NAGMISTULANG piyesta sa kanila dahil sa pagkain na nakahain sa lamesa nina Cassandra. Simula't sapol ay ngayon lang nangyari na nakapagluto sila ng pancit. Pati mga kapit-bahay ay nakikain na rin at pinapangunahan ni Merna at Lydia at halos buong pamilya yata ng mga ito ay bitbit pa ng dalawang tsismosa.
Hindi na lamang nagsalita pa si Cassandra dahil tuwang-tuwa naman ang bunso nila lalo na ang Nanay niyang binibida ang guwapong si Edward. No’ng una kasing nakita ni Aling Marites si Edward ay hindi niya naitanong ang pangalan nito dahil umalis rin agad ang binata. Ngayon niya lang nalaman dahil halos batukan si Cassandra ni Marites masabi niya lang ang pangalan ni Edward.
“Kayguwapo ng pangalan Mare, parang matunog ang angkan ng dyowa ng anak mo! napakasuwerte mo talagang bruha ka!” litanya ni Lydia.
“Ipakilala mo nga kami, Mare sa Edward na ‘yon baka kahit sa alalay lang niya ay pumasa pa kami, ‘diba Lydia?” pangangatong naman ni Merna.
“Sus, purbida naman kayo, tingnan n’yo nga ang mga hitsura ninyo para kayong mga baklang pokpok. Ni tingin ay ‘di kayo pag-aasakyahan ng mga alalay ng boyfriend ng anak ko!” pagmamalaki ni Aling Marites kaya naman ay hinampas ito ni Lydia.
“Alam mo ikaw, pasmado ‘yang bunganga mo, pasalamat ka at nagmana ang anak mo sa tatay niya dahil kung sa ‘yo? tiyak mas malala pa sa tiyanak ang hitsura ni Cassandra.
Inis na hinagis ni Cassandra ang kahoy na sandok sa lamesa kaya nahulog ito sa lupa na siyang ikinatahimik ng mga ito. Kahit anong pakitaan ng mabuti ang mga ito ay ugaling kalye pa rin, nakikain na nga sa kanila at may mga balot pa sa plastic nakuha pang laiitin ang pamilya niya
“Tumahimik kayo at baka hindi makapagtimpi ipasuka ko sainyo ang nilamon ninyo!” turan ng dalaga na hindi naman magkanda-ugaga ang dalawa at bitbit ang maliliit nitong anak habang singit sa kili-kili ang mga plastic na pinagbalutan ng pagkain.
“Ay, salamat sa pagkain mare, hapi birtde uli sa anak mo. Siya uuwi na kami at mukhang umaambon na, hihi!”
Pekeng ngumiti si Aling Marites nang magpaalam sina Lydia at Merna at maging ang ibang kabaranggay ay sumabay na rin sa kanila. Nang makaalis ay hindi maipinta ang mukha ng Nanay niya.
“Mga patay gutom ang mga puking ina! Naubos ba naman ang isang plangganang pancit at tinapay. Limang balot na star bread ‘yon ah. Pati ang juice ubos na rin?”
Talak ni Aling Marites at mas lalong nainis si Cassandra. “Paano hindi mauubos e pabalot kayo nang pabalot ni hindi ko nga kilala ‘yung mga kinumbida n’yo pati ‘yong tinira ko na pancit sa kaldero nilabas n’yo, eh almusal pa sana ‘yon ng mga bata bukas.”
“Huwag mo nga akong mataas-taasan ng boses letse. Ikaw ang may kagustuhan na maghanda sa kapatid mo kaya huwag kang magrereklamo sa akin!”
Hindi na bago kay Cassandra ang lakas ng boses ni Marites kahit pa na malapit lang naman sila. “Oo nga Inay, ako naghanda pero hindi ibig sabihin ay kailangan n’yong papuntahin rito ang mga iyon ni hindi nga natin sila kamag-anak at hindi rin tayo mayaman para mag-imbita. Ang akin lang eh tayo-tayo lang ang kakain dahil hindi naman kalakihan ang handa pero nagulat na lang ng kasama mo na ang mga iyon kulang na lang pati si kapitan at kagawad ay tawagin n’yo pa.”
Sagot ni Cassandra kaya sa inis ni Marites ay hinila nito ang buhok niya saka pabalang na binitawan at parang umalog na naman ang utak niya.
“Hindi ako puwedeng magpatalo sa mga ‘yon, eh sa tuwing nagtotong-its kami, palaging binibida sa akin ang mga handa nila sa mga anak nila. Akala yata nila eh hindi ko kayang magpapansit kaya ayon, pinamukha ko sa kanila na hindi lang sila ang maypera! O ‘diba, nakita mo naman kung paano lumuwa ang mata ng mga gaga!”
Magsasalita pa sana si Casandra nang magsalita ang bunso nila.
“Ate, Nanay, huwag na kayo mag-away kahit ngayon lang sa birtde ko.”
Napakurap-kurap si Cassandra nang sunod-sunod na lumuha ang bunso niyang kapatid. Nilapitan niya ito at binuhat at pinaupo sa legs niya.
“Hindi naman nag-aaway si Ate at Nanay. Nag-uusap lang bunso. Hayaan mo, simula ngayon hahabaan pa ni ate ang pasensya hmm?” nilambing-lambing niya ang bunso at niyakap habang si Marites naman ay nagsindi ng sigarilyo at lumabas ng bahay.
Napabuntong hininga si Cassandra habang sinusundan ng tanaw si Aling Marites. Tiyak na pupunta na naman sa sabungan si Marites. Gan’on kalulong sa sugal ang Nanay niya at kahit na panlalaking sugal ay hindi pinapalagpas ni Marites. Kapag ganitong linggo kasi ay walang majong at sabong ang naka-schedule sa listahan ni Marites. Nakikipustahan ito at kung minsan pati kaluluwa nito ay siyang pinamambabayad sa sugal nito.
Nakatulog ang kapatid niya sa kandungan niya at tatayo sana siya upang ihiga ang bunso nang may humintong sasakyan sa tapat ng bahay nila. Katulad ng dati ay nagsihaba na naman ang mga leeg ng mga kapitbahay.
Napulunok si Cassandra nang bumaba roon si Robert at ito ang kauna-unahan na nakita niyang may sasakyan na dala ang boyfriend niya. Ipinagsasalamat niya na ngayon ito dumating dahil kung nagpang-abot pa ito at si Lydia ay tiyak na mabubuking siya na kabit ng tiyo-hin nito.
“Rob…” sambit niya nang makalapit ang binata at agadd siyang siniil ng halik. Umiwas siya agad dahil nga sa mga mapanuring mga matang nakatingin sa kanila.
“Yung kapatid ko, naiipit,” pagdadahilan niya at humingi naman ng sorry si Robert.
“I came to here to invite you for a dinner,” saad nito.
“Pero busog ako, nagluto ako ng pansit para sa bunso namin, kaarawan niya ngayon.”
Tugon ni Cassandra. Ginala naman ni Rob ang tingin sa magulo nilang bahay at pati ang plato na plastic na binalibag kanina ni Marites ay nakataob sa lupa pati ang kutsara. Nakagat ni Cassandra ang labi nang dumapo pa ang tingin ni Robert sa kusina nila at dahil sa kurtina lang ang nagsisilbing pintuan nila na winaksi ni Marites kanina kaya kitang-kita ang kusina nilang nasa lupa lang at nagkalat ang uling at ang malala pa ay ang kawali nilang maitim at dinidilaan ng galang aso.
“Pasensya ka na Rob sa bahay namin, hindi ko rin masunod sa paglinis kasi busy ako sa paghahanap ng makakain ng mga kapatid ko,” napaiwas siya ng tingin habang sinasabi iyon kay Rob. Inalis ni Rob ang short ng kapatid niya na nakalapag lang sa bangko at umupo si Rob sa tabi niya.
“Let me, alam kong nangangalay ka na,” wika ni Rob at kinuha sa kaniya ang kapatid at pinahiga ni Rob ito sa kandungan at unan ang bisig niya.
“Wala akong pakialam sa kahit anong klaseng bahay pa ang mayroon ka, babe. Mahal na mahal kita at ‘yon ang mahalaga.”
Hinaplos naman ang puso niya at dinantay niya ang ulo sa balikat ni Rob. Humiling siya kay Rob na kahit sampung minuto lang na ganito sila bago siya magbihis upang makalabas sila.
Napapikit-pikit si Cassandra dahil inaantok talaga siya ngunit nang tumunog ang cellphone niya ay agad siyang nagising at kinuha ang cellphone na nakalagay sa bulsa ng pantalon niyang nakasabit lang sa pako sa may dingding.
Kaagad na gumuhit ang kaba sa dibdib ng dalaga ng si Edward ang tumatawag kaya agad niyang pinatay ang call at nilagay niya sa silent mode. Hanggang isang text message ang nabasa niya.
Get that fucker out now or I’ll do it!
“Sino ‘yon at kailan ka pa nagkaroon ng cellphone?” untag ni Rob nang makatayo at bago pa ito makalapit sa kaniya ay agad niyang binalik sa bulsa ng pantalon niya ang cellphone.
“Si Zenayda, nagpasuyo lang at sa kaniya cellphone ‘yon, naiwan kasi kanina dito dahil pinapunta ko siya. Ayon nagdala ng pancit pero ang cellphone naiwan.”
Pagsisinungaling ni Cassandra att mabuti na lang at napaniwala niya si Rob. Tinatanggihan niya kasi ang cellphone na ibinibigay ni Rob kaya kung malaman nitong tumanggap siya ng cellphone sa iba ay tiyak na magtatampo ang nobyo niya.
“Mag-aayos lang ako, Rob. Doon ka muna sa labas baka pagtsismisan na naman tayo ng mga kapitbahay kapag nagtagal dito sa loob.”
“Okay, babe, take your time.”
Nakahinga nang maluwag si Cassandra nang lumabas si Rob at muli niyang kinuha ang cellphone at nawindang siya ng sunod-sunod ang missed calls ni Edward at hanggang ngayon ay patuloy itong tumatawag. Hinayaan niya ang lalaki at nagbihis na lamang siya. Una sa lahat ay wala sa kontrata nila na bawal siyang mag-boyfriend at kung halimbawa man na ipagbawal ito sa kaniya ng lalaki ay hindi siya papayag. Dahil kapag ginawa niya iyon ay parang magiging sunud-sunuran na rin siya kay Edward. Kabet siya oo, pero hindi ibig sabihin na magpapa-under siya, kailangan siya ang masunod sa kanilang dalawa.