Nagdidinner kami ngayon ni jacky dito sa resto ulit ng kanyang tito hilario,suki na nga ata kami haha dahil sa dalas ng kain namin dito minsan machichimpuhan pa namin ang tito niya at minsan wala kaming binabayaran kahit piso haha.Pagkatapos ng trabaho namin nagtungo agad kami dito dahil gusto ni jacky masulit daw namin this time iyong gala namin but sad to say Jake is calling now.
"Yes brother? late na kaming uuwi ni Shane ha bar lang kami sandali." sabi agad neto sa kapatid habang kumikindat kindat pa saakin na parang ewan.Napapadalas na ang pagkindat kindat netong bruhang to ah minsan napapaisip ako na tomboy na ata siya kaya hanggang ngayon sa dami ng nanliligaw sakanya ay neh isa walang makapasa sakanya.
"Kararating mo lang pero bar agad ang punta mo,gusto mo bang malaman ni dad yang pinag gagagawa mo at ipadala ka sa London?" maawtoridad na nanamang sabi ni Jake. "Where are you?susunduin kita wag na pumunta kung saan saan." dugtong pa neto na daig pa ang isang nobyo at pagiging ama sa kapatid,but for me it's a sweet attitude sana all hahaha.
"Grabe naman kuya I'm with Shane naman at saka nag iingat naman ako.siyanga pala dyan muna matutulog si shane ha para naman makasama ko parin siya pagkatapos mo siyang agawin saakin hahaha."
napasapo naman ako sa noo sa sinabi niyang iyon na parang may something na ibig sabihin tong bruhang to.Naririnig ko ang usapan nilang magkapatid kasi niloud speaker ito ni jacky.pasaway na nilalang,nilalang na ubod ng ganda ika nga nila.
"Eh di mas lalong dapat umuwi na kayo kesa dinadala dala mo ang assistant ko sa kung saan saan.Jacky kelan kapa naging bad influence sa ibang tao!?"
Maka angkin naman itong si sir Jake Kala mo pag aari ako,but I like it haha.napangiti ako sa sinabi ng kuya niyang iyon pero si jacky ikinasimangot iyon taliwas sa galak na naramdaman ko,kita naman kasi sa itsura niyang gustong gusto ng sumabog sa inis haha.
"Okay fine!! we're on our way now tsk!" singhal niya dito pagkatapos pinatay na agad niya ang tawag sabay aya saakin para umuwi na,neh hindi niya hinintay ang sagot ng kuya niya basta bigla nalang niyang binabaan.
wala akong dalang mga damit o gamit maliban sa dala dala ko kanina na gamit nung pumasok ako sa trabaho.papahiramin nalang daw niya ako at ng iba pang mga kailangan ko.
Pagkapasok ng sasakyan sa loob ng malaki nilang gate nakita na agad namin si sir Jake na naghihintay at naka cross arm pa halatang medyo inis ito.pagkababa namin ng sasakyan inirapan ito ni jacky samantalang ako kinakabahan kasi naman mga itsura ng magkapatid na ito Kala mo parehong sasabog.
Sobrang gwapo talaga netong masungit na ito,anu kayang feeling na mahalikan ka?sa isiping kong iyon napakagat nalang ako sa aking ibabang labi na napansin naman ni Jake saka ngumisi sakin na ikinapula ko ata.First time ko siyang Makita na ngumisi at nakakapanibago din pala kasi sa ngising iyon parang may kalokohang di maganda pero nakakainlove.
What!?did I say nakakainlove?s**t! magiging reyna ka nanaman ba ng katangahan Shane?mayaman siya at ako ay mahirap lang,boss siya at ako'y hamak na empleyado lamang niya.Natahimik nalang ako dahil sa mga isipin kong iyon at naisipan kong mas mabuting uminum ng alak.
"Masarap uminum ng alak ngayon." Bigla kong sabi na dapat sa isipan ko lamang iyon pero nasabi ko pala talaga at sa harap pa talaga nila mismo na ikinabigla nilang magkapatid at sabay na nagkatinginan sa isat isa.
"Ha???" Biglang sabi ni jacky na nabigla sa lumabas sa bibig ko.
"SA loob na kayo uminom may mga alak naman dyan,you can choose what brand you want to drink." singit ni Jake na ikinapula ko ulit nangangamatis na ata ako sa sobrang pahiya minsan kasi yung bibig ko pahamak din talaga hay naku.
"Okay total andito narin lang tayo at hindi tayo natuloy mag bar dito nalang tayo.You can join us brother if you want para naman mabawasan ang takot ni Shane sayo." sabay tawa pa netong si jacky.
Sumang ayon naman si Jake sa sinabi ng kapatid at siya pa mismo ang kumuha ng mga baso at nagpaluto sa mga maid ng magiging pulutan.Siya ang taga salin ng alak sa baso namin ni jacky,halos maduling ako sa tapang ng alak na napili ng magkapatid na ito.Si jacky naman ay panay ang daldal at tawa hindi rin maitatanggi na tamado narin ang bruhang ito kasi kitang kita sa mukha niya ang pagkapula ng buong mukha dala ng alak pero si sir Jake ay parang wala lang sakanya,kung titignan ito parang umiinum lang ng tubig.
Napatingin ulit ako sa labi niya nung tinungga niya ang isang basong may laman na alak sabay kagat sa ibabang labi niya.Napaawang nalang ng di sinasadya ang labi ko sa ginawa niya na para bang nauhaw ako bigla,hindi pala uhaw kundi uhaw na uhaw sa ginawa niya.
Ngumisi ito ng nakakaloko kaya napa kurap kurap naman ako kasi nakalimutan ko na parang nahipnotismo pala ako nito. s**t TANGA TANGA MO TALAGA SHANE sabi ko sa sarili ko ng mapagtanto kong nakatitig pala ito saakin.
"Anung tinitingin tingin mo dyan ha!?" irita kong sabi saknya sabay taas ng kilay na nakapag pahalakhak saknya,problema neto baliw na ata.pero kahit ako nagugulat sa inaakto ko dahil sa alak na to.
"Hahahaha hindi ba ikaw ang kanina pa nakatingin saken lalo na sa labi ko?" maangas niyang sabi saaken na may pangisi ngisi pang nakakaloko.pagkasabi niyang iyon lalo akong pinamulahan ng pisngi,hindi dulot ng alak kundi dahil sa lalaking ito habang si jacky naman ay tawang tawa sa sinabi ng kapatid kaya tinignan ko siya ng HUMANDA KA look.
Sa sobrang kahihiyan na nararamdaman ko ,kinuha ko ang baso ko na may lamang alak at tinungga ito kesa sumagot.HIndi pa ako nakuntento at kinuha ko ang bote ng alak at tinungga iyon na nakapag pa blangko saakin nasilayan ko pa silang nabigla sa ginawa ko but I dont care gusto ko mawala tong hiyang nararamdaman ko.Pero bago ako tuluyang makatulog narinig ko pang tumatawa si jacky sabay suka HAHAHA ang bruhang ito talaga,maya maya ay naramdaman kong may bumuhat saakin.