~Noah~
Pasimple kong tinignan ng matalim si Klient habang pababa siya ng helikopter.
Kasunod nito si Klierzon, Marvin, Uno at tatlong babae, kabilang na si Charlene.
Alanganin ang ngisi nitong sinalubong ang masama kong tingin.
Napakamot ng batok at binulungan ako!
"I'm sorry budz, she persisted to come, and I can't say no." Aniyang tinapik ang balikat ko. Napabuga na lamang ako ng hangin!
Malawak naman ang ngiti ni Charlene na agad lumapit at lumingkis sa akin.
And this is the reason why I want to avoid her.
Masakit siya sa ulo! Masyado siyang makulit.
At hindi ko maiwasang mainis.
Makulit rin naman si Lui pero mas gusto ko 'yong kakulitan niya..
Kase gusto mo siya. Kaya hindi mo magawang mainis!
Ang tila pagtatama ng isang tinig sa utak ko.
Damn. Yes. Tama ka!
Gusto ko siya. Lahat ng ginagawa niya gusto ko.
At malabo talaga na makaramdam ako ng inis sa babaeng hindi ko lang gusto kundi minahal ko.
At hindi ko maramdaman sa kahit kaninong babae, ang naramdaman ko kay Lui.
Lalo na dito, kay Charelene. She's really pain in the ass!
Naiinis din ako na panay ang pa-interview nito at tila sinasadyang sabihin sa media na may espesyal ngang namamagitan sa amin, which is wala naman talaga!
Oo ngat nakasama ko ito sa ilang event lately but it's just for pure business matter.
Siya lagi ang pinapadalang representative ng Ama nito. Kaya wala akong choice.
And her dad just asked me for a favor to accompany his daughter.
Isa siya sa pinaka importanting investor ng kompanya so I can't decline the request.
Sinenyasan ni Uno ang dalawang tauhan nitong ibaba na ang mga kahon-kahong laruan at mga pagkain na regalo ko sa kabilang Isla para sa pyesta kinabukasan.
Pagpasok namin sa loob ng bahay ay naabutan pa namin si Aling Bebang na patapos na ring maghain ng pananghalian.
May nilagay pa itong ilang gawa nitong kakanin sa isang malaking towerware at inilagay rin sa gitna ng mesa.
"Wow! Ang masarap na bibingka ni Aling Bebang!" Ang agad na bungad ni Klient na kinailing ko.
Siya lang ata ang nakakaubos lagi ng biko ni Aling Bebang kapag pumaparito ang mga ito.
"Naku, alam kong darating kayo kaya pinag-gawa ko kayo talaga.. Dinagdagan ko na rin para kay--"
"Kain na tayo, Sweetheart? Nagugutom na ako e, " ang malambing na ani Charlene.
Hindi pa rin nito mabita-bitawan ang braso ko.
"Sweetheart, kain na daw tayo... Gutom na raw siya, at gutom na rin ako!" Ang may halong pang-aasar sa akin ni Uno.
I murderly looked at him. And mouthed a curse!
Sana hindi kana uwian ni Arielle Marie tang*na ka!
Sunod- sunod na kaming umupo sa harap ng mesa. Maraming nakahain na masasarap sa mesa..
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng bumungad si Mang Ramil sa kusina..
Magalang niya kaming binating lahat saka nilapitan ang asawa..
"Mahal nasaan na 'yong ibibigay mo kay Lui?" Mahina lamang ang pagkakasabi nito pero malinaw na nakarating iyon sa tainga ko..
Agad na nagsalubong ang kilay ko.
Tama ba ang pagkakarinig ko? O, namali lamang ako ng dinig?
"Nariyan na ho si Lui?" Si Klient.. So, hindi ako nagkamali ng dinig.. Is she really came back?
Parang may sumipa sa dibdib ko..
Pero hindi ako nagpakita ng pagka-interes..
I hope, I could manage, tho..
Lumingon silang mag-asawa sa amin..
Ramdam ko ang mata nila sa dereksyon ko..
Nagpatuloy lang ako sa pagkain na parang walang naririnig..
Pero tang*na parang biglang nanginginig ang kamay ko..
"Aba, oo. Nakita ko noong isang araw pagdalaw namin sa bahay namin roon. Halos hindi ko nga nakilala ang batang iyon.. Sa mahigit dalawang taon nawala ang laki ng pinagbago! Ay lalong gumanda at napaka-tangkad para bang modelo! Gano'n pa rin napakabait pa rin!" Ang masayang kwento ni Aling Bebang..
"Sinong Lui? " Ang takang tanong ni Uno..
Napatikhim si Klient..
"Yong magandang Sirena d'yan sa kabilang isla, na bigla na lang nawala! " Ang makahulugang ani Marvin..
"Ah, alam ko na. Si Princess Ariel ba yan, 'yong bumihag sa puso ni prince Eric? " Ang hagikhik na ani Uno..
Ewan ko pero napadiin ang mga kubyertos ko sa pinggan ko kaya naglikha iyon ng ingay na
kinalingon nilang lahat sa akin..
Dumilim ang mukha ko...
Muling bumalik ang ginawa nitong panloloko sa'kin..
She tricked for 1 million..
Ang sabi niya makikipagkita siya..
But after she get the money, she cut off our communication.
"May dahilan siguro kung bakit siya biglang nawala.." Ang mahinang boses na pagdepensa ni Aling Bebang sa kan'ya.
Noong isang araw na pala siya dumating bakit hindi siya pumunta dito?
But then, sarkastikong pangisi ako sa sarili kong tanong.
Siya nga naman bakit pa siya pupunta?
Baka ayaw niya kase alam niyang may atraso pa siya sa'kin.
O, baka ayaw pumarito kase kasama niya asawa niya?
"May asawa na po ba siya, Aling Bebang?" Napatingin ako kay Klient.. Gago! Manghuhula na ba ang gago at mukhang nahulaan niya ang laman ng isip ko.
"Nako, wala. Napakabata pa niya para mag-asawa. Tinanong ko nga rin siya kung may nobyo na pero wala daw.. Sayang naman kung mag-asawa siya agad-agad.." Bigla itong napatigil at napalunok na tinignan si Mang Ramil..
"Hindi naman po sayang Aling Bebang basta ba dôon sa tamang lalake siya mapupunta, di ba fafa Noah?" Ang ani Klient na sa akin nakatingin saka kumindat pa ang gago!
Sinamaan ko siya ng tingin..
Ngumisi lang siya sa'kin.
"Pahiram ako mamaya ng jetski mo a, parang masarap mag-stroll ngayon sa kabilang isla." Ang makahulugan nitong sabi.
***
Kinahapunan ay umalis nga si Klient kasama si Marvin sakay ng jetski.
Nagdadalawang isip pa ako noong una kung susunod ako pero sa huli natagpuan ko na lang ang sariling sakay ng motorboat kasama ang iba pa.
Pagdaong na pagkadaong namin sa kabilang pangpang ng isla Mabato ay agad kaming binati ni Mang Pepito.. Tinulungan niya rin kaming isadsad sa bunganinan ang motorboat na gamit namin.
Itinali rin niya iyon sa malaking poste kung saan rin nito tinatali ng de motor nitong bangka.
Para kahit tumaas man ang tubig ay hindi iyon aanurin.
Kapansin-pansin ang pagiging abala ng mga tao sa paglalagay ng mga dekurasyon sa paligid ng Isla..
Bawat taong madaanan namin ay binabati kami..
"Magandang araw po, Sir Noah.. " Ang kalimitang bati sa'kin na sinusuklihan ko lamang ng tipid na ngiti..
Noong nakaraang taon ay napagpasyahan kong tulungan ang isla Mabato upang magkaroon ng linya ng kuryente..
Kaya naman laking pasasalamat ng mga ito dahil nagliwanag na ang Isla at unti-unti na rin nagbabago ang pamumuhay ng karamihan sa kanila..
Ang isla ay tila biglang nagkaroon ng buhay..
Makakarinig ka na ngayon ng mga musika mula sa dvd player at mga radyo..
Nakakapanood na rin ng tv ang karamihan sa kanila..
Namangha ako nang marating namin ang plaza na malapit lamang sa tahanan ng mismong kapitan..
The plaza is already full of various decorations..
People have also set up small tables around the plaza for their wares.
May vedio ok rin ang maingay na matatanaw sa di kalayuan...
Bawat madaanan namin mga grupo ng kabinatahan ay sa tatlong babaeng kasama namin napapatingin.
Ang iba ay tila namamangha habang nakatingin kay Charlene, siguro ay namumukhaan nila.
At sa pagkakalingkis nito sa'kin di malabong isipin din nila na tôtoong nobya ko nga ito..
Pasimple kong binaklas ang mga kamay nito sa braso ko....
Natanaw ko na si Klient at Marvin sa isang bbq stôol.
Kaya dôon rin kami lumapit..
Panay nguya ng dalawa.
Agaw pansin ang grupo namin pero alam ko naman na sanay na ang mga tao na rito sa isla Mabato na makita ako..
Nagpupunta kase ako rito ng personal para bisitahin ang pinapagawa kong eskwelahan noon na kakatapos lamang noong nakaraang taon..
Nang makalapit kami sa kinaroroonan nila ay pasimple niya akong kinindatan at nginuso sa'kin ang isang dereksyon..
Parang tila tumigil naman ang mundo ko nang makita ang isang matangkad na babae..
Parang nagreregodon din bigla ang t***k ng puso ko..
Nang pahapyaw kong makita ang mukha nito..
May kasama itong dalawang kababaihan at grupo ng apat na lalake..
May hawak siyang platik ng softdrinks..
Sumisipsip siya sa straw..
Nakita ko nang kumapit siya sa braso ng isa sa mga lalake...
Si Arman.. Ang matalik niyang kaibigan..
Kakaiba siya at talagang agaw pansin sa karamihan..
Matangkad na siya sa murang edad niya noon, pero mas tumangka siya sa nakalipas na mahigit dalawang taon.
Medyo mahubog na ngayon ang kanyang katawan at lalong pang naging mestisa..
Hindi na siya sobrang nene kung titignan..
Ang laki nga ng pinagbago niya..
At kahit pa nakatalikod pa siya ay kilalang-kilala ko ang mga galaw niya..
Napakahaba na ang itim na itim niyang unat na buhok..
Makintab at malambot.. Ang buhok niyang gustong gusto kong haplosin at laruin sa aking mga daliri noon.
"Ano ka ba, kung saan-saan ka nakatingin.. dôon na nga tayo.. " Ang nakangusong ani Charlene na nakatingin na rin pala kung saang dereksyon ako nakatingin..
"Dito na lang tayo, ang sarap ng bbq ni Manang, at masarap din ang tanawin." Ang kindat ni Klient kay Manang na bahagya pang kinilig..
Pansin kong halos lahat ng kadalagahan ay sa amin na nakatingin pero siya, parang sinasadya n'ya talaga hindi kami tignan..
Umiiwas ba siya? I smirked..
Baka takot sa'kin may atraso e.
Hindi ko inaasahan ng pihitin ni Charlene ang mukha ko at salubungin niya ng halik ang mga labi ko..
Saglit lamang akong natigilan sa pagkabigla.
Nang igalaw nito ang labi sa labi ko ay dôon ako nahimasmasan at agad ko siyang hinawakan sa balikat at inilayo..
Napatingin ako agad sa dereksyon kung saan si Lui..
Nakita ko siyang nakatingin sa'min..
Saglit na nagtama ang mata namin.
Pero agad rin siyang nag-bawi ng tingin at umiwas!
Kumakabog ang dibdib ko..
Kahit sa distansya tang*na bakit gano'n, bakit parang may nakita akong pagguhit ng sakit sa mga mata niya..
Nang makita ako sa gano'n tagpo..
Parang gusto ko tuloy siyang lapitan agad para makapagpaliwanag..
Pero para akong binuhusan ng malamig na tubig at tila nagdilim din ang paningin ko.. Nang biglang may lumapit sa kan'yang lalake at Inakbayan siya..
Kinuha rin nito ang plastik ng softdrinks na iniinom ni Lui at uminom rin doon..
Si Ivo.
They are sharing Drinks?
Dati, kaming dalawa ang nagshe-share and I don't really mind..
I love sharing things with her.. For me, She's my future wife...
Ewan ko pero dala ng selos ay wala sa sariling umakbay din ako kay Charlene..
Napatingin siya sa'kin at matamis na ngumiti sa'kin kaya tipid na ngiti rin ang ginanti ko..
Niyapos nito payakap ang baywang ko..
Nakita ko nang tignan ako ng masama ni Klient na parang binabalaan pero pinagkibit balikat ko na lang..
This time, ipapakita kong baliwala na siya talaga sa'kin.. That l had moved on from her!
Biglang nag-vibrate ang cellphone ko..
Message tone.. Agad ko iyong dinukot sa bulsa at sinipat iyon..
Klient: Sige. gumanyan ka tang*na ka. Pagsisihan mo yan!
"Guys, narinig nyo na bang kumanta ang girlfriend ko?" ang malakas na boses ni Ivo..
"Wow! girlfriend daw ano yan, sapilitan?" Ang kanyaw ng isa..
"Pagbigyan mo na matagal na niyang pantasya yan! Nangangarap na naman ng gising!" Ang pasegunda ng isa na ginantihan ni Ivo ng dirty sign finger..
"Hoy! tigilan mo nga yang kakaganyan.. putulin ko kamay mo. May mga bata oh!" Ang saway ni Lui..
Na-miss ko ang boses niya..
"Sorry na.. Misis ko. Gusto lang kitang ipagmalaki sa kanila.." Ang anitong kinabig pa si Lui at hinalikan sa ulo..
Lui tsked at him..
"Softdrinks naman ininom mo pero bakit parang daig mo pa ang lashing ?" Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko matagalan ang tila lambingan ng dalawa!
"Kakanta na yan! kakanta na yan!" Napatingin na rin ang mga kasama namin sa dereksyon nila..
Masayang nagsigawan ang mga ito..
Pilit naman na inaakay ng lalaking yon si Lui papunta sa harap ng vedio ok machine..
Hanggang sa tila napilitan na itong kunin ang iniaabot na mikropono sa kan'ya..
Dala ni Ivo ang makapal na libro na alam kong song list..
Nilapit nito ang mukha sa bandang pisngi ni Lui..
Style!
Pasimple chancing ang gago!
Nakita kong tumipa na ito ng numero sa harap ng vedio ok machine..
"This song is dedecated to my first ever love.." Parang may biglang sumipa sa dibdib ko..
"It is not possible that the love I have for you is gone so quickly.." Sa dereksyon namin siya nakatingin..
Kita kong muli ang pagbalatay ng sakit sa kan'yang mga mata..
Her voice... How she talks..
Siguro nga malaki ang nagbago sa kan'ya..
Pero yong epekto pa rin niya sa akin..
Gano'n na gan'on pa rin, baliw na baliw pa rin ako sa kan'ya!
" But I wish you really to be happy with the person who conquers your heart.." She painfully chuckled.. parang pinipilit lang ang sariling tumawa..
I heard Klient smirk.
Parang Awtomatikong dumikit ang mga mata ko sa kan'ya..
We stared at each other.
"Parang mahal pa rin ni Princess Ariel si Prince Erec." - utas ni Uno.
"Parang gusto ko siyang ligawan mas hamak na mas gwapo ako kesa don sa kasama niya totoy, parang di sila bagay.. " Ang tila interesadong ani Klierzon.
Humagikhik si Marvin...
"May nauna na nang nag-mine! Si Prince Erec nga!" Napapikit na lang ako sa bulungan ng mga kasama ko..
Ni hindi na maipinta ang mukha ng mga kasama naming mga babae..
Si Charlene pilit na kumapit sa braso ko..
Mahigpit siyang kumapit.. Pero ang mata ko tila di na matanggal-tanggal pa kay Lui..
Lalo akong nakaramdam ng matinding pagungulila tang*na..
Sabi ko move on na ko pero yong depensa ko, unti-unting nagigiba!
Pagdating sa babaeng to, mahina pa rin ako!
"This song contains everything that I really felt for you. And wanted to tell you back then.. Pero kulang yong lakas ng loob ko para masabi sa'yo noon.. I wish you all the happiness in the world, husband ko.. " Is it for me? Really for me? Bakit pakiramdam ko ako pa ang may kasalanan? E, siya yong nang-iwan at lumimot?
"Ang daya naman! Dapat sa'kin ang dedication nyan, ako na ang Jowa mo e, " ang nakangusong ungot ng gago..
Ang sarap niyang busalan. Papansin ang gago!
"Akin na yan Misis ko! " umugong ng kantsawan sa grupo nila..
"Oo na sige na para manahimik ka na!" Natatawang aniya..
Naisip ko.. Are they really a couple?
Tang*na hindi pwede, akin pa rin siya!
Bakit ba ganyan ang ibig ko'y lagi kang pagmasdan
Umula't umaraw ay hindi pagsasawaan ang iyong katangian
Damdamin ko'y ibang-iba kapag kapiling ka sinta
Ewan ko bakit ba ganyan damdamin ay 'di maintindihan
Kailangan ang pag-ibig mo dahil sa ako'y nagmamahal sa 'yo
Magmula nang ika'y makilala
Bakit ba ganyan kung minsan ay nauutal sa kaba
Kapag ika'y kausap na ngunit lumalakas ang loob
Kung ikaw ay nakatawa
Ewan ko bakit ba ganyan damdamin ay di maintindihan
Kailangan ang pag-ibig mo dahil sa ako'y nagmamahal sa 'yo
Magmula nang kita ay makilala
A/N: unedited. bukas ko na lang ayusin. expect many errors review at edit ko bukas..