Chapter 19

2098 Words
~Lui~ Dalawang Linggo pa ang matuling lumipas. At tulad ng napag-usapan namin ni Senyorito Ivo ay sa kanila na ako magtratrabaho. Kaya naman pagkalabas na pagkalabas ko ng ospital ay agad akong nagpunta kila Manang Shon upang makapagpaalam.. Kinausap na rin ako ng mga magulang ni Senyorito tungkol sa kagustuhan nilang tulungan akong makapag-aral. Walang mapagsidlan ng saya ko.. Kahit paano marami pa rin mga taong nagmamalasakit sa akin at handa akong tulungan. At sa susunod na pasukan ay pwede na rin akong mag-aral ulit. 'Yon na lamang ang nagpapagaan ng pakiramdam ko.. 'Yong isipin na sa wakas ay makakapag-aral na ako. Kahit paano nakakakita pa rin ako ng pag-asa para sa kinabukasan ko... Naiisip ko pa rin madalas si Noah. Hmp! Lagi naman e, ni hindi ata nawaglit ang taong 'yon sa isip ko.. Paro ngayon kapag naiisip ko siya mas nasasaktan ako.. Kapag naiisip ko kase siya, kabuntot ang sakit ng katotohanan na may babae na ngang nagmamay-ari sa kan'ya. Naikakasal na siya... Nasa kalsada pa lamang ako nang makarinig ako ng tila pagtangis sa loob ng aming tahanan.. Namilog ang mga mata ko? Anong nangyayari? Napansin ko rin na may ilan din kaming kapit bahay ang nasa labas at nakatingin sa bahay namin.. Kaya naman, malalaki ang hakbang kong pumasok sa loob.. Natigilan at napalunok ako nang mabunggaran si Nanay na nakasalampak sa sahig habang panay ang iyak.. May pasa ito sa mukha.. Nang hihilakbot akong napalapit sa kan'ya.. "N-nay ano hong nangyari?" Tinignan niya lamang ako.. At muling tumangis.. Gusto ko sana siyang yakapin at patahanin pero nag-alangan ako.. Ayaw niya kase ng hinahawakan ko siya.. Napatingin ako sa loob ng bahay.. Kalat-kalat ang mga gamit namin.. Marami ang basag na bubog rin sa sahig ang nagkalat. Ang mga upuan nga namin sa sala na gawa sa rattan ay nagkasira-sira! Parang sinadyang sinira! Ano to? Nag-away ba sila ni Tatay? Grabe naman ang ang pag-aaway na ito! Sino sa kanila ang nagsuper Saiyan sa kanilang dalawa? Nasaan na ba ang Tatay ko at kakamayan ko lang! Akalain mo yon, tila alam na nitong lumaban kay Nanay? Sumasagot naman siya kay Nanay pero hindi umabot sa punto na nagka-gulpihan silang dalawa! Makhang ngayon pa lang ata! Agad na hinanap ng mga mata ko si Tatay.. Pumunta ako sa bandang kusina. Nagimbal ako sa aking nadatnan. Shit! Mas malala ang natamo niya! Nagdurugo ang kilay niya at putok din ang labi niya! May malaki rin siyang pasa sa kabilang panga.. Nakayukyok siya sa sahig kaya agad ko siyang dinaluhan! "Tay, anong nangyari po sa inyo? Anong nangyari po rito?" Ang naiiyak kong tanong. Habang nakatingin sa nagdurugo niyang sugat ay naiiyak talaga ako.. Agad ako tumayo para kumuha sana ng pamunasa dahil puno na ng dumaloy na dugo ang kanyang mukha. Nag-angat siya ng mukha sa'kin.. At hinawakan ang aking kamay.. Mahigpit ang hawak niya! Kahit nahihirapan ay seryoso niya akong tinignan.. " Lui.. Ihanda mo ang mga gamit mo. Aalis tayo.. Sige na. Kunin mo pa ang mga gamit mo! " Nagtatanong ang mga kong tinignan siya! "Sige na Lui, huwag matigas ang ulo sundin mo na ang Tatay mo!" Ang segunda ni Nanay na malamlam ang tingin sa'kin at 'yon ang pinagtataka ko.. Malumanay ang boses niya pero may diin pa rin.. Unang beses na kinausap ako ng hindi sinisinghalan! Kaya tumayo na ako para magtungo sa kwarto... Mga importante at ilang mga damit ang nilagay ko sa bag ko.. Naraanan ko rin kanina ang malaking bag nila Nanay at Tatay.. Aalis na naman kami? Pero bakit ano na naman ang dahilan ngayon? Natigilan ako ng marinig ko ng bahagya ang pag-uusap nila pigil ang sigawan.. Lalo na si Tatay, parang pinipigilan lamang niya ang sarili na bumulyaw.. "Dahil sa bisyo mo, tignan mo kung anong nangyari sa'tin? Kung kailan maayos at tahimik na tayo rito, saka ka nagdala ng problema!" Madiin ang bawat bigkas niya. Dama ko ang gigil ni Tatay sa kan'ya.. "Sila ang lumapit sa'kin at nag-aalok ng pera na iyon, aakalain ko bang matatalo ako!" Ang tila nahihiyang depensa ni Nanay.. Medyo naging malinaw sa'kin ang lahat kaya magulo ang bahay at pareho silang may pasa at sugat! "Tatlong milyon? Saan ka kukuha ng pangbayad mo sa tatlong milyon? Narinig mo ba ang sinabi ng mga iyon? Kapag wala kang pang bayad isa sa anak natin ang kabayaran!" Nanlaki ang mga mata ko.. Isa sa'min ng mga kapatid ko ang kabayaran sa utang ni Nanay? Saka tatlong milyon? Saan kami kukuha ng ganyan kalaking halaga? Isa sa amin talaga ang magiging kabayaran! Bigla akong kinilabutan! At sa ugali ni Nanay malamang na wala kila ate ang ibibigay niya! Mahal na mahal niya ang dalawang iyon! Parang kung may anong tumatambol sa dibdib ko.. "Bakit hindi na lang natin ibigay si Lui? Hindi naman natin siya anak, isa pa pagkakataon na rin natin para tumigil sa pagtatago sa mga sindikatong humahanap kay Lui?" Ang ani Nanay na kina pikit ng mga mata ko.. Biglang nanginig ang kalamnan ko.. Inaasahan ko na naman at alam kona na hindi talaga nila ako tunay na anak.. Pero...... Subrang sakit pa rin sa'kin nang marinig ko iyon mula mismo sa kanila! Agad kong pinunasan ang takas na luha sa mga mata ko.. Inatake rin ng maraming tanong ang isip ko.. Hinahabol ng sindikato sila Tatay--ako? Pero bakit? Sino ba talaga ako? "Para ko nang anak si Lui, napamahal na sa akin ang bata.. Kasalanan ko kung bakit nakakaranas siya ng hirap, kasalanan ko kung bakit malayo siya ngayon sa mga magulang niya..Inilayo ko siya.. Pero hindi ko siya ibibigay kahit kanino! Ibabalik ko siya sa magulang niya! At kung makukulong man ako, ay handa kong tanggapin!" Hindi ko alam kung alin ba sa nararamdaman ko ang dapat kong pagtuunan ng pansin.. Pero ang malaman na hindi talaga ako pinamigay ay nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa dibdib ko.. Ibabalik ako ni Tatay sa mga tôtoong magulang ko? Gusto kong mag-iiyak sa natuklasan kong katotohanan pero mas pinangungunahan ngayon ng takot ang dibdib ko.. Kay Tatay lamang ako sasama.. Dahil alam kong siya lang ang may malasakit sa'kin at ang nakakakilala kung sino ba talaga ako.. "Hindi ko siya ibibigay sa kahit kanino! Maliban sa totoo niyang pamilya na alam kong magpahanggang ngayon, ay umaasang buhay siya! Lui! bilisan mo aalis na tayo!" Ang malakas na tawag sa'kin ni Tatay ang nagpakilos agad sa akin.. "Paano kung isa sa mga anak mo ang kunin ng mga 'yon?." Naiiyak na tanong ni Nanay kay Tatay. Nang mapabaling ang mga mata nito sa'kin ay napalunok ako.. Mabagsik nang muli ang mga mata nito nang tignan ako.. Ako talaga ang gusto niyang ibigay upang pangbayad! Kaya napayuko ako habang yakap ang bag ko .. Nakita ko si Tatay na nagpupunas ng mukha naawa ako sa nangyari sa kan'ya. Alam kong nadamay lamang siya sa atraso ni Nanay.. "Pwes kung di ka sasama sa amin maiwan ka dito, pero ilalayo ko si Lui.. " Ang ani Tatay na dinampot na ang malaking bag.. Inakay na lamang niya ako palabas ng bahay.. Dumaan muna kami sa inuupahan nila Ate Malta.. Agad naman itong umalis rôon at pinuntahan si Ate Marry na nang mga panahon na iyon ay sa Manila na rin naninirahan at nagtratrabaho.. Hindi ko alam kung saan ba kami tutungo pero nagpatianod na lamang ako at walang reklamong sumunod kila Tatay at Nanay kahit pa nga sobrang ramdam ko na ang pagod.. **** Gabi na nang makarating kami sa Bayan ng Dasul.. Parang may kung anong sumikdo sa puso ko.. Babalik kami.. Babalik na kaming muli sa isla Mabato! Napagpasyahan na muna naming magpaumaga na lamang sa harap ng munisipyo.. At dahil sa matinding pagod ay talagang napasarap ang tulog ko.. Nagising lamang ako sa mahinang tapik ni Tatay sa balikat ko.. Tumitilaok na ang manok.. Nag-aagaw liwanag na.. Naririnig ko na rin ang ugong at ingay ng mga trysikel.. Pupungas-pungas akong tumayo.. Sumakay kami ng trysikel papuntang pangpang kung saan naman naghihintay ang bangkang de motor na maghahatid sa'min sa isla Mabato.. Bigla akong nakaramdam ng pagkasabik.. Ewan ko pero habang nasa biyahe ay naiiyak ako.. Kumusta na nga kaya ang Isla? Kumusta na ang mga tao rito? Si Jeylai at Arman kaya kumusta na? Kung babalik kami sa isla Mabato, ang ibig bang sabihin, e, posible na magkita rin kami ni Noah? Handa ba akong makita siya? May naiwan ako sa bahay niya.. Naiwan ko ang kwentas ko sa kwarto ko rôon. Importante sa'kin 'yon.. Kailangan ko na rin tanungin si Tatay kung sino ba talaga ang totoo kong mga magulang at kung paano ba ako napunta sa kanila! Kailangan kong malaman kung saan ba ako talaga nakatira at kung sino ang mga magulang ko.. Nang makarating kami ng daungan ay nakita ko ang hindi makapaniwalang reaksyon ni Mang Pepito.. Masayang nagbatian at nag-usap ang dalawa . At kahit pa nga nasa biyahe kami at panay ang balitaan ng dalawa sa nakalipas na mahigit dalawang taon.. Naging matalik na kaibigan kase ito ni Tatay.. "Marami nang nagbago sa isla Mabato.. Lahat ng bahay rôon may sariling kuryente na. May pa pyestahan na rin dôon. Payesta ni kapitan.. Sa katunayan ay swerte ng pagdating nyo at pyestahan na sa Linggo.." Ang masayang pagbabalita ni Mang Pepito.. Tahimik lamang akong nakikinig sa palitan nila ng usap. Ngunit sa loob-loob ko'y namamangha rin ako sa nalaman! So maliwanag na pala ang isla Mabato ngayon at hindi na tulad dati na umaasa lang ang mga tao sa gasira? Kung gano'n mas masaya na ang buhay sa Isla! "At hindi lang pang elementarya ang eskwelahan ngayon dahil may eskwalahan na rin para sa mga high school. Kakatapos lamang noong nakaraang taon. Kaya itong bunso mo e, pweding-pwede nang makapag-aral lalo na't libre naman.. " Ang dagdag na pagbabalita nito na kinagalak ng kalooban ko. Kung gano'n may pag-asa pa rin na makapag-tapos ako kahit high school lang! Tumango-tango lamang si Tatay kita ko rin ang pagkamangha nito sa mga nalaman.. "Buti naman at pinansin na rin ni Mayor ang hiling ni Kapitan at ng mga taga isla Mabato."Ang simpleng komento ni Tatay. Nakinangiwi ni Mang Pepito.. At napailing.. "Hindi naman si Mayor ang tumulong sa isla e, kundi ang bagong may-ari ng isla Monteverde.." Parang may kung anong sumuntok sa dib-dib ko.. Bagong may-ari ng isla Monteverde? Si Noah..  Si Noah ang tumulong sa isla Mabato.. "Napakabait ng binatang yon, wala akong masabi at napakasimpleng tao." Ang puno ng paghangang kwento pa nito.. Pagdating sa isla Mabato ay agad tumawag ng mga kalalakihan at mga kabinatahan na makakatulong ni Mang Pepito at Tatay sa paggawa ng nasira naming bahay.. Sa dalawang taon namin pagkawala ay halos nagigibang bahay na rin ang nadatnan namin.. Nagpapasalamat pa rin kami at mayroon pa kaming nadatnan at nauwian.. Inutusan rin nito ang anak upang siya muna ang humalili at magasikaso sa pagbi-beyahe sa kanilang bangka.. Tumulong din naman ako sa abot ng aking makakaya.. At marahil ito ang isa sa pinakanami-miss ko sa lahat at ang isa sa maipagmamalaki ko dito sa Isla.. Ang tulungan at bayanihan ng mga tao rito.. Dadamayan ka sa hirap o ginhawa! Sino pa naman kase ang magtutulungan kundi kami-kami lang din naman.. Karamihan sa mga tumulong ay kilala ko na.. Karamihan nga sa kanila, noon pa ay nagpapalipad hangin sa akin.. Panay pakawala naman biro at panunukso ni Mang Pepito sa mga kabinatahan.. "Ang gusto daw ni Lui na manliligaw yong hindi papatay-patay magtrabaho! E, itong si Baldo panay tingin lang kay Lui! Mas nauuna ang tingin kesa sa kilos!" Napapailing na lamang ako ng maghiyawan silang lahat.. "Baka matunaw Baldo sa kakatitig mo!"Ang dinig ko pang anang isa." Mukhang nabuhay na naman ang mga dugong sa islang ito! "Tumigil ka nga dyan! Palibasa busted ka na noon pa e," ganting sagot nito.. "Lui, pwede ba akong umakyat ng ligaw?" Natatawa akong napailing.. "Hoy, Baldo! Hindi naghahanap ng alagang aso si Lui.. Kabayo ang hilig n'yan.." Muling nagtawanan ang lahat.. Hindi na lamang ako sumagot o nagbigay ng reaksyon! Sanay pa rin naman ako sa mga palipad hangin ng mga to! Kahit minsan nakakapikon na rin! Sana nga kapag nagpalipad hangin sila sumama na rin silang tangayin papuntang gitna ng dagat! Nasasabik na akong makita ang dalawa kong kaibigan! Ngunit wala daw si Arman at nasa kabilang isla. Samantalang si Jeylai ay sa kabisira na raw ito ngyon nagtratrabaho at isang beses sa isang Linggo lamang daw itong umuwi ng Isla! Malamang ay sa pyestahan sa Linggo ko pa ito makikita! Nasasabik na akong makita at makibalita sa kan'ya! A/N: Unedited
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD