Careela's POV
“Hala! Nakatulog ako?” Mahina kong bulalas nang naalimpungatan ako mula sa malalim na pagtulog.
O M G!!!
Nakakaloka ka talaga Careela!
Patay ako sa boss ko nito!
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog sa sofa ngunit tingin ko mahaba-haba rin ang oras ng tulog ko dahil pagtingin ko sa wristwatch ko ay alas-singko na ng hapon!
“s**t!” Hindi ko mapigilan ang aking sarili na mapamura. “Paano na ‘to? I’m sure he's gonna fire me.” Kinakabahan na bulong ko sa aking sarili habang nakatitig ako sa kisame. Na-i-imagine ko na ang nanlilisik na mga mata ni Erwhan habang binubungangaan niya ako at tinuturo ang pintuan.
Dinaig ko pa siya sa haba ng aking pamamahinga! Sobra-sobra na ang kapalpakan ko sa araw na ito, sa totoo lang.
Una, nilagyan ko ng asin ang kape niya. Tapos kanina ay late ko na nadala ang mga pagkain niya dahil sa lintik na canteen na hindi ko alam na nasa pinakaibabang parte pala nitong napakatayog nilang building. At ang panghuli ay natulog lang ako maghapon sa kaniyang opisina imbes na nagtatrabaho. Lagot na ako nito, wala man lang akong nagawa at natapos kahit isa para sa mga gawain ko ngayong hapon! Mamaya ay ipamukha na sa akin ng boss ko na first day pa lang ng trabaho ko ay ang dami ko ng kapalpakan na ginawa!
Hindi pa ba niya pinapamukha? Pinagbantaan na nga niya ako na tatanggalin at ipapatapon sa labas ng kaniyang opisina, oras na pumalpak ako at hindi ko matandaan ang mga ituturo at sasabihin niya sa akin tungkol sa magiging pasikot-sikot ng trabaho ko rito.
Tsaka alam kong walang boss na natutulog kahit nasa sarili pa nila silang mga kumpanya! Bawat oras sa kanila ay mahalaga dahil bawat oras na nakaupo sila at nakaharap sa kanilang computer, kumikita sila ng milyones. Habang ako, heto at hindi alam ang magiging kapalaran ko sa kumpanyang ito. Whether I will stay still or he’s going to fire me and my grandfather will go to jail.
Two hours na lang ay uuwi na kami sa mansion. Hindi ko tuloy alam kung ano ang mukhang ihaharap ko sa mag-asawa kapag nalaman nila na puro kapalpakan lang ang ginawa ko sa opisina ng anak nila. Malamang magsumbong si Erwhan sa kanila at maging dahilan pa ito para hingin niya sa ama na alisin ako at humanap na lang sila ng kapalit ko.
They are counting on me, paano na when it goes like this?
Dalangin ko na sana ay hindi ako alisin sa trabaho ni Erwhan. Alam ko kung gaano niya ako kagusto na mawala sa paningin niya at napakatanga ko para gumawa ng kalokohan at kapalpakan. 'Di bale, susubukan ko na kausapin siya. Hihingi ako ng isa pang pagkakataon mamaya sa kaniya kapag nakausap ko na siya. Kakapalan ko na ang mukha ko dahil wala rin akong choice kundi maging makapal ang mukha.
Paano si Lolo Carlito if I won't beg for him?
Shit!
Paano na ang lolo ko kapag nakulong siya?
Gusto kong maiyak sa mga pinaggagawa ko. Paano ako makakaalis ng mabilis dito kung puro sarili kong kapakanan ang iniisip ko? Bakit ko pa kasi pinatulan ang baklang iyon? Hindi naman totoo ang bintang ni Erwhan sa akin. Dapat patay-malisya na lang ako. Tsaka wala akong dapat patunayan sa kaniya dahil in the first place siya ang misyon ko kung bakit ako nasa kalagayan na ito. Dapat sa kaniya ako nakapokus at hindi sa ano pa man.
Kaya lang, bago ko ‘to isipin. Gawin ko na muna iyong mga trabaho ko na hindi ko pa tapos. I'm doom kapag wala akong natapos sa mga kailangan niyang dokumento.
Naalala ko kasi na marami pang kailangan na dokumento si Erwhan na kailangan kong i-print dahil kailangan itong pirmahan ng mga investor niya bukas. Ayaw ko ng dagdagan pa ang kapalpakan ko. Dito man lang ay makabawi ako sa ilang oras na wala akong natrabaho kundi matulog.
Sa aking naisip ay tarantang bumalikwas ako ng bangon bago pa man niya ako bungangaan. Ngunit napangiwi ako nang maramdaman ko ang pagkalam ng aking sikmura at ang paggewang saglit ng aking paningin.
"Aray ko!" bulalas ko ng mahina sabay pikit para pawiin ang hilo na aking nadarama.
Naalala ko na hindi pa pala ako kumakain ng lunch kaya heto nahihilo ako at sumasakit ang tiyan. Dapat kumain ako ng pagkain na pwedeng pumawi sa gutom ko. Kahit tubig na lang kaya o kaya gatas ay pwede na pansamantala na pamatid gutom.
I’m so glad may nakita akong pagkain sa ibabaw ng center table na nasa harapan ng sofa na inuupuan ko. May bottled mineral water din at isang piraso ng hinog na saging. I immediately grab the food without asking who own this. Kaya lang, naalala ko na ang mga pagkain na hawak ko ay ang mga pagkain na binili ko para kay Erwhan sa canteen. Agad ko naman itong binalik sa mesa nang maisip kong baka magalit siya kapag pinakialaman ko ang kaniyang mga pagkain.
Pero bakit andito pa 'tong mga 'to? Akala ko ba gutom siya? Hindi rin niya kinain dahil ano? Dahil iniisip ba niya na nilagyan ko ito ng gayuma?
“Siraulo talaga!” Napalatak ako sa aking naisip. Gusto kong matawa kahit wala naman akong dapat tawanan.
Kung totoo ang gayuma 'di sana'y ito ang last option ko kapag hindi ko siya naakit. Gagawa agad ako ng love potion at ilalagay ko ito sa pagkain niya. Pwede ko rin iyong isaboy sa mismong mukha niya at...viola! Tapos na ang problema ko, in love na siya sa akin. Tunay na siyang lalaki!
"Eng-eng ka talaga, Careela!” inis long kastigo sa aking sarili.
Walang ganoon! Kung mayroon man, hindi ganoon kadaling humanap ng mangkukulam sa panahon ngayon! Kahit digitalized na at baka pati sila ay nag-level up na rin. Alam kong walang magpapahamak sa mga sarili nila kahit bayaran pa sila ng mahal.
Walang lakas na tumayo ako at nagtimpla na lang ng gatas ko. Nanlulumo ako para sa sarili ko. Ramdam ko na mapapalayas na ako rito.
Hinaluan ko na lang ng malamig na tubig ang kalahating baso ng tinimpla ko para mainom ko ito agad. Somehow, napawi naman agad ang gutom ko at medyo nagkaroon na ako ng energy kahit papaano. Bawi na lang ako ng kain mamayang gabi. Kahit kumain ako ngayon, I think wala rin lang akong gana dahil nauuna ang kabang nadarama ko.
Naglakad ako patungo sa table ko para gawin ang mga trabaho ko. Sakto pagkaupo ko ay siyang pagbubukas naman ng pinto.
Lagot! He is here! Buti na lang at gising na ako!
Hindi ako tumingin sa gawi ng pinto nang maamoy ko sa hangin ang pabangong gamit ni Erwhan. Kahit hindi namam ako tumingin ay alam ko na siya ang pumasok.
Nagmamadali ang lakad niya at hindi man lang ako napansin. Kaya naman sinundan ko siya ng tingin at nakita kong nakatayo siya malapit sa sofa at tila hindi mapakali. Kumunot ang noo ko. Nakatalikod kasi siya sa gawi ko at hindi ko nakikita ang reaksyon ng kaniyang mukha kaya nagtataka ako sa kilos niya.
“Where did she go?” Narinig kong bulalas niya. Tapos nakita kong inikot ng tingin niya ang buong opisina hanggang sa magtagpo ang aming mga paningin at nagkatitigan.
I saw relief in his face but it faded slowly and turned his emotion into blankness after a couple of minutes. Ako naman ay agad na nag-iwas ng tingin dahil hindi ko kinaya ang kaniyang tingin. Baka kung ano na naman ang isipin niya tungkol sa akin. Baka mamaya sabihin niya na inaakit ko na naman siya because of money. Kung pwede lang sabihin na inaakit ko siya para gawing tunay na lalaki ay ginawa ko na. Tapos makikipagkasundo ako na magpanggap siyang lalaki para tapos na ang misyon ko rito. But I know hindi iyon ganoon kadali. Ako ang sisira lalo sa tiwala niya sa kaniyang ama na walang kaalam-alam si Tito Erwin na sirang-sira na siya sa paningin ng kaniyang anak.
Ano na lang kaya ang iisipin at sasabihin ni Tito Erwin kapag sinabi ko na pinagkakamalan akong kabit niya ng kaniyang anak? Na kaya ako narito ay para kamkamin ang kanilang pera.
“Gising ka na pala? Maayos na ba ang lagay mo?” Tanong niya sa tonong medyo mababa, na labis kong ipinagtataka. Maayos din ang ekspresyon ng kaniyang mukha nang muli akong nag-angat ng tingin para siguruhin kung sa kaniya nanggaling ang mga salitang iyon.
Tinamaan ba siya ng konsensya dahil sa mga pinagsasabi niya sa akin?
Tama nga yata si Ms. Glenda. Mabait naman itong si Erwhan, baka takot lang magtiwala sa tao lalo na at sinisira ng marami ang imahe ng kaniyang ama.
“Maayos na po, Sir. P-Pasensiya na po pala sa nangyari. Nakatulog po ako. Hindi ko po sinasadya. Nakalimutan ko po kasing uminom ng gamot ko,” palusot ko na sana ay lumusot sa kaniya.
“Alam ba ni Daddy na may sakit ka na asthma?” Tanong niya na labis kong ikinabahala. Baka mamaya gamitin niya ito para tuluyan na akong mapaalis dito sa kaniyang opisina. Nakakahiya, first day of work sibak agad ako. Ano na lang ang sasabihin ng mag-asawa sa akin? Nakakahiya! Parang gusto ko na lang umalis at bahala na kung anong mangyari kay Lolo Carlito. Pero hindi naman ako ganoon, kahit maraming kasalanan si Lolo Carlito, I still care for him. Ito iyong isa sa ugali ko na gusto kong alisin kung pwede lang. Para hindi na ako inuusig ng konsensya ko kapag sinubukan kong tikisin siya.
"Yes, Sir. Alam po niya," sagot ko dahilan para mag-iba muli ang kaniyang anyo at makita ko muli ang nakakainis na tingin na pinupukol niya sa akin.
"Sobrang close kayo kung ganoon?" Mapang-insultong sabi niya dahilan para manlumo ako. Iniisip pa rin niya na may relasyon kami ng kaniyang ama?
How sad? Dapat una sa lahat ay siya ang nakakakilala sa kaniyang ama.
“Hindi po, Sir. Hindi po katulad ng iniisip mo kung bakit may alam siya tungkol sa akin. Nagkakamali ka po ng iniisip sa akin.
Nalaman lang po ni Captain ang tungkol sa sakit ko nang interbyuhin po niya ako.” Sabi ko kahit wala namang alam si Tito Erwin sa sakit ko. Kakausapin ko na lang sila ni Tita Stella mamaya. Uunahan ko na sila bago pa madulas si Tito Erwin na wala siyang alam tungkol sa sakit ko.
“Masyado kang defensive, Careela. I’m just asking you if close kayo ng Papa ko? Ang dami mong sinabi, tsk! Tsk!” Sabi niya na iiling-iling.
Napamaang naman ako at hindi na naisip ang naging akto. Natural na dedepensahan ko ang sarili ko kung una pa lang naming pagkikita ay naging judgemental na siya sa pagkatao ko.
“N-Nililinaw ko lang po, Sir. Baka mamaya ay kung ano-ano na namang bintang ang sasabihin mo. Nakakasakit po kasi kayo ng damdamin. Narito ako para sa marangal na magtrabaho hindi para maging kabit lang ng kung sino. Huwag naman po kayong masyadong judgemental, sana maging fair po kayo dahil may damdamin din po ako na nasasaktan.”
“Tss! You don't have the right to tell that to me. The way you looked at my dad, parang iyan din ang tingin na pinupukol mo sa akin. Looks like ako ang susunod mong bibiktimahin dahil mas bata at mas—”
“Mas gwapo naman po si Captain at mabait kung tutuusin sa iyo, Sir.. Kung kagaya lang ako ng iniisip mo, mas papatusin ko si Captain kaysa sa iyo.” Putol ko sa iba pa niyang sasabihin.
Nakita kong napanganga siya sa sinabi ko at hindi nakahuma. Ako naman ay nagsimula ng magtrabaho at naghahanda na sa susunod niyang gagawin. Sobrang lagot na talaga ako. Hindi na naman ako nag-isip. Goodbye, work na ako nito at kulong na ang lolo ko.
Pero nakalipas na ang ilang minuto ngunit wala pa rin akong narinig sa kaniya.
Tapos narinig ko siyang nagmura ng malakas ngunit wala naman siyang sinabi sa akin. He just walked out and keep murmuring words na hindi ko maintindihan.
He is cursing me to death!