Nagtungo ako sa isang sikat na resto bar,ayun Kay jacky ay nangangailangan ng singer ang nasabing lugar,paano namin nalaman iyon?dahil to do search ang magaling kong kaibigan sa paghahanap ng maapplayan ko bilang singer.Napaka supportive niya sobra kulang nalang ipasa ko sakanya ang pagiging ako para siya nalang ang maging singer makapush eh haha.Pero simula ng sabihin niya saakin na mag singer ako at malaking tulong saakin iyon kung sakali ay napaisip talaga ako ng husto kaya heto ako ngayon at napagdesisyunang mag apply.
Pagpasok ko palang ay may bumungad sa aking gwapong lalaki, Parang pinaglalaruan ako ng tadhana madalas kasi sa makasalamuha ko ay pawang mga gwapo talaga. kung babase ako sa itsura neto ay masabi kong nasa edad 30-32 ito.not bad.
"Yes ma'am?sorry po ma'am close pa po kasi kami balik nalang po kayo mga bandang 7pm."
"Ahmmmm...naparito po ako para sana itanong kung totoo iyong sinabi ng kaibigan ko na nangangailangan ang resto naito ng singer,nakita po kasi niya iyon nung mag search siya nung nakaraan."
"Actually yes pero meron akong nahanap ngayon at sinusubukan ko kung qualified siya sa lahat ng notes like high notes or mababa man."
Bigla akong nalungkot na mukhang nahalata ata ng lalaki. "Ganun po ba?nalate na po pala ako hehe." usal ko habang napapakamot sa kilay,sabi ko na nga ba eh hindi para saakin ang pagiging singer tsk.
"Hindi naman sa late,sinusubukan ko palang naman siya.ikaw ba mismo sana ang mag aapply?"
"Oo eh,mag apply sana ako kaso mukhang Mali ang tyming ko."
"ilang years naba ang experience mo as a singer?"
Ha????experience? meron ba ako noon?kung meron siguro oo simula ata 12years old ako ay kumakanta na ako sa harap ng mga magulang ko o sa madalas kong stage ang banyo. "Po? ang totoo kasi niyang ay wala pa talaga akong experience bilang isang singer." napapakamot at napapayuko kong sagot.
"Ooooh I see..well if it's okay to you pwede kabang kumanta ngayon sa stage at iparinig saakin ang kaya mo?"
Napaangat ako ng tingin sakanya habang ito ay nakangiti saakin, mas lalo siyang gumwapo.
"Baka mapagalitan ako ng may ari diba nakahanap na sila?"
"By the way I'm Eric Sebastian the owner." nakangiti niyang sabi sabay lahad ng kamay saakin na ikinagulat ko.Siya pala ang may ari,akala ko kasi empleyado lang ito dito dahil sa simple netong kasuotan,nakasuot ito ng isang blue jeans at black shirt na medyo fit sakanya na bumagay sa suot niyang black cap.he looks cute.
Gaya ng sinabi ni Eric ay kumanta ako sa stage,wala pa namang ibang tao maliban sa mga empleyado na nagtatrabaho dito at nag hahanda para mamaya.
Buong puso akong kumanta sa stage at feeling ko nagugustuhan naman nila dahil sa pag tigil nilang bahagya sa kani kanilang mga gawain at ako ay pinapanood,ngumingiti pa ang mga ito sa tuwing madadako ang paningin ko sakanila.Pinakanta ako ni Eric ng high notes at low notes,habang kumakanta ay kita kong tumatango tango ito saakin habang ako ay pinapanood.diko alam anu ibig sabihin ng tangong iyan,pero sana magustuhan niya kasi kung hindi, ito ang una at huli kong subok na mag apply bilang singer.
Pagkatapos kong mag perform ay nagbilin saakin si Eric na mag iwan ng contact number incase na ako ang Piliin ay tatawagan niya ako na ikinatuwa ko naman,kasi kahit walang kasiguraduhan na matatawag ako ay masarap pala sa feeling iyong makapag perform ka mismo sa totoong stage at hindi sa banyo lang.
After 3days ng paghihintay ko ay nakaramdam ako ng lungkot sa isiping hindi ako ang napili,kasi bago ako umalis sa Lugar na iyon,talagang tutok ako sa cellphone nag aabang at nagbabakasakaling tawagan ako,pero habang tumatagal ay unti unti akong nawawalan ng pag asa kaya kahit sa pagkain ay wala akong gana.feeling ko tuloy sumasabay ito sa lungkot na nararamdaman ko at tila ba ayaw pa akong tulungan ng panahon para makamove on.
Kasalukuyan akong kumakain ng mag ring ang aking cellphone it's jacky.
"Marami pa diyan kaya wag ka ng mag emot diyan."
"Kasalanan mo to."
"Hala manisi ba?"
"kasi kung hindi moko pinilit eh di sana hindi ako umaasa ngayon,asang asa kaya ako."
"Ano kabang babae ka,unang try mo palang ito tapos ganyan agad wag nega okay.there's a lot lot of resto bar hindi lang iisa para sa kaalaman mo." pag tataray neto.napapangiti tuloy ako sa isiping kahit diko nakikita ito ay nakataas nanaman ang kilay neto panigurado.
"Ayoko na, siguro talagang hindi para saakin ang karer na iyon so give up na."
"Give up agad girl?wag ganyan okay?nakaisang try ka palang eh tsk parang ewan."
"one try is enough baka sa pangalawang beses ay mas lalo akong umasa hahaha treat mo nalang ako para naman masiyahan ako saiyo kahit papano haha."
"Your so kapal talaga,naku kung hindi lang kita kaibigan nasupalpal na talaga kita."
"ANG SAKIT MO MAGSALITA SAAKIN SA TOTOO LANG hahaha."
"para matauhan ka gaga,kung kinakailangang araw araw akong magsalita saiyo ng masasakit para lang mapabuti ka ay gagawin ko,naku mamaya mabalitaan ko patay kana pala diyan sa apartment mo ay kunsensya ko pa. "
"Grabe patay agad?hahaha oo na kaya nga mahal na Mahal kita eh.I love you jacky ..Sana lalaki ka nalang para ikaw nalang asawahin ko ahahaha."
"Yuck kadiri to! oh siya papunta na ako sayo,kaya mag ready kana baka kung saan pa mapunta itong usapan naten tumatayo lang balahibo ko ewww hahaha." sabay kaming nagkatawanan sa mga kalokohan namin bago magpaalam sa isat isa.
Nakabusangot parin ako kasi til now umaasa parin ako sa tawag kaya iyong sandwich ko ay hindi ko namalayang nalamog ko na pala kakatusok habang nakanguso ako.Si jacky naman ay pailing iling na napapatingin saakin habang sumusubo ng ice cream.
"you know what?kung may dugo lang yang sandwich baka kanina pa nagbaha ng dugo dito.murderin ba naman ang pagkain."
Napanguso nalang ako at akmang isusubo ang lamog lamog na ngang sandwich ko ng biglang mag ring ang aking phone.Nakatitig lang ako dito dahil unknown caller,hindi ko kasi ugaling sumagot sa tawag kapag hindi ko kilala ang number at lalong walang text na nagsasabing ako si ganito ganyan.napatingin si jacky saakin at kunot noo akong tinignan.
"Hellloooooo?may tumatawag oh,sasagutin mo ba iyan o ako ang sasagot?" pag susuplada niya saakin.
"Hindi ko kasi kilala maya nangtitrip lang eh."
"Paano mo makikilala kung hindi mo sasagutin? jusme kang babae ka,give me that nga at ako na ang sasagot." hahablutin na sana niya ang aking phone pero iniangat ko agad ang kamay ko hawak ang aking cellphone na patuloy parin sa pag tunog.
"Ayan na po sasagutin na. "
"Naku pinatatagal pa kasi eh." inirapan pa ako at pinagpatuloy ang pagkain ng ice cream.
"Hello?"
"Is this Shane Cruz? "
"Yes,who's this?"
"This is Eric Sebastian if you still remember."
"Eric the owner of Spicy resto bar? "
"Yes glad that you still remember me." napangiti ako ng maalala ko siya at nakaradam ng excitement sa biglaang pagtawag niya saakin.
"Bakit ka pala napatawag?"
"I just want to know if you are still available as a singer?"
Nanlaki ang mga mata ko,kukunin naba niya ako? "PO?" sabay tayo sa pagkabigla na nakaagaw pala ng atensyon sa ibang kumakain.
"I'm choosing you iyong napili ko kasi na una kong sinubukan ay pumipiyok pag dating sa ibang mataas na tono di gaya ng sayo na swabeng swabe at pinong pino kapag kumakanta."
"Oh my god! yes po yes po yes po I'm still available.Naku thank you so much sir pagbubutihan ko talaga."
"Call me Eric Shane."
"Okay Eric thank you talaga."
"Your welcome so see you tomorrow? "
"Yes po sir este Eric pala see you tomorrow. "
Sa sobrang saya ko ay hindi kona napigilan pa ang aking sarili at akoy napatili sa sobrang galak hindi ko na pinansin pa ang mga taong nasa paligid na nakatingin saakin basta sobrang saya ko ngayon.
"Hoy anong meron?nakakahiya ka alam mo ba iyon,pinagtitinginan ka kaya,sarap mong itanggi na hindi kita kilala o kasama."
Sinabi ko agad ang magandang balita at pati siya ay napatayo at napapasigaw din na may patalon talon pa sa sobrang saya,iyong ibang tao napapatingin saamin at napapailing nalang iyong iba naman ay napapangiti narin dahil saamin pero wala na kaming pakialam.nagyakapan kami at halos maluha ako sa sobrang saya.
"Jacky thank you so much.pinapangako ko saiyo na ito na ang simula ng pagbabago ko at sisiguraduhin ko na magiging maayos na ako salamat saiyo." Napangiti nalang siya at nagyakapan ulit kami sa tuwa,magcecelebrate kami ngayon at ako ang taya.pasasalamat ko sa Mahal kong kaibigan.