isang baldi at 'yong isa, sa kanila naman po." Ang malumanay na suhesyon ko.
"Alin iyong sa'yo?" Ang tanong nitong ni hindi tumitingin sa akin. Napalunok akong muli. Hindi ko mawari kung bakit tinatanong pa niya kung alin doon ang akin.
E, pareho lang naman ang mga iyon! Pati baldi nga ay pareho ang kulay at laki.
"Ito po yong kaniya kuya pogi," si Jeylai na ang sumagot at tinuro ang baldi na siyang binuhat ko kanina.
"'Yan ang bibilhin ko." Anang lalaking umangat ang tingin sa akin.
Napatingin rin ako sa kan'ya.. Muli, parang may humalukay sa tiyan ko nang magtama ang mga mata namin..
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, hindi ko naman siya kilala!
Though, parang pamilyar nga ang mukha niya, ngunit sigurado naman akong 'yon ko lamang nakita ang lalaking ito dito sa isla!