Kabadong tumingin ako sa mukha ni Frank. Pero kailangang hindi niya mahalata na kinakabahan ako. Kay muli kung ibinuka ang bibig ko. "S-sige! Makikipag-usap na ako sa 'yo at bukas na bukas din ay pupunta ako sa bahay mo," kinakabahang saad ko sa lalaki. "Wala akong sinabing bukas ka pupunta sa bahay ko. Ang sinabi ko sa 'y ay dapat kanina pa!" mariing sabi nito sa akin. Napakagat labi tuloy ako. Oo nga pala. "Pangako, bukas ay pupunta na talaga ako sa bahay mo." "No, ang gusto ko ay ngayon ka na pumunta!" "P-pero, masyado ng gabi," angal ko sa lalaki. "So, ang usapan ay usapan, Bell." "Okay fine! Magpapaalam muna ako kina inay," asar na sabi ko rito. "Good, let's go," pagyaya nito sa akin at hinawakan pa ako sa kamay upang dalhin kina inay para magpaalam muna. "Ooh, Bell! Bakit g