“BULLSH*T!” Umalingaw-ngaw ang malakas na boses ni Franco sa silid na iyon nang tama nga ang hinala niya. Imbes na sa kapatid niya magalit ay sa dalaga natuon ang galit ng binata at kung nakakasunog lang ang nagliliyab nitong mga mata ay marahil kanina pa siya naging abo. Mabilis na niyakap ni Cassandra ang sariling katawan at kinuro ang dalawang tuhod upang matakpan ang kahubdan niya. Kaagad na lumapit si Edward kay Cassandra upang takpan sana nito ang katawan nang dalaga nang biglang mapatayo nang matuwid si Edward dahil may pumutok ng baril sa paanan niya. “Step back, brother!” turan ni Franco sa kambal. Halos marinig na ng dalaga ang malakas na kabog ng kaniyang dibdib at aminado siyang natatakot siya sa tagpong iyon. Paano na lang kung tapusin siya ng magkapatid na ito, paano