SUMIKAT ang araw ngunit nanatiling mulat ang diwa ni Cassandra. Hindi na bumalik si Edward mula nang lumabas ito ng silid kagabi. Wala siyang ibang sisihin kundi sarile niya dahil sa una pa lang ay ito na ang sinabi ni Edward. Bumangon siya at malalim na napabuntong hininga. Dalawang araw na lang at uuwi na sila sa Maynila kaya dapat ay pagbutihin niya ang pakikitungo kay Edward lalo pa at nasa kaniya ang pera niya kahit sabihin pang may kasulatan sila wala pa rin siyang laban kung sakali man hindi nito ibigay ang sahod niya. Pagkalabas niya ng silid ay naabutan niya si Edward na nag-aayos ng pagkain sa kawayan na lamesa sa labas. Lumapit siya roon at bigla siyang nakaramdam ng gutom nang mabango at masarap sa mata ang mga iyon. “Saan ‘to galing?” tanong niya. “Sa tauhan ko, maupo k