Umagang umaga ay naalimpungatan ako sa tunog ng aking cellphone,ring ito ng ring kaya napabangon ako at kinuha agad ang cellphone.
Tumatawag si jacky.Tumawag ito at sinabing magkita kami sa mall.Nagtaka naman ako dahil sa biglaang pagtawag neto at walang ibang sinabi kundi "See you at mall around 2pm okay?I'll wait you there muah!" sabay endcall sa pagtawag niya neh hindi ako hinintay sumagot.Napalukot lukot tuloy ako sa mga mata at tinignan ulit ang aking cellphone para malaman kong panaginip ba iyon o hindi pero nang tignan ko ang duration ng tawag ay totoo ngang tumawag siya.
"Weird...." nasabi ko nalang at bumangon na.it's already 10am at ngayon lang ako babangon,ganito na ako simula maging singer paano ba naman kasi Gabi ang trabaho ko.Sa Gabi gising na gising sa umaga lantang lanta haha.
Habang nag aayos ako ay naisip ko nanaman iyong birthday ng daddy ni jacky na gaganapin na kinabukasan.Parang ang bilis ng araw? Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kaba sa tuwing maisip ko ang birthday party neto.Kabang hindi ko maipaliwanag sa di malamang dahilan.Napapailing nalang ako habang nagsusuklay ng basa ko pang buhok.
Kasalukuyan akong nakasakay sa taxi binabagtas ang daan papuntang? teka wait!Hindi ko pala alam kung saang mall kami magkikita kaya naisipan ko itong itext.paano ba naman kasi sa lawak at dami ng mall sa pinas hindi ko alam kung saang mall pala kami magkikita.masyado kasing nagmamadali ang babaeng iyon.
Frenny:
Hoy bruha! saang mall ba tayo magkikita?nakasakay na ako ng taxi.
message sent!
Nakatingin lang ako sa bintana ng taxi ng tumunog ang aking phone.tumatawag si jacky
sinabi neto kung saang mall kami magkikita at Dali Dali kong sinabi ito Kay kuyang driver.Habang papunta sa mall.
" Anu kaya kong mag New hairstyle ako?" Napangiti ako sa biglaang naisip.Iyong buhok ko kasi ay hanggang pwetan sa haba na may curly curly sa dulo.Naisipan kong ipagupit ito hanggang likod,Naisip ko ding magpakulay ng highlights na blonde at samahan narin ng rebond.
"Mukhang maganda nga ang naisip ko." sabi ko sa sarili habang napapangiti.Isa nalang ang iisipin ko.Ang isusuot ko!Dinial ko ang number ni jacky para sabihing malapit na ako pero hindi ko ito makuntak kaya napagpasyahan kong dumeretso nalang sa loob at hanapin siya.
Pagkababa ng taxi ay agad akong nagtungo sa loob ng mall kung saan kami mismo magkikita ni jacky.Nadatnan ko siyang nakaupo sa isang kainan at may kausap ito sa cellphone.
"Kaya pala hindi ko makuntak ang babaeng ito may kausap pala." siguro si Lee ang kausap.By the way si Lee at Eric ay iisa.His real name is Eric Lee Sebastian.
Malapit na ako sa kinauupuan ni jacky ng madako ang paningin niya saakin at ngumiti.Nakita ko ring binaba na ang cellphone Napansin ko ding nakapag shopping na ito dahil sa mga paper bag na nasa tabi.Tantiya ko ay nasa anim ang paper bag neto.Ay Mali! 8 na paper bag pala ng makalapit ako ng tuluyan.Nagyakapan kami at inabot saakin ang dalawang paper bag.
"What is this for?" tanong ko
"Yan ang gusto kong suotin mo tomorrow night." nakangiti ito habang pinakita ang isang laman ng paper bag.
"At ito naman ang susuotin ng mga paa mong malaporselana.medyo mataas ang heels pero alam ko namang sanay kana sa ganyan.it's cute right?" masayang turan niya habang pinapakita saakin.Actually yes,sanay na ako sa matataas na heels sa Gabi Gabi ba namang suot ko kapag nagtatrabaho ay paiba iba ang size ng heels ang suot ko kapag magpeperform.
"Magkanu ang mga ito?naku baka sobrang mamahal ng mga ito ha baka hindi kita mabayaran."
"Anu kaba bigay ko saiyo yan.nakita ko kasi at nagandahan talaga ako at ikaw agad ang naisip ko."
"Pero sobra sobra naman ito jacky."
"Anu kabang babae ka magtatampo na ako saiyo niyan eh."
"Naku ikaw ha!nagpaplano kana na ngayon ng ganito ng walang pasabi saakin."
"Hehe hindi naman masyado.promise iyang dress na bigay ko lalong lilitaw ang kasexy sehan mo diyan." sabay yakap.inirapan ko nalang ito.
"Actually aalis narin ako,iaabot ko lang talaga ang mga yan sayo."
"What?ayaw mo ba munang kumain?sagot ko promise."
"Na - aah. ..isuot mo lang yang bigay ko sayo para sa birthday party ni dad at sobrang saya ko na."
"Your weird." tanging nasambit ko
"No I'm not. "
"Okay sige thank you hayaan mo isusuot ko ito." sabi ko kahit hindi ko pa nakikita iyong damit.
"Your welcome basta ikaw." nakangiti siya habang nag aayos tila aalis na nga ito.
"Bakit ba nagmamadali ka?aayain pa sana kitang mag salon eh."
"Hahaha I have a date kasi." sabay kindat saakin
"OMG! date niyo ni Eric?"gulat kong tanong at tumango naman ito.
"Yes kaya sorry frenny hindi kita masasamahan ngayon ha?"
"Anu kaba okay lang iyon." talagang ayos lang saakin kasi nakikita ko siyang masaya.
"Basta bukas ha kita kits nalang tayo sa party muah. " tumango lang ako bilang sagot at tuluyan na siyang umalis.
Napagpasyahan ko naring pumunta ng salon at gawin ang bagong look na nais ko.
"Ma'am your so beautiful. lalo kang gumanda sa ayos mo." puri ng matandang nagtatrabaho sa salon.
"Thank you,naisip ko lang ito bigla kanina."
"Naku madam panigurado maglalaway lalo ang jowa mo kapag nakita ka nun." singit ng isa pang bakla habang hinahawak hawakan ang dulo ng buhok ko na kakarebond lang nila.
Napatawa nalang ako sa sinabi nila. "I'm single,sakit lang sa ulo ang mga iyan." sabi ko sakanila na tila ba ayaw nilang maniwala sa sinabi ko.
"Sa ganda mong iyan?napaka imposible ata nun diba baks? " turan ng isa pang bakla habang bumalin ng tingin sa kasama na halatang ayaw maniwala.
Napangiti nalang ako sakanila at umaayos na para makauwi.Nagustuhan ko talaga ang ayos na ginawa nila saakin dahil kuhang kuha nila ang ayos na nasa isip ko lang kanina.Kaya sa pasasalamat ko ay nagbigay ako ng 500 bilang tip nila.Alam kong hindi malaki iyon,pero nakita ko ang tuwa sakanila ng iabot ko iyon. hindi naman kasi ako mayaman