Naging maayos ang pagiging singer niya sa spicy resto bar ni Eric alam niyang gustong gusto siya ng lahat dahil naging sikat siya,minsan may makakasalubong sakanya na hindi niya kilala pero siya ay kilala at laging pinupuri dahil sa ganda ng boses.Binansagan siyang QUEEN REQUEST dahil lahat ng kantang irequest sakanya ng mga customers ay alam niya at madamdamin niyang kinakanta ang mga ito mapataas man o mababa.Dumami din lalo ang customer ng dahil sakanya kaya laking pasasalamat ito ni Eric.
Lumipas ang mabilis na araw at ngayon ay magdalawang buwan na siya sa trabaho pero neh minsan hindi pa nakakapunta ang kaibigan na si jacky dahil simula ng magtrabaho ito bilang singer ay sumabay ang pagiging busy neto sa kanilang kumpanya kaya nakakalungkot man para sakanya na bihira nalang din silang magkasama o magkita ay hindi parin sila nawawalan ng kumunikasyon sa isat isa.
Nagkukwentuhan sila ni Eric nang mag ring ang phone ni shane.Napangiti siya ng makitang rumehistro ang pangalan ng kaibigan sa screen neto.it's jacky.Tumingin ito Kay Eric at sumenyas na sasagutin lang ang tawag ng kaibigan at tumango naman ito.
"Hello?"
"Hello bruha,I'm finally free tonight can we see each other hehe."
"Oo naman,miss na miss na kaya kita masyado ka kasing naging busy."
"Okay Punta ako diyan ngayon,naku naku sa wakas mapapanood na kitang mag perform."
"sure I will wait for you,ingat ka bruha wag masyadong mabilis mag drive ha.?"
"Yes ma'am!" napangiti nalang siya sa kausap sa cellphone dahil kahit kelan lagi andyan ang kaibigan para sakanya at nasanay na talaga siya dito na minsan hinahanap hanap talaga niya.like a real sister.
"Ipapakilala kita sa kaibigan ko maganda iyon." ngiting sabi neto Kay Eric habang may pakindat kindat pa pero lingid sa kaalaman niya si Eric ay may lihim na pagtingin sakanya na hindi naman niya napapansin dahil sa trabaho siya nakafocus.Ayaw na muna kasi niyang pumasok sa maling pag ibig kaya for now,she's enjoying her life without man.
Napatango nalang si Eric sa sinabi ni shane at bahagyang ngumiti sakanya.
"Sure,buti naman at makakapasyal na ang kaibigan mo sigurado akong mabibilib siya saiyo kapag nag perform kana sa stage." masayang wika neto.
Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na ang kaibigan at sakto namang maya maya ay magpeperform na siya.Nagyakapan sila na akala mo ilang taon silang hindi nagkasama at nagkita ganun nila namiss ang isat isa.
"By the way jacky,this is Eric the owner,pogi diba aheeeeeem......!" Ngiting sabi ni shane sa kaibigan sabay Tulak ng bahagya para mapalapit Kay Eric.
"Hello po sir I'm jacky Smith." naglahad ng kamay si jacky na agad namang kinuha ni Eric ang palad.
"Shane is right your beautiful, and you can call me Eric too like shane." Nangiting sabi niya.
Nagkukwentuhan sila ng tawagin na si shane para mag perform,nagpaalam siya sa mga ito at ngumiti.Pag akyat niya sa stage ay tumingin siya sa gawi ng kaibigan at ni Eric,parehas silang nakatingin sakanya kaya nginitian niya ang mga ito habang si jacky naman ay kumaway at sumenyas ng kaya mo yan! aja!
SA tuwing mapapatingin si shane sa kaibigan habang kumakanta ay napapangiti siya pano ba naman si jacky kasi ay maluha luha na nanonood sakanya.tears of joy para sa pagiging singer niya.
Mabilis na natapos ang oras at oras na ng uwian ni shane.Napansin niyang todo ngiti ang dalawa habang magkausap,Napangiti siya dahil nakikita niya ang kaibigan na masaya neh hindi nila namalayang tapos na ang oras ng trabaho niya at kailangan na nilang umuwi,napasarap ang pag uusap nila kaya minabuti muna niyang magtungo sa banyo at mag ayos.
"Hello???oras na kaya ng uwi ko.iiwan ko naba si jacky dito Eric?" tatawa tawang sabi ni shane sabay kindat sa kaibigan kaya pati ito ay napatawa narin.Nagtawanan ang dalawa at napakamot sa ulo si Eric dahil sa totoo lang hindi talaga niya namalayan ang oras dahil nag enjoy itong makipag usap Kay jacky.
Mabilis na nakapagpalagayan ng loob ang dalawa sa isat isa na ikinatuwa naman ni shane.
Lumipas pa ang ilang buwan ay masasabi niyang nakapag move on na nga siya.Simula ng magtrabaho ito bilang singer ay naging maayos na siya bumalik narin ang pagiging msiglahin at masayahin niya.Natuto narin siyang maglagay ng mga kolorete sa mukha dahil tinuruan siya ni jacky,maraming nakapansin na lalo siyang gumanda,pumuti at lalong sumexy maging ang kaibigang si jacky ay napansin ito.
"Tingin mo nagiging tomboy naba ako?" tanong ni jacky na nilapit pa ang mukha Kay Shane.
"Ano nanamang trip yan jacky?para kang eng eng diyan eh."
"Gumaganda ka kasi sa paningin ko." Biglang natawa si shane sa sinabi ng kaibigan at bahagya niyang nahampas sa braso ang kaibigan.
"Problema mo girl?para ka talagang ewan ahaha."
"I'm serious shane.naiinlove kanaba ulit?"
"I think yes." sabay ngiti ng nakakaloko sa kaibigan na ikinalaki ng mata ni jacky.
"Really!???oh my god who is the lucky guy?" napahagalpak sa tawa si shane dahil sa naniwala ang kaibigan sa sinabi niya.Biglang kunot noo naman itong si jacky.
"What's funny?!!!" salubong ang kilay
"Inlove ako sayo gaga!asa ka namang mainlove ako sa iba wala pa sa isip ko iyan."
"Akala ko pa naman totoo tsk!" pag iirap ng kaibigan.naningkit pa ang mga mata na masamang tumingin Kay Shane.
"Baliw ka talaga,okay na kasi ako jacky at wala pa akong balak pumasok ulit sa commitment." sabay kurot neto sa pisngi ni jacky na ikinangiwi neto.
"Aray ko naman Shane! wala man lang thank you diyan dahil pinuri kita o libre man lang Kapal mo noh? may work kana may malaking sinasahod pero puro palibre parin saakin ang pakay mo." hawak hawak ang pisnging namumula na ikinatawa naman ni shane.
"Haha marami ka namang pera eh barya barya lang naman saiyo mga iyan pero sige total wala akong pasok ililibre kita kahit saan mo gusto."
"Yeheeeey! dapat pala lagi kitang pinupuri eh."
"Hahaha baliw! teka kumusta pala kayo ni Eric ang balita ko nagtapat iyon ng nararamdaman saiyo." pangisi ngising turan ni shane Kay jacky na may patusok tusok sa tagiliran.
"Ayun nanliligaw ang mokong,sabi niya noong una ikaw daw ang crush niya pero nang Makita niya ako nalove at first sight daw siya hahaha."
"Ha?diko alam iyon ah hahaha pero haba ng buhok mo inday love at first sight talaga?ahahahaha."
"you know me naman DYOSANG natatangi. " Nagtawanan ang dalawa sa usapan nila.
"Tingin ko I like him too pero dapat muna niyang paghirapan ang gaya ko virgin pa naman ako alangan namang jajackpot nalang siya ng ganun ganun nalang." dugtong ni jacky na may pamewang pa habang nagsasalita.
"Tama ka,Kala ko nga tomboy ka dati eh hahaha." pang aasar pa ni shane sa kaibigan. "salamat naman naku at magkakajowa kana!" dugtong niya.
"Agad agad teh!? mas excited ka ata eh kesa saakin haha."
"Di nemen mesyede hahaha." Nagtawanan sila sa sagot ni shane na inartehan ang pagsasalita na sinabayan pa ng paghawi sa buhok.