Nang tuluyan nang pumasok sina inay sa loob ng silid ay saka ko naman hinarap ang tatlong lalaki. "Sa anong dahilan at gusto ninyong bilhin ang kaperasong lupa namin? Sobrang liit nito, kumpara sa laki ng lupa ng amo ninyo na alam kong mayaman," seryosong wika ko sa mga ito. "Hindi muna kailangang alamin babae. Saka hindi mo kami makatatakot sa hawak mong katana. Isa ka lamang mahinang nilalang na babae," pagmamaliit ng lalaking aking kaharap. Napataas bigla ang kilay ko sa tinuran nito. Parang gusto ko tuloy matawa. "Uulitin ko ang tanong ko sa inyo. Sino ang nag-utos sa inyo na pumunta rito para papirmahin ang mga magulang ko?" mariing tanong ko sa mga ito. Pero bigla na lamang silang humagalpak ng tawa. At para bang may nakakatawa sa aking mga pinahayag. Pasensiyahan na lang kami
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books