Nagising ako sa ingay ng mga ibon sa paligid kaya dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at ang bumulaga sa akin ay ang isang maliit na kubo. Peste! Sino'ng nagdala sa akin sa lugar na ito? May lihim ba na sumusunod sa akin? Oh, sa bawat galaw ko na hindi ko man lang namamalayan. Kailangan ko na pa lang mag-ingat sa bawat gagawin ko. Marahan akong tumayo, pinakiramdaman ko muna ang buong paligid baka mayroon akong kalaban na nandiyan lamang sa labas ng kubo. Kinapa ko rin ang aking baril sa tagiliran ko, mabuti naman at nandito pa. Ganoon din ang ibang mga gamit ko. Marahan akong lumapit sa pinto ng kubo at dahan-dahan ko iyong binuksan, sumilip muna ako upang makatiyak na walang tao salabas. Malapit na pa lang mag-umaga. At nang makitang kong kahit isa ay walang katao-tao ay na