Pagsuyo 29

1188 Words

Pagkatapos maligo ay agad akong pumasok sa loob ng tent para mahiga. Pero hindi naman ako makatulog dahil iniisip ko si Frank. Tila nagtatampo pa rin ito sa akin, oh, baka hanggang ngayon ay nagagalit pa rin dahil sa nakita nito kahapon na kasama ko si Revas. Kaya naman hindi na ako nakatiis. Tuluyan na akong bumangon. Hindi na nga ako nagpalit ng kasuutan ko. Tanging maikling short ang suot ko at hanging blouse na labas ang tiyan. Nagpaalam muna ako kina inay bago tuluyan umalis. Alam na naman ng mga ito na nagkaayos na kami ni Frank. Hindi naman kalayuan ang bahay ni Frank. Kaya naglakad na lamang ako. Lumiko ako sa kanto at lumakad lang nang kaunti at namataan ko na ang mansiyon ni Frank. Pagdating sa gate ay agad akong nag doorbell. Binuksan naman ito ng guard. Walang tanong-tanong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD