Steven's POV “f**k!” Inis kong bulalas nang bumangga ako sa pader na hindi ko napansin dahil hindi ko nakitang babangga na pala ako rito. Halos mapapikit ako sa sakit dahil balikat ko ang higit na nakadama ng sakit dahil sa malakas na impact ng pagbangga ko. “This life sucks!” Inis pa rin na bulalas ko sabay himas sa nasaktan kong balikat. Parang ang laki ng problema ko kung magsabi ako ng ganito. Babae lang naman ang prinoproblema ko. Dapat hindi ako umaakto ng ganito na tila pasan ko na ang lahat ng problema sa mundo. Nang medyo mapawi ang sakit sa balikat ko ay huminga ako ng malalim. Tapos bahagya kong ipinilig ang aking ulo dahil double na ang tingin ko sa paligid. Pambihira! Napasobra na naman ako ng inom! May bago pa ba? Halos ganito naman ang ginagawa ko gabi-gabi. May oras la