Alas-otso ng gabi. Nandito na ako sa aking silid at nakahiga na rin. Pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Pakiramdam ko'y naiinitin ang buong katawan ko. Kaya nagdesisyon akong bumaba. Alam kong tulog na sila inay. Hindi na rin ako nag-abala pang buksan ang lampara. Tuloy-tuloy akong lumabas ng bahay para magpahangin. Bukas ay ipapaayos ko ang ilaw dito sa bahay. Balak ko ring ipaayos ang bahay namin. Gusto ko sanang isama ang pamilya ko sa Manila. Pero nag-aalala naman ako na baka malaman nila kung ano ang tunay kong trabaho. Ayaw kong mag-alala sila sa akin. Lumapit ako sa ilalim ng mangga at naupo sa duyan na naroroon. Medyo nawala ang init ng katawan ko nang makasagap na ako ng hangin na pang-gabi. Napapikit din ako ng mga mata para tuluyang ma-relax ang aking utak. "Ano'ng g