CHAPTER 18

1054 Words
Pagkauwi ko ng apartment ay napatingin agad ako sa salamin at napangiti.Hindi ko akalaing kapag nag iba pala ako ng ayos ay may igaganda pa ako.Naisipan kong isuot ang heels na bigay ni jacky at umikot ikot sa harap ng salamin. "Bagay nga saakin." feeling ko tuloy iyong ngiti ko aabot na sa tenga ko sa sobrang saya ko. Habang umiikot ikot ako sa salamin ay napadako ang paningin ko sa isang paper bag na bigay din ni jacky,yun ang dress na gusto niyang isuot ko.Agad ko itong kinuha at nilabas Doon ang kulay itim na damit.Nanlaki ang mata ko dahil sa design ng dress na ito. Isa itong black dress na backless,at tantiya kong hanggang tuhod ko ito na may mahabang slit sa kanan,na sa sobrang taas ng slit neto ay isip kong baka masilipan pa ako neto.Napangiwi nalang ako sa isiping masisilipan pa ata ako sa dress na ito habang pinapasadahan ko ito ng tingin. "Loko talagang jacky ito.sobrang daring naman ata nito." paano ba naman kasi pati sa harapan ay halos kita na ang dibdib ko kapag sinuot ko ito panigurado. sinubukan ko itong isuot total nakasuot narin naman na ang pares n.a. heels neto sakin kaya hindi masamang subukan kahit pa parang nakakailang.Pag harap ko sa salamin ay napa kurap kurap pa ako dahil sa nakikita ko.Ultimong sarili ko ay hindi makapaniwala na ako ba talaga ito?iyong mga suot ko ngayon na kahit wala pa akong ka make up make up ay masabi kong nag iba talaga ang awra ng dating ko. "Is this really me? oh my god! " Hindi na ako nakatiis at nasabi ko na ito ng medyo may kalakasan,isa pa nag iisa lang naman ako dito sa apartment kaya anu naman kung magtitili tili pa ako. Fitted ang dress na ito saakin at sa bandang dibdib ay gaya nga ng inaasahan ko ay kitang kita ang halos malusog kong dibdib.pero hindi malaswa tignan para sakin.Feeling ko tuloy nagmukha akong biglang mayaman dahil dito.Sinubukan kong wag mag bra kaya tinanggal ko dahil parang pumanget dahil nakikita ng bahagya ang suot kong bra lalo pa at backless ito.Tila gusto ko ng mapawow dahil mas okay ata na walang bra.Tingin ko ay sinadya ang dress na ito na talagang dapat walang bra na suot dahil sa bandang dibdib ay may nakalaylay na tela na tatakip na kahit hindi magbra ay hindi mahahalata o hindi makikita na walang bra ang taong susuot neto. Nagpaikot ikot ulit ako sa salamin at na papangiti nanaman.Jacky is right dahil bagay ko nga ito at nagustuhan ko talaga.Nung una alangan pako pero nung sinuot ko na ay mabilis na nagbago ang isip ko lalo nat bumagay talaga ito sa bago kong hairstyle. Nakuha ko pang mag selfie selfie bago mapagdesisyunang hubarin na ang mga ito.Balak ko ng maligo pero naalala ko iyong isang paper bag na dala ko,binili ko ito nang mapansin ko ito kanina bago pumunta ng salon.Naglalaman ito ng limang pirasong kurbata.Nabanggit kasi kasi saakin ni jacky nung nakaraan na mahilig sa kurbata ang kanilang daddy kaya nang Makita ko ito ay walang pag dadalawang isip at binili agad.Ito ang ireregalo ko sa daddy nila.Binalot ko ito,nung una medyo namahalan ako dahil sa limang kurbata ay napagastos ako ng 3800pesos.Medyo pricy.Noong una talagang hinayang na hinayang ako kahit nabili ko na pero nawala din agad iyong paghihinayang na iyon dahil sa mga bigay ni jacky saakin na kung ikukumpara sa presyo ng binili ko ay wala pa ito sa kalahati ng bigay niya. Frenny Thank you sa mga bigay mo,I really love it.Babawi ako sayo next time I promise. message sent! WALA pang limang minuto ay nagreply na ito.nakauwi narin siguro ito bilis mag text eh. Frenny Your welcome my frenny love na love kaya kita.actually same tayo ng susuotin ang pinagkaiba lang ay kulay red saakin at tube sa harap but looks the same parin pra twinny hahaha. Napatawa ako sa reply niya kasi naiimagine ko na kahit hindi ko kasama ito ay tumatawa ito panigurado. Frenny Buti naman medyo same pala tayo hindi ako maiilang na isuot iyon,labas alindog eh haha.walang magbabra bukas ha!? hahaha message sent! Natatawa ako sa kalokohan ko,titig na titig ako sa cellphone ko at inaabangan ko talaga ang isasagot niya. Frenny Hahaha yeah sinadya ko talaga iyan para baka sakaling may mahumaling dyan sa dibdib mo at magpasuso kana ulit hahaha. Nanlaki ang mga mata ko sa reply niya.Abat loko talaga! tumunog ulit ang phone ko,nagtext ulit siya kahit wala pa akong reply. Frenny I'm so excited talaga para bukas,lalo pat pupunta din Doon si fafa Eric ko ininvite ko kasi siya haha. "Kaya naman pala agad pumayag nung nagpaalam akong hindi makakapasok,kaya pala hahaha." usap ko sa sarili. Frenny Hahaha kaya pala ganyan ka ngayon parang kinikiliti sa kalandian haha.oh siya magpahinga kana kailangan mo ng beauty rest para bukas.Matutulog narin ako abat syempre para maganda rin ako bukas sa party hahaha. message sent! Napagpasyahan kong matulog narin habang pangiti ngiti.Laking pasasalamat ko at hindi ko pinroblema ang pagpapaalam kay Eric na hindi ako makakapasok,iyon pala ay aattend din pala ng party kaloka. Frenny Yes ma'am,dapat talaga maganda tayo bukas,sabagay everyday naman tayong maganda so what's new?hahaha oh siya goodnight na muah. Pahabol na reply ni jacky.Sana lang talaga wala lang itong kaba na nararamdaman ko.Feeling ko kasi may mangyayaring hindi ko magugustuhan.Biglang pumasok sa isip ko si jake.naku wag naman sana! mabilis kong iwinaksi sa isipan at umiling ng umiling sa isipang na baka Makita ko ito Doon.Sana lang talaga wag na kaming magkita pa dahil natatakot ako sa pwedeng mangyari na baka may oras na bumigay ako,pero sabi naman ni jacky ay hindi ito uuwi kaya umaasa akong ganoon na nga sana. Pinikit ko ang mga mata ko at pilit na inaalis sa isipan ko ang jake na iyon habang pinapakalma ang puso ko sa kaba na nararamdaman ko,hanggang sa tila hilahin na ako ng antok na para bang dinuduyan ako at magpaagos nalang ng tuluyan sa antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD